Chapter 4: FRIENDS BRING RUMORS

848 23 0
                                    

First day of school. Sa isang malaking university talaga ako nag enroll nag research ako kung anong school ang pinaka competitive when it comes to business studies. And I know I made the right choice.

Unang araw, sige pagbibigyan ko silang tingnan ako ng tingnan. Hindi ko naman kasi maiiwasan na hindi tingnan ng mga tao lalo na at halatang di ako laking Pinas. Sa kulay ng balat ko at sa medyo slang accent ko pero medyo lang naman.

Nahihirapan ako mag hanap ng classroom ko, o sadya lang talagang I'm out of my head since this moring. I still can't figure out kung paano ako makakabawi sa kanya.

"Miss?" Isang babaeng maliit pero cute ang tumawag sa akin.

"Are you lost?" She has a friendly voice so I don't want to be rude to her.

"Yeah, actually am I even in the right building? Is this the BA building?"

Ngumiti sya sa akin wow, she even got a beautiful smile.

"Yeah, but I think.."

Lumapit sya sa akin at tumingkayad sya at sinilip ang papel na hawak ko.

"But you're in the wrong floor."

Bumaba na sya sa pagkatingkayad pagka sabi nya noon.

"Talaga? Nako, wala talaga ako sa sarili. Anong floor na ba to?"

"Nasa 6th ka, dapat sa 4th ka lang eh hahaha"

Tinawanan nya ako samantalang ako nahihiya sa kabaliwan ko.

"Oo nga no? Thanks for the help.."

"Ashley" She smiled at me. Naglahad sya ng kamay.

"Tori," I smiled back and shook her hand.

"Actually, 4th floor din ako sabay na tayo baka saan ka na naman makarating haha"

We both laughed and walked towards the elevator. Then to my surprise, we're block mates.

Last year daw ay nag take sya ng IT pero di nya daw kinaya kaya nag shift sya ng course ayaw nya daw i credit dahil ayaw nya mag irreg kaya nag back to zero nalang sya.

We became friends that instant. At ito naman ang namiss ko sa mga pinoy, super friendly. Hindi katulad sa US kapag mag isa kalang, hindi ka nila papansinin. Lalo na kung bagong salta ka lang.

Sya lang naman ang madaldal nung una but eventually, nag dadaldalan na kami.

Nang nasa cafeteria kami ay maingay kaming nag kkwentuhan pati mga students ay maingay na nagtatawanan nang bigla bigla nanahimik lahat ng tao as in lahat sila ay tumigil sa pag tawa nanahimik ang lahat. Tumingin ako sa paligid sabay na kinalabit si Ashley.

"Hey, what happened?"

"Kita mo yun?"

Nginuso nya ang grupo ng mga babaeng kakapasok lang sa caf.

I nod my head.

"Sila ang nag iisang sorority dito sa university sila ang SKLIROXYPNOS. Hindi naman sila magugulo o matatapang na grupo pero napaka bossy, angas at lupit ng grupo nila."

Tinitigan ko ang grupo ng mga babae na nasa kabilang side ng caf. Mukha naman silang maaayos. Mukha namang mababait.

"Marami sila?" out of curiosity na tanong ko kay Ashley.

"Nope. Konti as in konti lang sila. Everyone wants to be in pero lagi silang bigo. Sobrang pili lang ang nakakapasok sa kanila. At yung leader nila? Naku, kung makikita mo sya, wag mong tititigan sa mata kasi baka maging yelo ka. El ang tawag sa kanya dahil sya daw ang Ice queen dito kinuha yung EL sa pangalan ni Elsa ng Frozen na movie. Ayon sa iba, yung mga bully ang pinaparusahan nila."

Burn My Heart [GxG COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon