Chapter 18: Voodoo Something

599 14 0
                                    

EUNICE

"I would never let her win my Tori!"

Ilang linggo na rin pero hindi pa rin ako maka get over. Mas nasasaktan ako kapag nakikita ko silang magkasama sa campus. Ang sakit sakit.

Ibinagsak ko ang pinto ng kwarto ko at saka sumigaw.

"Eh ma'am, huminahon ka naman ma'am. Nininirbyus aku sayu ma'am"

Tumingin ako ng matalim kay Minya. Ang bago naming katulong pagkatapos mag retire ni Manang Adel.

"What the fuck do you want me to do!? I'll go crazy kapag nawala sya sa akin! Tori is mine! Akin lang sya!" 

Sa sobrang galit ko ay hindi ko na na control ang sarili ko at dinampot ang lampshade na nasa tabi ng kama ko at ibinato iyon sa pader.

"Ayy! Ma'am wala namang ganyanan ma'am mahal ko pa ang buhay ko ma'am may mga kapatid pa akong umaasa sa akin ma'am gustu ku pang mabuhay ma'am gustu ku pang mag asawa ma'am"

Tumakbo sya palapit sa pinto nang muntikan na syang mahagip ng lamp shade.

"Wag kang aalis Minya! Dito ka lang! Aalis ka lang kapag sinabi ko!" 

Bigla syang dumikit sa pinto at itinaas ang dalawang kamay. 

"ih ma'am para mo na kasi akong i kikill ma'am plis naman ma'am si Linard ma'am nag hihintay pa sa akin sa prubensya namin ma'am mag wewedding pa kami ma'am meron pa syang pramis ring sa akin ma'am wag nyo akong i kill ma'am"

Napakadaldal nitong babaeng to nakaka pikon!

"Laking probinsya ka nga pala!" 

Nag liwanag ang kanina pang nanlilisik kong mga mata.

"Upo ma'am" 

Lumapit ako ng dahan dahan sa kanya habang sya ay parang papel na unti unting nalulukot at tumitiklop habang papalapit ako sa kanya.

"Marunong ka bang gumawa ng gayuma?"

Malaki ang ngiti ko sa kanya. 

Tumingin sya sa akin.

"Hi--hindi po ma'am"

Pinalo ko ng malakas ang pintuan dahilan para mapayuko sya sa takot. 

"Pe--pero pero pero p-po meron po ako kakilala ma'am na marunung ba, mag gayu gayuma ba. Doon sa baryo namin ma'am"

Ngumiti ako ng matamis at hinawakan sya sa mukha. 

"Ayun naman pala, afterall, may silbi ka. Dalhin mo ako doon bukas. Magbabayad ako kahit na magkano. Basta siguraduhin mo! Na effective yan at hindi mo ako niloloko, Minya. You know what I am capable of doing." 

I gave her a big smile. 

"O-- opo ma'am! Si--sigurado po ako ma'am."

"Okay. Go." 

Nag madali syang lumabas nang pinto at naiwan akong nakangiti. 

"Just wait, Tori. Mapapasa akin ka rin ng tuluyan at habang buhay."

Kinabukasan ay maaga kong kinalampag si Minya. Gustong gusto ko nang magawa ang balak ko.

----

"May pektyur daw po ba kayo ma'am? Ni Tori ba." 

Inabot ko ang bag ko at tumingin sa matandang babae na kaharap namin. Hindi ko kasi sila naiintindihan dahil yung language nila ang gamit nilang salita.

"Inabot ko kay Minya ang picture ni Tori. Hindi ko alam pero habang ginagawa ng matanda ang orasyon nya ay napakasaya ko. Hindi ako makapag hintay na mapasakin ulit sya." 

Burn My Heart [GxG COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon