Chapter 9: Little Yellow Riding Hoodie

761 23 3
                                    

TORI

Lumipas na ang ilang buwan, nagpatuloy lang ang buhay. Hindi ko na rin masyadong nilalapitan si Burn. Kapag dumadalaw ako sa kanila ay niyayaya ko si Ning Ning na lumabas at pinapayagan naman ako ni Burn na ilabas si Ning . 

 Si Eunice naman, heto at kasama naming apat na kumain dito sa restaurant na nasa tapat ng school namin. Eventually naging part narin si Eunice ng circle namin mas madalas namin syang makasama kaysa sa mga kaklase nya. Masaya daw kasi kaming kasama, nagiging totoo sya sa sarili nya. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun pero hinayaan ko nalang din sya dahil masaya din naman yung tatlo na kasama si Eunice. 

"Hoy! Ano te day dreaming na naman!?" 

Awat sa akin ni Ashley sa pag tulala. 

"Wag mo na akong isipin" 

Napatingin ako kay Eunice at napailing. Nag sisimula na naman sya mang asar.

"Ayiiiee ikaw kasi Tori napaka pakipot mo si Eunice na nga lumalapit sayo eh!" 

Aba at ginatungan pa nitong si Roxy!

Nalaman na kasi nila na may gusto sa akin si Eunice.

Last Saturday night kasi ay nag yaya si Eunice na mag hang out daw kami sa bar na pag mamay ari ng kuya nya. Ito namang si Roxy ay agad agad na umoo at nag makaawa sa amin na sumama daw kami kaya ayun nahatak na naman nila ako at napilitan na rin sumama. 

Doon sila nag wala. Tawa lang ako ng tawa sa kanila dahil nalasing si Eunice at Roxy. Ewan ko mag bff na yata ang dalawang to. Syempre nasa VIP room kami kasama si Drey at si Rome. Oo, si Rome na ka flirt pa rin ni Roxy. 

Doon umamin si Eunice sa kanila na inlove sya sa akin tapos ay bigla akong hinalikan sa pisngi. Sina Roxy at Ashley naman ay panay ang tili at sinabing bagay na bagay daw kami. Doon na nagsimula ang pang aasar nila sa amin. 

Hanggang sa nakasanayan ko nalang din, dahil wala naman akong magagawa kung nag iisang tao pa rin ang laman ng puso ko at walang duda kung sino yun.

Si Burn. Sya pa rin ang laman nito. Sya parin ang gusto nito. Pero gusto ko nang mawala ang nararamdaman na to dahil sa araw araw na hindi kami nag uusap ay mas nasasaktan ako.
Pag katapos naming kumain ay nag kayayaan nang maguwian. Pero si Eunice ay niyaya pa akong mag kape, gusto nya lang daw akong makasama. Dinala nya ako sa Meetme coffee shop. Nag order sya ng para sa amin at hinintay nalang namin na maiserve ito. Sa may bandang sulok kami umupo ni Eunice, yung tipong corner na talaga. May dalawang set ng table across each other. Napansin kong nakayuko ang isang babae na naka yellow hoodie na nakasaubsob sa kabilang table at halatang tulog ito. 

"Tori," Seryoso ang mukha ni Eunice nang tingnan ko sya.

"Kamusta ka?"

Napanganga ako sa tanong nya. 

"Ako? Magkasama tayo kanina pa tapos ngayon mo ko tatanungin nyan? hahaha"

"I'm serious, Tori." Nakita kong seryoso nga talaga sya kaya umayos na ako.

"Sorry." Umayos ako ng upo at sinagot ang tanong nya.

"Oo naman, okay lang ako Eunice. But as you know,  It still hurts." Huminga ako ng malalim nang sabihin ko iyon.

"Why don't you, just  use me, Tori. Use me as your rebound para maka move on ka na sa kanya. Kasi paulit ulit ka nalang nasasaktan sa kanya."

She reached for my hand at hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong gawin. Iniisip kong mabuti ang sitwasyon pero ayoko namang gamitin lang si Eunice. She's a great person at ayokong masaktan sya ng dahil lang sa akin.

Burn My Heart [GxG COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon