L1234 (Short Story)

2K 29 0
                                    

Thank you nayinK for giving me the opportunity na makasali sa NWC mo. ^___^

L1234 by Jasmine Fernandez-Rios

Prologue:

Pinatay ko ang alarm clock sa tabi ng aking kama, ala-syete ang dapat na oras ng aking gising ngunit ala-singko pa lang ang mulat na ako. Siguro ay dahil sa anibersaryo ngayong araw at hindi ako nakatulog ng maayos. Napatingin ako sa isang litratong nakasabit sa pader ng aking kwarto.

                                 

Ang saya ng kuha. Walang problema, walang sakit at walang panghihinayang kang makikita sa mukha ng dalawang babaeng nasa litrato. Malungkot na bumangon ako at kinuha ang tuwalya na nakasabit sa pinto ng banyo sa aking kwarto, saglit na naligo ako at nagbihis ng isang putting bistida.

Nakita ko ang isang lumang photo album sa aking aparador, ang tagal ko na ding hindi ito binubuksan. Kinuha ko iyon at nilagay sa bag na dala ko. Bumaba na ako upang kumain ng almusal.

“Sigurado ka bang ayos lang sa’yo na ikaw lang mag-isa ang pumunta doon?” Tanong sakin ni mama, inayos niya ang bag ko, may nilagay siyang payong doon at isang bote ng tubig.

“Ma, hindi nanaman ako bata. Sementeryo lang ‘yun.” Ngumiti siya at tinapik ang balikat ko.

Nang matapos akong kumain ay umalis na din kami ni mama. Nag-commute lang kami dahil kanina pa umalis is papa papuntang opisina niya gamit ang sasakyan. Nang makarating kami sa sementeryo ay iniwan din naman agad ako ni mama at pumunta na sa maliit na pwesto namin sa isang maliit na mall sa Maynila.

Agad na tinahak ko ang puntod na aking pupuntahan at malungkot na tinitigan ang nakasulat sa lapida. Naupo ako sa damuhan at inalis ang ilang dahon na humaharang dito.

“Kamusta ka na?” Tanong ko sa puntod niya.

It’s been a year since she left. At hanggang ngayon ay hindi ko pa din mappatawad ang sarili ko sa mga bagay na nagawa ko sakanya. I never meant to hurt her. I would never hurt her, she’s my best friend. Inilabas ko ang photo album sa bag ko at inisa isa ang bawat pahina nito. All my memorie with my best friend. Lahat ng masasayang alaala ko kasama siya. Simula noong grade five kami hanggang fourth year high school.

All the memories are stored. Pero matapos ang huling araw namin bilang high school student ay natapos din ang pagkakaibigan namin dahil sa isang malaking away.

“Sorry sa ginawa ko. I just wanted to save you from that guy. Niloloko ka lang niya, at kapag hinayaan kong patuloy ka niyang lokohin, what would that make me as your friend?”

Ayoko ding masaktan kita kapag sinabi ko ang totoo sa’yo. So I planned everything, I took him away from you, para kahit papaano ay ang matatandaan mo lang ay inagaw ng kaibigan mo ang taong pinakamamahal mo, by that it wouldn’t hurt you so much. Pero hindi ko namang inakalang aabot sa ganito ang lahat. Why would you kill yourself just for that man?

Pinahid ko ang luha sa pisngi ko, tapos ay iniwan ko ang photo album sa puntod ni Vanessa at nagsimula ng maglakad palayo, and then I saw him. A guy was crying beside one of the graves here. Hindi ko alam pero bigla akong naluha sa kalagayan niya.

It feels like it’s the purest thing I have ever seen in my life. It’s like I’m seeing an angel weeping over someone they loved. Naupo ako sa may ilalim ng isang puno dito at pinanood lang siya. Nagsasalita siya pero hindi ko naman ito marinig. He looks so broken.

May isang babaeng dumating at niyakap siya, hindi ko alam pero parang may isang karayom na tumutusok sa dibdib ko, hindi ko maintindihan. Biglang kumulog kaya naman tumayo na ako at umalis, kinuha ko ang isang payong sa bag ko at naglakad na palayo.

Papasakay na ako ng jeep nang maalala ko yung lalaki. By the looks of it, I don’t think kahit umulan ay aalis siya doon. Bumalik ako sa pwesto kung saan ko siya huling nakita at inilabas ang extra kong payong na dala. It was my mom’s umbrella, hindi niya nakuha sakin ito nang ihatid niya ako kanina dito.

Lumapit ako doon sa babaeng dumating na tila ba naghahanap ng maaaring silungan, tinapik ko yung babae at inilahad sakanya yung payong, “Kanina ko pa siya nakita na nandito. Ayoko namang lumapit. He looks so sad. Gamitin niyo muna ito.” Agad na kinuha naman niya ito at nagpasalamat sa akin.

Naglakad na ako paalis ng tawagin niya ako at tinanong ang pangalan ko, “Raziel. My name’s Raziel.” And then I left. I left with the memory of that man’s face. That angel’s face.

Jhassy's Message: Ito yung pinasa ko kay NayinK kaso, hindi siya nanalo. Though, ito yung revised version. Hihihih! This will be my last religion related story. ^__^ Hope you'll enjoy it. :D Every other day ko ito i-UD kahit tapos na siya. Hahahaha! :))

L1234Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon