Chapter VII

445 19 1
                                    

Chapter VII

Amiel Xander Lopez

“Amiel, sumama ka na, please?” Pagpupumilit ni Raziel sakin.

 

Kanina pa kami nandito sa roof top at pinipilit niya akong samahan siyang magsimba sa linggo. Praying is not really my thing. Hindi ako naniniwala sa dasal. We earn what we have, hindi ito binibigay satin. We work hard for the things we own, hindi hinihiling sa isang taong likha lang ng imahinasyon natin.

 

Life is like a piece of coin, either which face we we’re in. We have to deal with it. Hindi na ito mababago ng tinatawag nating dasal.

 

“Ayoko. Ask me anything but that.”

 

Humalikipkip ito at nag-isip, ilang minute din ay ngumisi siya sakin at hinawakan ang braso ko. I know what that smirk means at mas lalong ayokong gawin iyo. Kaya naman napilitan akong gawin na lang ang una niyang sinabi, “I’ll go to the church with you.”

“Good. Pero mas maganda sana kung yung sasabihin ko pa lang ang gagawin mo.”

“No. It’s impossible for me to talk to my mother. Not now, not ever.”

“Luke 18:27, all things are possible. Diba nga dati sabi mo, imposibleng pumunta ka sa simbahan, pero nangyari. Nothing is impossible.”

 

Inakbayan ko na lang siya at naglakad na kami pabalik ng class room. Maybe all things are possible, but me and my mom? Hopeless case na kami. Wala ng makapag-aayos samin.

 

“She cheated on my father.” Sabi ko sakanya ng tanungin niya ako kung bakit ang alki ng galit ko sa mama ko.

“I know. Pero ano naman? Jacob was a cheater, pero naging disciple pa din siya. Everyone deserves a second chance.”

Ginulo ko ang buhok niya at ngumiti, “Hindi ka nauubusan ng isasagot sakin no?”

“Try me.”

 

Nginisian ko siya at hinatak sa isang laboratory at isinandal sa pader, I lean closer to her and kiss her. It was just a short kiss. Lumayo din ako at hinalikan naman siya sa noo.

 

“That’s the reason why I like you. You never fail to amuse me.”

Ngumuso siya at pinalo ako sa braso, “Like lang? Eh bakit mo ako mahal?”

“Because when I’m with you, I feel like a better person.”

“You are a better person, Amiel.”

 

Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ito. Inaya ko siyang pumunta na sa klase namin at doon ay nakigulo siya kay Cara habang naglalaro ito sa cellphone.

 

Ang ganda niyang tignan habang nakangiti. Tumingin siya sakin at kinindatan. Humarap ako kay Vincent dahil may sasabihin daw siya.

 

“Do you really like Raziel?” Tumango naman ako sakanya, “Is there a problem.”

L1234Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon