Chapter II

593 23 1
                                    

Chapter II

Amiel Xander Lopez

Umakyat ako sa roof top ng unibersidad namin, wala akong ganang kumain, mas gusto ko pang matulog, at iyon nga ang gagawin ko. Madaling araw na akong nakauwi kanina dahil sa naging laban ko sa Batangas kahapon, nagkayayaan pa kasi kaming mag-inuman nang matapos ang race namin.

 

Nahiga ako sa isang sulok at pumikit, ngunit papatulog pa lamang ako nang may isang mala-anghel na boses ang kumanta,

 

“Lately I’ve been thinking,

Thinking ‘bout what we had,

I know it was hard.

It was all that we knew, yeah..”

 

Napabangon ako at nakita ko siyang masayang kumakain habang kumakanta.Kunot noong tinitigan ko siya habang nakangiting tinitignan ang nasa labas, “Crazy.”Muli akong pumikit at nagsimula ng matulog.

 

“Eh? Hi, Amiel!” Sigaw ng babae dahilan para magising muli ako, napahilamos ko sa mukha ko ang aking kamay at naupo.

“Manahimik ka, matutulog ako.”Saad ko sa kanya kahit na hindi na din ako makatulog dahil sa pag-iingay niya. Sumandal ako sa pader at ipinikit ang mata ko.

 

“Ang aga aga oh. Gusto mong kumain?” Dumilat ako at sinamaan siya ng tingin, napakakulit talaga ng babaeng ito. Miski sa aming mga klase lagi niya akong kinukulit, noong una ay sinasaway ko siya pero pinaglihi ata ito sa kiti kiti at hindi pa din tumigil sa pagkanta niya.

“Alam mo, saying ang itsura mo kung magsusungit ka lang lagi.” Sabi niya.

“Wala kang pakielam kung mag-sungit ako.” Saad ko naman sakanya habang nakapikit pa din.

“Sayang ang pagiging maamo ng mukha mo. Hindi akma sa pinapakita mo. At pakiramdam ko, hindi naman talaga ganyan ang ugali mo. It feels like everytime I look and watch you, ibang tao ang nakikita ko.”

 

Nagmulat ako ng mata at tumayo na para umalis, imposibleng makatulog ako sa pag-iingay niya. At imposibleng hindi ko din siya sagutin sa mga tinatanong niya, dahil kahit ako, hindi ko alam kung bakit ko siya kinakausap. Naglakad na ako pababa nang tawagin niya ako.

 

“May tubig ka ba diyan? Hindi ako nakapagdala eh.” Masamang tinignan ko siya at umiling.

 

Tuluyan na akong umalis at nagdire-diretso sa library upang doon matulog, pero imbis na sa library ako dalhin ng paa ko, ay nakita ko na lang ang sarili ko na pabalik sa roof top habang may hawak na isang bote ng tubig. Doon ay naabutan ko siyang inililigpit na ang gamit niya, lumapit ako sakanya at itinapat ang bote ng tubig sa mukha niya.

 

Naguguluhang tinitigan niya ako at kinuha ito, “Thank you.” Sambit niya sakin at ngumiti, naupo sa isang monobloc chair doon at uminom ng tubig, ako naman ay naupo sa lapag sa tabi niya.

 

“I take back what I said. Hindi ka naman pala masungit.” At saka naman siya tumawa.

L1234Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon