Chapter V
Carina Alexandra Perez
“I saw her.” Sabi ni Amiel sakin. “Who? Tanong ko naman sakanya.
At hindi ako makapaniwala sa sagot niya, “Raziel.”
Para bang nabingi ako sa sinabi niya. He saw Raziel? It’s impossible. She’s... She can’t possibly be here, “W-when?” Tanging naging tanong ko sakanya. Baka naman matagal na iyon.
“Earlier. Nandito siya.” Nanlaki ang mata ko at hindi makapniwala sa sinabi niya. Imposible iyon. “Are you sure it was her?”
Nahiga siya sa kandungan ko at tumango. Napaisip ako at ngumiti na lang sakanya. Nag-aya akong umuwi dahil sa sinabi niya, pagdating sa bahay namin ay agad na dumiretso ako sa kwarto.
Imposible. Hindi kaya nagkamali lang ako ng dinig?
Napatingin ako sa litrato sa bed side table ko, iyon ang litrato naming tatlo nila Raziel at Amiel, two years ago, we’re the best buddies in the whole university. We’re inseperable, saksi ako sa panliligaw ni Amiel kay Raziel, I saw how happy they are when they officially became together. At ako ang pinakanasaktan ng maghiwalay sila.
A part of me wants to think na ako ang dahilan kung bakit nangyari ang bagay nay un, dapat hindi ko na hinayaan si Raziel na makisalo sa amin nung despidida ni Vince gayundin naman at wala noon si Amiel, pero hinayaan ko siya. And worst, hindi ko siya naprotektahan ng i-frame up siya nito.
I was really devastated nang makita kong sinigawan ni Amiel si Raziel kaya naman kinompronta ko noon si Vincent and then he told me the truth, sinabi ko iyon kay Amiel pero may isang bagay akong hindi naintindihan ng mga panahon na yon.
Ang sabi niya alam nanaman niya ang totoo, pero bakit hindi pa din niya magawang mapatawad si Raziel? Then just after I talked to Amiel at the bar that time, ang una kong pinuntahan ay si Raziel, and she told me everything. Things that I didn’t know she can do.
Napailing ako sa naisip ko, galit ako kay Raziel hindi dahil sa nagsinungaling siya kay Amiel, galit ako sa kanya kasi sinaktan niya ito. Amiel is a very fragile person sa totoo lang, madali siyang masaktan. Ang akala lang ng iba ay wala siyang pakiramdam, pero ang hindi nila alam, he felt more than he could ever take.
Naranasan na niya ang lahat ng sakit na pwedeng ibigay ng buhay, his mother betrayed his family, his father died, and the only person he ever loved did the same too. Maaaring hindi nga lahat ng klase ng sakit ay naranasan na niya, pero para sa isang tao, that’s too much of a suffering.
Bumangon ako at uminom ng gatas, sa may lamesa ay may nakita akong isang lighter. Kinuha ko iyon at inilagay sa bag ko. Bumalik ako sa kama ko at natulog na habang hindi pa rin inaalis sa isip ang sinabi sakin ni Amiel.
Kinabukasan ay maaga akong bumangon, mabilisang nag-gayak ako at sumakay sa sasakyan ko at umalis. Saturday naman kaya ayos lang na hindi pumasok, at isa pa, wala naman akong Saturday class. Sigurado pa akong hindi ako pupuntahan ni Amiel ngayon dahil kaarawan ng half sister niya.
BINABASA MO ANG
L1234
SpiritualSa mundong ginagalawan natin, may mga pangyayaring hindi natin inaasahan. Things that can change our beliefs. It can either change in a good way or bad. The world revolves with the thing we call Yin and Yang. Ang bumabalanse sa mundo natin. Yin Yang...