Chapter X
Amiel Xander Lopez
Pumayag ang papa ni Raziel sa kahilingan ko pero ang ipinagtaka nila ay kung paano. Sinabi ko sakanila ang naging plano ko at sumang-ayon naman sila dito. Ang sabi pa nila ay kakausapin daw nila ang doctor nito upang masabihan sa gagawin ko.
At dumating na nga ang araw na sinabi kong date namin ni Raziel, nandito ako ngayon sa hospital room niya at inaayos ang isang lamesa, nilagyan ko ito ng kandila sa may gitna at bulaklak, nakapwesto ito sa may tabi ng kama niya.
Kinuha ko ang bouquet ng roses at baby’s breath sa sofa at inilagay ito sa vase sa tabi ng kama niya.
Habang kumikilos ako ay nakita kong pinapanood lang ako ni Raziel sa isang gilid, “You won’t help me?” Tanong ko sakanya at ngumisi.
Sumimangot siya at pumamewang sabay sinagot ako, “Excuse me, ikaw ang lalaki. You should be the one doing all of that. Buti nga pumayag akong makipag-date sa’yo eh.”
Napangiti ako at nang matapos ako sa pag-aayos ng lamesa ay lumapit ako sa kama ni Raziel, hinawakan ko ang buhok niya at hinalikan siya sa noo.
“Come back, Angel.” Bulong ko sakanya at naupo na sa may tapat ng lamesa.
Nakita ko si Raziel na malungkot na nakatitig sakin, tinanong ko siya kung anong problema at umiyak lang siya, “What is it?” Tumayo ako at lumapit sakanya pero sa bawat hakbang ko ay umaatras lang siya.
“I’m sorry if I’m not be able to eat with you, Amiel. I’m really sorry.” Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ito.
“You don’t have to. I’m satisfied just by seeing you. Don’t cry.” Inalis niya ang pagkakahawak ko sakanya at naglakad patungo sa kama niya.
“If you are, well I’m not! I’m not Amiel. Look at me!” Tinuro niya ang katawan niyang nakahiga sa kama at umiyak, “This is me, Amiel. This is the real me. And sooner or later this person is the only thing you’ll have. Mawawala din ako. You’ll get sick of me pag nawala na ako sa paningin mo. I’m uncertain, Amiel. Walang kasiguraduhang makakasama mo pa ako ng normal. Ito lang ako.”
Lumapit ako sakanya at yayakapin sana siya nang may pwersang tumulak sakin palayo, “Listen, Raziel. I’ll never get sick of you, I love you. This is not the right time for you to be hopeless.”
“Ayokong magkaron ng rason na magalit sa Diyos, Amiel. Pero nagagalit ako sa’kanya. Bakit kailangang ilagay pa niya tayo sa sitwasyon na ito? Why does he have to make our life miserable!?”
Naluluhang lumapit siya sakin pero sa bawat paglapit niya ay may kung anong bagay na tumutulak sakin palayo, “Raziel, what is this?” Tumigil siya at sinubukang abutin ang kamay ko pero hindi niya magawa.
I tried reaching her hand but a certain force has been keeping it away from my grasp, “Sht, Raziel this is not funny. Why can’t I touch you?”
“I-I don’t know.”
Napatigil kami nang may biglang isang nakakabinging tunog akong narinig. I look at Raziel’s body and saw her ECG machine’s line was flat.
BINABASA MO ANG
L1234
EspiritualSa mundong ginagalawan natin, may mga pangyayaring hindi natin inaasahan. Things that can change our beliefs. It can either change in a good way or bad. The world revolves with the thing we call Yin and Yang. Ang bumabalanse sa mundo natin. Yin Yang...