Chapter III

506 19 2
                                    

Chapter III

Amiel Xander Lopez

"Amiel!" Tawag ng isang pamilyar na boses sakin pagdating ko sa apartment. Napalingon ako at nakita ko doon si Raziel na namumugto ang mata.

"Anong nangyari?" Tanong ko sakanya. Pinapasok ko siya sa loob ng apartment at inalok ng tubig.

 

Hindi ako pumasok ng ilang araw dahil sa laban ko sa Subic, nakipag-karera ako, at gaya ng inaasahan, nanalo nanaman ako.

 

"Nagpagupit ka." Tumabi ako sakanya at hinaplos ang buhok niya, magaang hinalikan ko siya sa noo at nginitian, "You smell good."

 

Hindi ito umimik at yumuko lang, something happened to her. Alam ko iyon dahil hindi siya ganyan kumilos, "What happened while I'm gone?"

"Si Anabelle..." Panimula niya sakin, "What did she do to you?"

 

Nagtatakang tanong ko naman sakanya, "Kasi diba, kinwento ko sa mga kaibigan ko na ano... Na niaano... Yung sa iyo pati sa.. Akin--"

"That I'm courting you. How about that?" Diretsong tanong ko sakanya kaya naman napayuko ito at namula.

 

Nag-iwas ako ng tingin at lihim na ngumiti. Isang linggo ko na siyang nililigawan, after that note she gave me a few weeks ago, napagdesisyunan kong ligawan siya. Matagal ko ng gusto si Raziel, halos walong buwan na din simula ng maging magka-klase kami.

 

"Kasi kanina ipinagkalat niyang gumagawa lang daw ako ng kwento, sinabi niya yun sa radio. Kaya narinig ng buong batch, kaya naman lahat sila pinagtatawanan ako." Nakayukong kwento niya sakin tungkol sa mga nangyari.

 

I tap her head at kinusot ang buhok niya, "I'll make everything clear tomorrow, okay?" Nakangiting tumango naman ito at muli nanamang yumuko.

 

Napansin kong humigpit ang pagkakahawak niya sa baso ng tubig. May hindi pa siya sinasabi.

 

"Blurt it out, Raziel." Saad ko sakanya.

"Ang ano?" Ngumiti naman siya na alam ko namang peke.

"Ano pang ginawa sa'yo ni Anabelle?"

 

Napalunok siya at umiling ng sunod sunod, "Wala. Wala na siyang ibang ginawa. Yun lang."

"Raziel Ellyse..." Pabantang sabi ko ng pangalan niya, at parang bata namang humarap siya sakin at inilapag ang baso ng tubig upang hawakan ang kamay ko.

 

Bumuntong hininga siya at nagsimulang magsalita, "First, I want you to stay calm and not react harshly." Tumango ako at nginitian siya, "Anabelle put a chemical on my hair kaya nagpagupit ako."

 

Tinitigan ko siya ng ilang saglit at ngumiti, "Okay. Hindi ko sila kokomprontahin."

 

Ginulo ko ang buhok niya at hinatak siya upang yakapin. Saglit na nanatili siya sa apartment at umalis na, inihatid ko lang siya hanggang sa terminal ng jeep dahil ayaw niya daw magpahatid hanggang sa bahay nila.

L1234Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon