Chapter 11

10.5K 347 11
                                    


Chapter 11

●●●

The redemption

The redemption

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

●●●

Past


"Tay, hindi ko po sinasadya. Tatay..." Iyak lang ako ng iyak nang papalapit na sa 'kin si Tatay. Hindi ko kasi sinasadya na matabig iyong baso at mahulog. Nabasag iyong baso at nagkalat ang mga bubog sa sahig.

"Napakadisgrasyada mo talaga!" Napahiga naman ako sa sahig nang bigla akong sinampal ni Tatay ng malakas. Mas lalo naman akong napahikbi nang masugatan ang mga kamay ko dahil sa bubog.

Muli naman niya akong sinipa sa may tiyan ko, "Linisin mo yan! Letse ka!" Anito saka umalis. Iyak lang ako ng iyak habang iniinda ang sakit sa mga palad ko.

---

Nakangiting bumaba naman ako mula sa kwarto ko. Mamayang hapon kasi ay high school graduation ko na tapos gragraduate akong may honor. Si Mama naman ay nasa grocery pa kasama ang bunsong kapatid ko. Umaga pa naman kaya okay lang.

"Miranda!"

"T-Tay?" Bigla naman akong nakaramdam ng kaba nang biglang tinatawag ni Itay ang pangalan ko. Nakatingin naman ito sa 'kin ng masama kaya napayuko na lang ako. Naikagat ko na lang ang ibabang labi ko at iniisip kung anong ginawa ko na namang kasalanan. Pero... wala. Wala akong maalala.

Naramdaman ko naman ang mga yapak niyang papalapit na sa akin. Nanginginig na rin ang katawan ko sa susunod na gagawin niya.

"Ikaw!" Nagulat naman ako nang bigla niya akong sinampal. Bigla naman niyang sinabunutan ang buhok ko na kulang na lang ay matanggal iyong anit ko. Napaiyak na lang ako. Hindi ko alam kung bakit niya ako sinasaktan ngayon. Wala naman akong ginawa.

"Napakawalang-kwenta mong anak!" Muli niya akong sinampal hanggang sa mapsubsob ako sa sahig.

---

"Ayoko na! Pagod na ako! Ayoko na sa pamilyang 'to!"

"Ayaw mo na? Putangina mo!"

Hindi ko alam kung ilang beses ng sinuntok ni Tatay ang mukha ko at ang tiyan ko. Pilit ko namang dinidepensahan ang sarili ko sa mga suntok niya pero masyado siyang malakas. Malaki rin ang katawan niya kumpara sa 'kin.

Hindi ko alam kung bakit lagi na lang humahantong kami sa ganito. Simula pagkabata ko hanggang sa kolehiyo ko, hindi pa rin siya nagbabago. Nananakit pa rin siya. Mabilis siyang nagagalit. Paiba-iba ng mood. Binubugbog kami ng kapatid ko. Halos buong buhay ko, para akong nakatira sa isang impyerno.

Masaya naman kami nina Mama kaninang umaga pero bigla na lang kami humantong sa ganito. Bukas, college graduation ko na pero ang sobrang sakit ng katawan ko. Lalo na iyong mukha ko. Namamaga na at dumudugo na rin iyong ilong ko dahil sa mga suntok na natamo ko mula kay Itay.

The Art of Breaking (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon