"Celine!"
Mabilis akong naglakad papasok ng school. Bakit ba siya nandito? Bawal ang outsiders dito sa school kaya hindi siya makakapasok.
"Celine, wait up!"
Bago pa man ako tuluyang makapasok sa loob ng campus ay nahigit na niya ang braso ko dahilan para mapalingon ako sakanya. Kita ang frustration sa kanyang mukha pero hindi maipagkakailang mas lalo siyang gumagwapo dahil doon.
"Ano?" Inis na sagot ko. Ilang araw akong nag insayo para kapag nagkita kami ay maipakita ko sakanyang naiinis parin ako sakanya. Pero habang nakatitig ako sa mga mata niya, para naman nitong pinapatay ang apoy ng galit na pilit kong sinisindihan.
"Hanggang kailan ba tayong ganito? Hanggang kailan mo ako iiwasan?" He asked
"Hanggang sa mabura na sa utak ko yung nakita ko, Robert." Mariing sagot ko sakanya.
Masuyo niya akong tinitigan kaya agad kong inalis ang tingin ko sakanya. Kung alam lang sana niya kung gaano ako ka hina pagdating sakanya. He makes me so vulnerable na sa titig pa lang niya ay napapalambot na niya ang puso ko. Kapag nakipagtitigan pa ako sakanya, baka mabuwal pa ako rito sa kinatatayuan ko. Baka malunod na naman ako at hindi na talaga makaahon pa.
"I'm sorry.." Malambing ang kanyang boses. "Hindi ko naman alam na nandoon ka."
Mabilis akong napatingin sakanya. "Bakit? Kapag ba alam mong nandoon ako, sa ibang lugar niyo yun gagawin?"
Hindi siya agad nakasagot. May naaninag akong pamilyar na mukha na papalapit saamin. Kung hindi ako nagkakamali ay classmate ko siya sa second subject namin. He smiled at me nang namataan ako.
"Hi Celine.." Bati niya nang nasa tapat ko na siya. Tila hindi niya napansin ang taong kausap ko. "Gusto mo sabay na tayong pumasok?" Nakangiting tanong niya.
Pinakalma ko ang sarili ko at muling binalingan ng tingin si Robert na magkasalubong ang kilay na nakatingin sa classmate ko. Matangkad si Jed, pero ngayong magkatabi sila ni Robert ay nasapawan na siya nito.
"Papasok na ako." Pagpapaalam ko sa kay Robert at tinalikuran na siya pero bago pa man ako tuluyang nakaalis ay hinawakan niya ulit ang kamay ko.
"You are not going anywhere Celine, unless we are done talking."
May halong pagbabanta sa kanyang boses habang mariing nakatingin sa kasama kong si Jed.
"May klase pa ako Robert, baka nakakalimutan mo?"
"Oo nga pare, gusto mo bang mag absent si Celine? Hindi naman yata tama yun!"
"I'm not asking any of your nonsense opinion, idiot."
Kalmado pero may diing sagot ni Robert kay Jed at hinila na ako pabalik sa parking lot. Mas lalo lang akong nainis dahil sa inasta niya. Kahit kailan talaga, hindi na siya natuto!
"Robert ano ba! Bitiwan mo nga ako! Naiinis na ako sayo ah!"
Huminto kami sa harap ng kotse niya. Hinarap niya ako habang magkasalubong parin ang kanyang makapal na kilay. Nakakatakot siya pero imbis na matakot ay mas lalo lang akong humahanga sakanya.
"Who's that kid?" Naiinis na tanong niya. Tinawag pa talagang kid si Jed!
"Jed ang pangalan niya at hindi kid!"
"Bakit ka sasama sa ungas na yun?"
"Classmate kami kaya natural lang na pwedi akong sumama sakanya! Ano bang problema mo?"
Imbis na sagutin ako ay inis niyang binuksan ang frontseat ng kotse na siyang kinataas ko ng kilay.
"Sakay." Malamig na sabi niya
"I don't have plans on going anywhere with you, Robert. May klase pa ako kaya ikaw nalang ang umalis."
"We need to talk."
"We're already talking, can't you see?"
Padabog niyang sinara ulit ang pinto ng kotse at kunot noong sumandal sa nguso nito habang nakaharap saakin. We stared at each other bago ako tuluyang sumuko at inalis ang tingin saakin.
"Will you forgive me?" Ngayon ay mas mahinahon na ang boses niya. "Look, Celine.. I didn't know, alright?"
Maging ako ay hindi ko lubusang maintindihan ang sarili ko at kung bakit ako nag iinarte ng ganito. I was hurt, alright! Pero ang tanong, ano bang karapatan kong mag tampo?
Pero sa tuwing naiisip ko ang gabing yun, hindi ko parin maiwasang mainis at masaktan.
"Robert, late na ako."
"I hope you're aware that I have connections inside this campus kaya pwedi kong sabihing nagka LBM ka bigla kaya hindi ka na nakapasok."
Halos mapamura ako dahil sa sinabi niya. I saw a hint of playful smile drawn in his face kaya mas lalong hindi ko maiwasang makaramdam ng panibagong inis. Para sa kanya ay napaka simple lang ng pangyayaring yun, pero para saakin ay napakalaking bagay na yun. Alam ko namang may mga ganong kababalaghan na talagang ginagawa si Robert, he's a known playboy and womanizer pero hindi ko lang talaga matanggap na nasaksihan ko yun.
Ang panibagong apoy ng inis na namuo sa dibdib ko ay agad nalang naglaho ng bigla niya akong hilahin palapit sakanya at biglang niyakap. His scent is hynotizing, his warm body against mine is very comfortable na gugustohin mong dito nalang manatili habang buhay. The butterflies in my stomach seems to be so happy. Sumasakit din ang dibdib ko dahil sa lakas ng pintig ng puso ko. I can hear Robert's heartbeat, at ipinagdarasal ko na sana pangalan ko nalang ang sinisigaw nito.
"Sorry na.." Bulong niya saakin habang hinahaplos ang buhok ko. "Sorry na, please?"
Oo nagalit ako at nainis pero hindi ibig sabihin non ay hindi ko na siya kayang patawarin. I've already given him my forgiveness even before he asked me one. Ganon ako, ganon ako sakanya.
"Ewan ko sayo. Bitiwan mo na nga ako!"
"Sorry na kasi..." Bulong niya ulit. "Hindi ko na uulitin."
"Ang alin?"
Narinig ko siyang tumawa at iniharap ako sakanya.
"Hindi na ulit kita pakikitain ng kung ano. I'll be more careful the next time." Nakangising sagot niya.
Hindi ko na napigilan pang hampasin ang braso niya pero ni hindi man lang siya nasaktan. Tinawanan lang niya ako at tinaasan ng kilay kaya napasimangot ako.
"Yung inosente kong mata hindi na inosente ngayon!"
"Worth it naman yung nakita mo diba, kaya ayos lang yun." He smirked. Napailing nalang ako at lumayo ng bahagya sakanya. Nagkibit siya ng balikat at ningitian ako.
"Aalis na ako, Robert. May klase pa ako."
"Wag ka ng pumasok." Nakangising sabi niya. "Sa condo tayo, ipagluluto kita."
Bago pa man ako nakapagsalita ay hinila na niya ulit ako papasok sa loob ng kotse kaya wala na akong nagawa pa. Ilang ulit ko siyang minura sa loob ng kotse pero tinatawanan lang niya ako. Damn you really, Robert! Gusto pa yatang bumagsak ako!
BINABASA MO ANG
I Wish You Were Mine
Romance"Never get too attached to anyone unless they feel the same towards you, because one sided expectation can mentally destroy you." That's what I always remind myself. That falling inlove with him is supposed to be the last thing I should do. That bei...