Nagpunta nga kami sa kanyang condo. Hindi narin naman bago saakin ang pag punta dito dahil nadala na niya ako dito noon. Ningitian ako ng babaing nasa lobby, kilala na niya ako dahil madalas akong tumatambay dito noon kapag sunod-sunod ang vacant sa school.
"Ang tagal ko na palang hindi nakakapunta dito." Sabi ko nang nasa loob na kami ng elevator paakyat sa unit niya.
Nilingon niya ako't ningisihan.
"Masyado ka kasing busy kaya hindi ka na nakabalik dito."
"That's what we call student life, Robert." Pagmamayabang ko.
"Eh bakit nong college ako, hindi naman ako ganoon ka busy?" Maangas naman na sagot niya.
I stared at him.
"Bakit, kailan ka ba naging busy sa ibang bagay maliban sa pagkolekta ng mga babae?"
What I said was a big blow to his ego, I guess. Huli na para magsisi ako dahil sa nasabi ko. His expression became dark, ekspresyong hindi ko madalas makita sakanya. Napaatras ako nang humakbang siya palapit saakin. Nakatitig ang mga mata niya saakin na tila hinuhubaran ang kaluluwa ko. Napalunok ako. My heart's pounding so loud. Ang hirap huminga.
"W-what are you doing?"
Naramdaman ko ang malamig na bakal ng elevator sa aking likod. Isang pulgada nalang ang layo namin ni Robert, I can already smell his scent attacking my nose and his hot breath which made me shiver.
In his low, cold, baritone voice.. he answered me.
"I don't collect girls, Celine. I usually throw them away once I'm satisfied."
Napakurap-kurap ako. Parang kinikirot ang dibdib ko habang naririnig ang mga salitang yun galing mismo sakanya. Dati ko ng alam ang mga bagay na to sakanya, pero ni minsan ay walang nagbago sa nararamdaman ko.
Siya parin yung Robert na laging sumisindi sa apoy na pilit kong iniiwasang mabuhay.
"Ayoko kasi sa putahing paulit-ulit, nakakasawa." He said while staring straight into my eyes.
Funny how am I supposed to be mad at him. I am supposed to be discouraged. I am supposed to be offended, pero katulad ng palagi kong sinasabi... Tanga ako at mahina pagdating sakanya.
Tumunog ang elevator, ibig sabihin ay nasa tamang unit na kami. Mabilis ko siyang tinulak palayo saakin at awkward na tumawa.
"Speaking of putahi, anong lulutuin mo?" Tanong ko sakanya habang naglalakad palabas ng elevator at dumeritso sa harap ng unit niya.
Naramdaman ko ang presensya niya sa likuran ko pero hindi na ako nag-abalang lumingon pa. Nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa nangyari sa loob ng elevator at ayoko ng dagdagan pa yun.
Parang hindi ko na kakayanin.
"Anything you wish to eat." Sagot niya saakin habang binubuksan ang unit.
Nag-isip ako ng pweding kainin pero walang pumapasok sa utak ko.
"Wala akong maisip eh."
Mabilis akong pumasok sa loob at dumeritso sa couch nang mabuksan na niya ang pinto. Walang nagbago sa unit niya, kung ano yung natatandaan kong itsura ng lugar na to nong huli akong pumunta dito ay ganoon parin hanggang ngayon. He's the kind of man na sobrang maarte sa katawan kaya ayaw na ayaw niyang maraming kalat sa paligid. His place is so clean kaya nakakahiya kung magkakalat lang ako dito.
"Gusto mo ng tinola?" He asked. Bigla tuloy akong natakam.
"Sure!" Nakangising sagot ko.
Mind you, kahit may pagka bulakbol ang lalaking to, magaling naman siya sa maraming bagay. He's not just a boyfriend material but also a husband material. Kaya nga palaging sumasagi sa isip ko na ang swerte ng mapapangasawa niya. With no bias, I can say that he's really a good cook. Halos buong buhay niya, nasanay na siyang manirahan mag-isa kaya marunong siya sa iba pang gawaing bahay. He's also fond being with kids.
BINABASA MO ANG
I Wish You Were Mine
Romance"Never get too attached to anyone unless they feel the same towards you, because one sided expectation can mentally destroy you." That's what I always remind myself. That falling inlove with him is supposed to be the last thing I should do. That bei...