Chapter 3

176 5 0
                                    

It all started with a small interactions. Nakikita ko siyang laging kasama ni kuya Thomas noon, minsan naman ay mag-isa siyang dumadalaw sa bahay. It was nothing to me, it was all nothing to me. Hindi kami nagpapansinan, hindi nag uusap at hindi aabot ng ilang segundo ang tinginan. Not until that day.

"You fucker!"

Napasigaw nalang ako sa gulat nang bigla nalang niyang suntukin ang classmate ko. I was 1st year college back then, everything was new to me.

"Shit!"

Sinubukang tumayo ni Roy pero naunahan na siyang paulanan ng dalawang suntok galing kay Robert. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. I don't know what to do! Robert looks so angry. Kuminang ang hikaw niyang silver nang lingunin niya ako. Kinilabutan ako nang makita ang labis na galit sa mga mata niya.


"Are you nuts?!" Sigaw niya saakin kaya mas lalo akong natakot.

"B-bakit mo siya sinuntok?" Wala sa sariling tanong ko.

"That asshole deserves that!"

"P-pero wala naman siyang ginagawa sayo!" Hindi ko na napigilang sigawan siya.


Bigla niyang hinawakan ng malakas ang siko ko habang nangangalaiti sa galit.

"Saakin wala pero sayo meron! Can't you see it, Celine? How can you be so stupid not to realize that this asshole is messing with you?!"


Napatingin ako sa classmate kong walang malay dahil sa magkasunod na suntok ni Robert. Hinila na ako ni Robert palayo sa madilim na lugar na yun. Ang sabi ni Roy ay sasamahan lang niya ako papunta sa sakayan ng tricycle, mabait naman siya saakin, hindi pa ako sanay sa lugar na ito kaya paano ko malalaman?

"Saan mo ako dadalhin?"

"Iuuwi na kita! Bakit ka ba sumama sa ungas na yun?"

"Classmate ko siya Robert kaya malay ko ba?"

"Why you didn't just call Cara na pauwi kana para masundo ka instead of being with someone you don't even know?!"

"Hindi ko naman a-alam.." Mangiyak-iyak na sagot ko.

"At kung hindi pa ako dumating? Mangyayari na naman sayo yung nangyari sa--"

Pero imbis na tapusin ang sinasabi ay mas pinili niyang manahimik at pinagbuksan nalang ako ng kotse.


That's when it all started. Niligtas niya ako, he was my knight. Napagalitan ako ni ate dahil doon pero ayos lang dahil kasalanan ko rin naman. Nagtiwala ako agad sa lalaking yun na may masama pa lang intensyon saakin. Mabuti nalang at dumating si Robert.







"Hoy! Tulala ka jan?" Sinimangutan ko si Jasmine dahil sa panggugulo niya sa isip ko. "Anong iniisip mo?"

"Wala."

"Sus, ang sabihin mo si Robert na naman!" She knows me very well.

"Hindi naman.."

"Saakin mo pa talaga idedeny ano? Na halos alam ko na lahat ng hinanakit at kilig mo sa lalaking yun." Napanguso ako. "Ano na bang label niyo?"

"Kailangan ba talagang may ganon?" Tanong ko habang sumusubo ng chichirya.

"Aba, Oo naman friend! Para alam mo kung saan ka lulugar sa buhay niya."

Natahimik ako dahil sa sagot ni Jasmine. Napatitig ako sa pinto ng cafeteria kung saan pumasok ang isang babae at isang lalaki. They look so happy together, they also look good together. Pero tulad ko at tulad ng ibang tao dito, walang nakakaalam kung anong meron sakanila and I don't have the right to judge because I don't know them in the first place.

I Wish You Were MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon