Chapter 4

167 7 0
                                    

Hindi kami nagkaroon ng panahon para magkita ng ilang araw pagkatapos noong nakita ko siya sa mall. Hindi pala, ako pala itong umiiwas. He told me that he wants to have dinner with me, the usual dinner that we used to have pero tumanggi ako. Sinabi kong kailangan kong mag aral para sa upcoming exams but the truth is, I'm avoiding him. I'm avoiding the possibility of meeting him.

"Hindi ko na nakikita si Robert na sinusundo ka ah?" Biglang tanong ni Jasmine saakin.

Pagkatapos niya akong yayain na mag dinner ng dalawang beses at dalawang beses din akong tumanggi, hindi na siya nag text o tumawag pa saakin. Maybe he got tired of asking me out? Or maybe he is now busy? Or most probably, he invited someone else instead. Pero syempre hindi yun ang sinagot ko kay Jasmine. The bitterness in my words are crystal clear.

"Hindi ko naman siya driver para sunduin ako araw-araw. Tsaka, baka busy siya." Busy sa iba.

"Sabagay.. Pero okay narin yun para naman makapag focus ka no!"

Jasmine is really insensitive pagdating saakin pero alam kong mahal naman niya ako and I rather hear her telling me the truth than telling me lies.

"Bakit, masyado ba akong distracted pag nandyan siya?"

"Hindi ba halata girl?" Pagtataray niya saakin. "Kahit di mo sabihin, ramdam ko ang tibok ng puso mo kapag nandyan siya!"

Napangisi nalang ako. I can't believe her! Ang dami na pala niyang napupuna saakin or masyado lang talaga akong obvious? I wonder kung napapansin rin ba yun ni Robert.

I erased the thought. Kahit naman siguro anong gawin ko, hindi niya yun mapapansin.

"I can't help, Jas. Parang may sariling buhay ang puso ko kasi parang hindi ko na ito kontrolado." I said out of nowhere.

Napalingon nalang ako kay Jasmine nang bigla siyang humalakhak at halos hindi na makahinga sa kakatawa. Bakit ba siya natatawa? Wala namang nakakatawa sa sinabi ko.

"Hala siya!" Natatawang sabi niya saakin. "Alam mo Celine, kaibigan kita kaya sasabihin ko to sayo ahh." Humarap siya saakin at seryosong tumitig sa mga mata ko. "Control your feelings for him, don't allow your feelings to control you."

Hindi na nawala sa utak ko ang sinabi ni Jasmine saakin hanggang sa matapos ang klase ko. Maybe she was right, hindi ko dapat masyadong sineseryoso itong nararamdaman ko dahil alam kong ako lang din naman ang masasaktan. Nasasaktan na nga ako ngayong hindi pa niya alam, ano nalang kaya pag nalaman na niya?

At ano nalang kaya pag nalaman kong kahit kailan hindi niya ako magugustohan?

Hindi na ako sumabay kay Jasmine sa pag-uwi dahil matatagalan pa siya. She still have a 7 pm class at ako naman ay wala na kaya nagpaalam nalang akong mauuna nalang.

Nasa labas na ako ng campus at nag-aabang na ng taxi ng makareceive ako ng unexpected call.

Incoming Call Robert :) ...

Hindi siya nagparamdam saakin ng dalawang araw pagkatapos ko siyang tanggihan ng dalawang beses at ngayon ay bigla siyang tumawag. Kahit tinanggihan ko siya, umaasa parin naman akong mag tetext o tatawag siya saakin. O di kaya'y dumalaw man lang sa bahay! What is it this time?

But in the end, sinagot ko parin ang tawag. I can't deny the fact that I missed him. Kinakabahan pa ako nang sagutin ang tawag niya.

"Hello?"

"Celine..

Medyo nanibago ako sa boses niya dahil usually masigla naman siya kapag tumatawag, pero ngayon parang ang tamlay niya.

I Wish You Were MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon