"I'm sorry about a while ago."
Sa wakas ay nasa harap na kami ng bahay. Pagkatapos niyang sagutin ang mahalagang tawag ni Ana ay agad na akong nag-ayang umuwi. And now he's sorry. Saan ba siya nag sosorry? Sa pagpapaasa saakin?
"Ayos lang." Sagot ko at akmang bubuksan na ang pinto pero pinigilan pa niya ako.
"Hindi ko alam na tatawag pala si..." I cut him off. Nilingon ko siya at buong pusong ngumiti kahit alam kong sa bawat ngiti ay mas lalong nagdudugo ang puso ko.
"It's okay, wala namang kaso saakin yun. Kalimutan nalang natin yun." Sabi ko at tinudo pa ang ngiti.
"Celine.."
"Gabi na Robert, umuwi ka na. Papasok narin ako sa loob dahil nagutom ako kanina." Sabi ko at bahagyang natawa.
Ang plastic ko pala, hindi lang sakanya kundi pati sa sarili ko.
Tumango siya at akmang sasagot pa pero tuluyan ko ng binuksan ang pinto at lumabas. I took a glance at him and leave. Kung hindi pa ako umalis doon ay makikita niya ang muling pagbagsak ng luha ko. Hindi ko na siya nilingon pa at narinig ko narin ang pagharurot ng kotse niya. Sa mga oras na yon ay tuluyan na akong nanghina at napasandal sa likod ng gate.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nanatili doon pero nang namataan kong lumabas ang kapatid ko ay saka ako umayos ng tayo at nagpunas ng luha.
"Nandyan ka na pala, ate. Kanina ka paba?" Tanong niya. Umiling ako at ngumiti.
"Hindi, kararating ko lang."
"Umiiyak kaba?" Kunot noong tanong niya at humakbang palapit saakin.
"Ha? Hindi ahh, sinisipon lang ako kaya ganito ang boses ko." Sagot ko at pinilit na matawa. Mukha namang nakumbinse ko siya dahil tumango na siya at muling naglakad papasok.
"Halika na ate, gabi na."
Kinabukasan, pinilit kong maging masigla para hindi nila mahalata na hindi naman talaga ako okay. Papalabas na ako ng gate nang mapansin ang pamilyar na kotse sa labas. Paglabas ko ay naistatwa ako nang makita siyang nag-aabang sa labas.
Nang namataan ako ay agad siyang umayos ng tayo at humakbang palapit saakin. Hindi naman ako nakagalaw dahil sa kaba at sa gulat.
"Hi!" Nakangiting bati niya. "Maaga akong nagising kaya naisipan kong sunduin ka." He said.
"H-hindi ka na sana nag-abala." Sagot ko sakanya. Hindi ko parin magawang gumalaw sa kinatatayuan ko. Ang hirap.
"I've been doing this for you in a quite while now Celine, kaya hindi ka nakakaabala pa saakin." He said confidently. Napalunok ako at inalis ang tingin sakanya.
Why are you doing this to me Robert?
"T-tama ka." Natatawang sabi ko. Napabuntong hininga nalang ako at mabilis na humakbang palapit sa pinto ng kanyang kotse kaya tumabi siya. Sa gulat ay hindi na niya nagawang pag buksan pa ako ng pinto dahil ako na mismo ang nagbukas nito. "Kung ganon ay tayo na? Hatid mo na ako." Sabi ko at agad sinara ang pinto.
Ilang sandali siyang hindi nakaimik bago tuluyang nag jog papasok sa driver's seat. Habang seryoso siya sa pagmamaneho ay nakatingin lang din ako sa labas ng bintana. Sa ngayon ay hindi ko parin siya magawang tingnan, ang sakit parin kasi. Ayoko ring itaya ang sarili ko na pagtinitigan ko pa siya ay baka bigla nalang tumulo ang mga luha ko.
Nahirapan ako sa pagkumbinsi sa sarili ko kagabi na tumigil na sa pag-iyak. Kung hindi pa ako napagod at agad dinalaw ng antok ay baka sobrang namamaga na itong mga mata ko ngayon.
BINABASA MO ANG
I Wish You Were Mine
Romance"Never get too attached to anyone unless they feel the same towards you, because one sided expectation can mentally destroy you." That's what I always remind myself. That falling inlove with him is supposed to be the last thing I should do. That bei...