Chapter 5

161 5 3
                                    

Tahimik akong umalis sa condo unit ni Robert. I need to calm down, kung makikipagtalo pa ako doon aa girldriend "kuno" niya, mag mumukha lang akong katawa-katawa.

"Oh, ano kamusta na si Robert?" Tanong saakin ni manang Beng pagdating ko mismo sa bahay.

Nagmano mano ako at ngumiti. "Ayos na po siya manang.."

Manang Beng is a family to us already. Wala ng ibang pamilya si manang dahil hindi rin siya nakapag-asaw kaya mas pinili nalang niyang manilbihan dito kina kuya Thomas. She's been with kuya Thomas' eversince he was young, kaya sobrang lapit na ng loob nilang dalawa.

"Aba'y mabuti kung ganoon, mabuti nalang din at nandoon ka."

Ngumiti na lamang ako at tumango. I just did what I'm supposed to do. Ayoko namang pabayaan yung tao.

"Sige po, akyat po muna ako."

Nagpaalam ako kay manang Beng na aakyat na muna. Maaga pa naman kaya may oras pa akong matulog, pambawi sa naging tulog ko kanina pero ewan ko ba kung bakit hindi na ako inaantok. Humiga nalang ako sa kama habang nakatitig sa puting kisame.

My room is quite huge, kalahati lang yata nito ang bahay namin noon eh kaya pag nag-iisa ako ay napaka tahimik.

Muli na namang bumalik sa utak ko yung nangyari kanina. Hindi ko alam kong maniniwala ba ako sa babaing yun. Siguro maniniwala lang ako pag si Robert na mismo ang magsasabi saaking sila nga. But highly doubt that.

Pero kahit din naman sabihin kong si Robert yung tipo ng lalaki na hindi sineseryoso ang love, hindi parin maaalis saakin na masaktan sa narinig ko kanina. I've seen them together, alright? At posibleng totoo nga ang sinasabi ng babaing yun.

Napabuntong hininga nalang ako at gumulong sa malaking kama.

"Umayos ka nga Celine!" Sigaw ko sa sarili ko.

Imbis na mag drama at mag luksa ay minabuti kong alisin na muna yun sa utak ko. Kinuha ko na lang ang mga notes ko at nag review. Mabuti nalang talaga at 10 am pa ang pasok ko ngayon, kundi patay talaga ako sa quiz namin mamaya!

Naligo at kumain ako ng almusal nang bandang alas nuwebe. Wala namang taxi ang pumapasok masyado dito sa loob ng subdivision kaya mas minabuti kong sa labas nalang mismo ng subdivision mag-abang. Habang naglalakad ay hawak ko ang notes ko para kahit papaano ay makapag review parin ako. Papatawid na sana ako sa kabilang side ng kalsada nang may biglang humarurot na kotse at sa gulat ko ay nabitawan ko ang hawak kong notebook na tumilapon nalang sa kung saan, nanginginig akong napahinto sa gitna ng kalsada. Parang huminto sa pagtibok ang puso ko dahil sa gulat at takot. Ilang pulgada nalang ang pagitan namin ng kotse bago ako tuluyang mabundol, mabuti nalang at nakapag preno ito agad. That was close!

"Miss, are you okay? Pasensya na.."

Lumabas ang driver at kinausap ako. Dahan-dahan ko siyang nilingon at kahit cute siya ay hindi ko palalagpasin ang ginawa niya.

"Eh kung saksakin kita at tanongin kong maayos ka ba, magiging okay kaba? Ha?" Sigaw ko sakanya.

Muntik na akong mabiktima ng hit and run kung hindi lang siya nakapreno! Nakakainis!

"Eh sorry na nga, hindi kita nakita agad eh. Tsaka, mukhang hindi ka naman nasaktan."

Tuluyan na akong humarap sakanya at pinandilatan siya. Saka ko lang napansin na magkapareho kami ng school I.D, meaning nasa iisang school lang kami.

"I may not be physically hurt pero sobrang apektado ako emotionally! Muntik na akong himatayin, alam mo ba yun?!"

But then, he remain calm and composed. Ningitian pa niya ako at lumapit ng konti saakin. He's tall, kasing tangkad ni Robert. Ang gwapo rin niya at kahit hindi naman siya masyadong malapit saakin ay naamoy ko parin ang mamahalin niyang pabango.

I Wish You Were MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon