Chapter 6

182 6 2
                                    

Kanina pa ako nakatutok sa cellphone ko, every now and then, nagtitipa ako ng dapat kong itext kay Robert pero nauuwi lang sa pagbubura ang lahat. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin, I can't find any appropriate words na dapat iparating sakanya. Do I need to explain to him about what he saw? Why do I have to? But half of my heart wants to tell him that it was just nothing, na walang ibig sabihin yung nakita niya kanina.

"Now tell me Celine, why are you with Hercules Patricio?"

At dahil late na nga kami, hindi na ako nakapasok sa unang subject ko. Pati narin si Hercules, nadamay pa tuloy. At ito namang si Jasmine, wala ng ibang bukambibig kundi si Hercules. Kanina pa niya ako kinukulit kung bakit daw kami magkasama. Hindi ko ngarin alam kung bakit kilala niya si Hercules.

"It was a long story, Jas." Sagot ko habang nakatutok parin sa phone. "At bakit mo kilala si Hercules?"

"Sino bang hindi makakakilala sa kanya? An angel in person with beauty and brains. Mabait at hindi suplado, that's Hercules Patricio. From the Business Administration department." Proud na sagot saakin ni Jasmine.

So, kung hindi ako nagkakamali, he's 1 year older than us.

"At kasama mo siyang late kanina, alam mo bang isa siya pinaka punctual na studyante sa buong 4th year?"

"Hindi ko alam." Sagot ko nalang sakanya.

"So, bakit nga kayo magkasama?"

In the end, I end up telling Jasmine about what happend earlier including the scene where I saw Robert. Wala naman akong planong itago yun kay Jasmine, I was just really clouded of my own thoughts kanina kaya hindi ko naikwento kaagad sakanya.

Hindi ko naman maiwasang madistract sa mga reactions ni Jasmine. Habang nagkukwento ako, panay naman ang kilig niya. Hindi ko nga alam kung naiintindihan ba niya ang sinasabi ko eh.

"Jusko! kinikilig ako!" Sabi niya at hinahampas-hampas pa ako.

"Aray! Masakit ah!"

Reklamo ko pero natawa nalang din ako dahil sa tawa niya. Ilang sandali pa kaming nag kwentuhan doon hanggang sa maagaw na ang atensyon namin sa pinto ng cafeteria kung saan agaw pansin ang lalaking kakapasok lang. Mag-isa lang siya, nasa kabilang gilid naman ng balikat niya nakasabit ang kanyang bag habang maaliwalas ang mukha na naglalakad papasok sa loob ng cafeteria. May dala rin siyang isang libro at kung iisipin ay napakasimple lang ng dating niya pero kahit ganon ay hindi parin maawat ang ibang studyante sa katitingin sakanya.

I didn't know there's Hercules Patricio who exist.

"Ayan na siya! Ang gwapo!" Kinikilig na sabi ni Jasmine. Hindi man lang niya inaalis ang tingin kay Hercules.

Maging ang babae na nasa counter ay hindi narin mapakali nang nasa harap na niya si Hercules.

"Naku! Kung ako lang yang babaing nasa counter, ililibre ko yan si Hercules!" Banat pa ni Jas kaya napatingin ako sakanya. Tinaasan ko siya ng kilay at natawa nalang din ako sakanya.

Umalis na si Hercules dala ang isang tray kaya mabilis ko ring inalis ang tingin ko sakanya. Ewan ko, pero pakiramdam ko ay mas mabuting hindi niya ako makita. Hindi naman ako nabigo dahil nang marinig kong bumuntong hininga si Jas, napaangat nalang din ako ng ulo at hinanap kung saan umupo si Hercules. Kasama na niya ang grupo ng mga lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay mga volleyball players.

"Sayang naman, hindi siya dito naupo."

"Tama na nga yan Jas, kumain ka nalang." Sabi ko at ngumisi sakanya.

Pagkatapos naming kumain ay dumeritso na kami sa kanya-kanya naming klase. Pero bago paman ako tuluyang nakapasok ay napahinto ako sa malakas na vibration galing sa cellphone ko. Kinuha ko ito at binasa ang message. Hindi ko maintindihan kung ano itong nararamdaman ko. Halong kaba, saya, kilig at pangamba ang namumuo sa dibdib ko habang binabasa ang text galing kay Robert.

I Wish You Were MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon