"TIGILan mo ng umiyak girl. Sayang lang." Pag-aalo ng best friend ko.
"Masakit kaya." Sagot ko habang umiiyak pa rin.
"Oo masakit, pero hindi mo naman dapat iiyak lahat. OA mo. Wala namang kayo."
"Walang kami, pero masakit parin."
"Naku girl, baka ego lang yan. Nasaktan dahil ikaw na nga na babaeng maganda ang nagconfess, inisnob lang." May point siya. Ego ko lang talaga ang nasasaktan at hindi ang feelings ko.
Pero kasiii....ego ko pa rin yun.
"Tanggapin mo na girl na may hinihintay talaga yang crush mo."
Hanggang dito na lang ba talaga? Susuko na?
"Don't worry, the deal is off na. If you can't make it, just say it. Kaysa mapahiya ka pa jan. At masaktan pa siya sa maling paniniwala.."
"Really? So hindi na ako mapaparusahan? And...sino naman ang masasaktan? And what sa maling paniniwala? Are you talking about someone I don't know?"
"Huh? Someone? Masasaktan? Ah...don't mind it. Basta the deal is off...kay?"
Something's wrong.....o ako lang tong nag iisip ng ganto?
MUNTIkan na un. Buti nalang at nagdadrama pa ang artista. Anyways, lemme check his plan na. Baka nakakadisturb na pala si me. And I still don't alam.
I check our group chat.
Boyyy:
Is she okay?Chessie:
She's just acting stop being so concerned.Honey:
Yahh, you're so OA. Stop it before I remove you here.Me:
Ready your plan.Boyyy:
What are you talking about? I don't have one.Me:
What??Honey:
Just give her your so corny love letter.Me:
Pffft. So old hahaha.Boyyy:
Whatever.I STOP crying since wala ng nanonood sakin. Sayang lang ang talent ko, wala pang fee.
"Oh, tumigil kana din. Sa wakas. You look disgusting." Nasita pa ako ni Honey. My mean friend.
"So? No one ask for your opinion." Sagot ko dito.
Binato naman niya ako ng tissue na nasa mesa lang.
"Mean."
Bago pa ako makabawi sa pambabato niya may kumalabit na sakin. I look around and found our guy friend.
"Bakit? Dalian mo may babawian pa ako. "
Bago ko pa marinig ang sasabihin niya, narinig ko ang footsteps niya papalayo.
"Weird." Naisatinig ko.
"He just misinterpret. Honey, banatan mo nga ng matauhan." Sigaw ni Chessie. Tsked. Lapit lapit sisigaw pa. My poor eardrums.
"Topak niya ang lakas." Sabi naman ng katabi ko.
And before pa may magsalita ulit, may kumalabit na sakin at binigyan ako ng panyo at love letter?
Pagtingin ko si guy friend lang pala. Bago ko pa siya matanong bakit, tumakbo na siya papalayo.
Binasa ko na lang ang.....uh love letter to o plain letter lang. Hayst.
Ikaw ay para Sakin
Huwag ng humiling sa tala
Na siya'y sayo itinalaga
Huwag ng umasa pa
Pagkat siya ang taong para sa iba.Huwag ng ipagpilitan
Mga bagay na palaisipan
Sa listahan ni kupido nilagdaan
Siya'y hindi para sayo kahit kailan.Gumising na
Pagdadrama mo'y walang kwenta
Siya'y hindi para sayo
At ika'y para sa iba.Desisyon ng puso niya'y hindi ikaw
Ngunit maghintay at may darating
Lalaking iyong makakapiling.Bakit kasi sa iba pa titingin
Lalaking iyong hinahanap, nasa gilid lamang ng iyong paningin
Naghihintay na ikaw ay tumingin
Sa pagsulyap na kanyang ginagawa din.Hindi pa ba halata?
Sa kilos ko't pananalita
Sayo'y may pagtingin
Mga pahiwatig na hindi kayang sabihin.Matagal na to
Kung tatanungin mo
Malalim na din to
Para lang sa pagkakaalam mo.Kaya gumising na
Pagdadrama mo walang kwenta
Bat pa iiyak
Kung ego mo lang naman ang nawasak
Tingin ka sa gilid mo
At alamin mo kung may pag-asa ba ako..."HAHAHAHAHAHAHAH!!" And just like that, my heart fell hard to the ground.
Tinawanan niya lang ako. And think of it as a joke. Na parang pinapalubag ko lang ang loob niya.
'Bahala ka. Think whatever you want.'