Sa pinakamadilim na kagubatan, nag umpisa akong maglakad
Madilim ma'y hindi ko na inalintana.Takot sa dilim ngunit nagpatuloy
Hanggang sa tapatan mo ako ng iyong ilaw.Nagsilbi ito upang makita ko ang daan
Mas nalinawan kung saan tutungo.Mga hindi nakitang sanga at bato nakita sa likuran
Nag iwan ng sugat at mga pasa at ngayo'y iyong nililinisan.Mahirap man ang pinagdaanan
Labis ang galak sa puso ko at ako'y iyong natagpuan.Ngayo'y hindi na muling madadapa
At sa iyong mga kamay ako ay listas na.