Pinoy, Gising kaSa panahon ngayon lahat na nagbago
Kasabay ng pagbabagong ito ang pagtataas din ng mga presyo
Hindi ba nakakainis lang isipin
Kaysa magtulungan, ginagawa pa nila itong daan para tayo ay dayain.Hindi pa dyan natatapos
Wag kang magtitiwala sa mga kapos din sa buhay
Na baka ang perang para sayo
Ibulsa na lamang ng kung sinumang poncio pilato.Hindi na naawa
Sariling kabayan ay kinakawawa
Ano na ang nangyayari sa mga Pilipino?
Nawala na ba ang mga turo sa inyo ng mga ninuno?O kay sakit isipin
Problema ay dumating sa atin
Ngayon pa na hindi pa naaayos ang anumalya sa gobyerno
Ngayon pa na hindi pa naaayos ang kaugalian ng publiko.Kung iyon ding iisipin
Isa din ba ako sa mga dumadaing sa gobyerno?
Isa din ba ako sa nagpapasakit sa inyong mga ulo?
Isa din ba ako sa mga nagsasalita lamang ng kung anu ano?Marahil nga ay hindi ako naiintindihan
Nais ko lamang na kayo ay matauhan
Hindi na ito ang kaugalian ng mga Pilipino
Nais ko lamang ay bumalik na kayo sa dating kayo.Mga nagtutulungan sa kagipitan
Nagbibigayan ng kanilang kasaganahan
Tinuturuan ang kapwa mamamayan
Hindi ba at ito ang ugaling Pilipino na atin dapat kaugalian?Marahil ang iba ay ganito pa
Masaya ako't akala ko ay nawala na
Pero nakakainis lamang na isipin
Kung sino pa ang tumutulong, ay siya pang napapasama sa mata ng publiko.Gising Pinoy
Ibuka ang iyong mata at tignan kung ano ba talaga ang problema
Talasan ang pag iisip at wag unahin ang bunganga
Sapagka't ikaw ay Pinoy ay madiskarte sa gawa.Ang pagkain ay nandyan lang sa tabi tabi
Kung marunong kang magtanim ay mas maigi
Hindi pa naman huli ang lahat
Makakatulong ka pa sa lahat.Sumunod sa gobyerno
Nang hindi mapahamak ang ibang tao
Alalahanin mo mga nagsasakripisyo sa inyo
Mga doktor at nars na ngayon ay nasa peligro.Ito lamang ang mapapayo ko, kabayan
Maging mabait ka din ninuman
Sapagka't sinu-sino pa ba ang magtutulungan
Kundi tayo tayo din lang na magkababayan.