X. A. 2

154 10 2
                                    

Blaire's POV

Naisip ko yung sulat kagabi yung nilipad sa bintana ko.

Sino kaya ang nagbigay non?

Hindi ko alam pero bigla akong nagkainteres doon na abangan nga sa tapat ng bahay namin yung pupunta. Siguro yung pupunta sa tapat ng bahay ang  maghahatid sa akin sa Xutheria Academy.

Walang masama kung i-try ko mamayang gabi or buong magdamag ko hintayin sa tapat ng bahay namin yung susundo. Wala naman kasing nakalagay na oras ng pagpunta nya. Kulang kulang pa talaga ang impormasyon na nakalagay sa papel. Hays.

---

Malapit na mag gabi at hinihintay ko pa rin kung may dadating  nga dito na maghahatid sa akin doon sa Xutheria Academy. Nag impake din ako pero isang bag lang babalik din naman ako dito.

Hindi ko naman pwede iwan ang bahay na 'to dahil ito na lang bahay ang nagpapaalala sa'kin na kahit papaano di ako nag iisa dahil andito ang mga yaya tsaka naaalala ko dito sila mommy at daddy kahit na di ko manlang sila nakasama hanggang paglaki ko. Hays.

Pureplhey's POV

Ang sakit ng ulo ko simula ng paggising ko kaya nagpadala na lang ako ng pagkain dito sa kwarto. Hindi ko kayang bumaba, lalong sumasakit ulo ko. Wala tuloy akong ibang magawa kundi matulog, titigan yung kisame--- Teka, kung kakausapin ko ba yung kisame sasagot to? Ayy! Imposible rin palang mangyari yun dahil kisame lang 'to.

Naaalala ko unti-unti yung nangyari kagabi. Iniisip ko kung totoo ba yung nakita ko sa papel yung tungkol sa Academy na nakalagay. Kababakasyon lang aral nanaman? Walang pahinga? Grabe naman sila sa 'ming mga estudyante.

Pero--- teka naalala ko na yung name ng Academy. Ngayon ko lang sya narinig. Saan namang lugar yung Academy na yun?

Alam kaya ni kuya yung tungkol sa Academy? Matanong nga si kuya. Pinuntahan ko yung kwarto ni kuya para malaman kung alam nya yung Xutheria Academy, kahit na sumasakit ulo ko.

Kumatok ako sa pintuan ng kwarto nya agad nya naman binuksan ito pero yung aura ng mukha nya. Akala mo may nakita syang asungot. Ayaw nya kasi nagpapaistorbo kaya mukha syang mas babae pa sakin. Hahaha.

"Kuya Jae! May tatanong lang ako sayo"

"Ano ba yung itatanong mo? Siguraduhin mong may kwenta yang tanong mo"

"Alam mo ba kung saan yung Xutheria Academy?"

Gruenriux  POV

"Alam mo ba kung saan yung Xutheria Academy?"

Tanong sakin ng kapatid kong si Plhey. Alam kong masakit ulo nya pero yung tanong nya? Anong klaseng tanong yon? Wala namang Xutheria Academy dito. Di kaya nababaliw na  sya? O kaya may nakikitang syang hindi namin nakikita? 

"Anong klaseng tanong yan Plhey?"

"Ahh, Wala kuya! Sige Thank you na lang"

Sinarado ko na ang pinto pagka alis nya. Bumalik ako sa kama para mag cellphone at magtingin sa Ig. 

"Hays."

Sawa na ko kakatingin sa Ig. pero wala naman ako magagawa.

Naalala ko bigla si Mom and Dad. I miss them! Nasa ibang bansa kasi sila kaya kaming dalawa lang dito at yung mga yaya pati na rin yung dalawang alagang aso namin. Halos lagi lang akong nasa bahay dahil napaka init sa labas kaya mas magandang mag stay na lang sa bahay. 

Xutheria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon