Devina's POV
Nakakairitang marinig yung boses ng babaeng 'yon. Ang lakas sobra ng boses nya tss. Para namang ang layo ng mga kausap nya.
Kasalukuyan na akong nakabalik sa kwarto ganun din siguro ang mga kasama ko na estudyante.
Mabuti na lang at puno ng pagkain ang ref ko dito kaya naman kain lang ako ng kain habang nanonood ng movie.
Naiirita din akong makita sya na nakadikit kay Blaike. I dont know why pero arrrghhh. Hindi lang ako sanay na may nakadikit sa bestfriend ko. Especially that girl.
Naaalala ko nung mga bata pa kami bago pa 'ko umuwi sa Pilipinas may naibigay ako sa kanya na bracelet.
-- Flashback --
"Uuwi na ako sa Pilipinas Blaike" malungkot na sabi ko.
"Okay lang basta babalik ka ha!" sabi nya sabay niyakap ako.
Kumalas ako sa yakap at inilabas ang bracelet at sinuot ito sa kanya.
"Ayan wag mo iwawala yan ha! Kahit na wala ako para mo na akong kasama dahil sa bracelet na 'yan"
Tumayo na ako at babalik na sa bahay namin pero bago yun ay nagba-bye muna ako sa kanya.
--End of Flashback--
Rose Xei's POV
Andito ako ngayon sa aking kwarto na kulay pink! Ang cute cute.
Ang super gwapo talaga ni fafa Blaike ko! Pero napansin ko ang lalaking may green ang hair ang cool e'!
Sayang nga at di ko napicturan ng palihim si fafa Blaike dahil may mga katabi ako huhu. Tapos nakatabi ko pa si Devina sya pala yung babaeng nasa likuran din ng bus. Yung nakakatakot omggggg! Baka nangangain sya? Wag naman sana!
Kanina pa ako nagpipicture ng kung ano ano dito sa kwarto wala kasi ako magawa. Pang Instagram din ito hihi.
Mahilig ako mag picture at mag edit para lang may mai-post sa Instagram ko.
Nakaramdam ako ng gutom kaya naman pumunta ako sa kusina para magluto ng ramen.
Gabi na naman kaya ayoko na kumain ng marami.
Naalala ko yung pagtingin ko kay Gruenriux tumingin din sya sa'kin.
Kaya agad ako nag iwas ng tingin nun. Psssh mahalata pa ko!
Pero bakit naman sya titingin no? Baka crush ako? O kaya may dumi sa mukha ko?! Hala nakakahiyaaaaa! Huhuhu.
Sakto tapos na yung niluto kong ramen kaya kakain na lang ako!
"Hmmm~ Blok! Blok!"
Malutong na shit. Muntik pa 'kong bilaukan! Saksakin ko 'tong ramen e'!
Natapos akong kumain ng ramen pero kulang pa huhuhu. Ano ba pwedeng kuhain sa ref?
"Donut!!!"
BINABASA MO ANG
Xutheria Academy
FantasySa pagdating ng tamang panahon Magbubukas muli ang pintuan Pintuan na kung saan may mga taong hindi pangkaraniwan Mga taong may kakaibang kakayahan Sa kanilang pag dating Ang laban ay magsisimula narin Ang mga pag subok ay kanilang haharapin Ang...