Rose POV
OMG. Nagulat ako kanina ng pinatawag kaming lahat na estudyante. Sana makita ko si kuyang naka hood kagabi dun sa bus.Ansarap sarap ng tulog ko tapos magigising ako dahil sa kanila?! Tsss.
Nagmadali pa ko magtoothbrush di na 'ko nakaligo kanina. Buti na lang nakita ko ngayon si crush koooooo! Grabeeee grabeee!
Nandito na kami sa Weapons Room ng makita ko sya kaya chance ko na 'to!
"Hi!" pagbati ko sabay kaway pa sa kanya at isang malaking ngiti.
Nagkunot noo lang sya sakin sabay iwas ng tingin. Hindi man lang nag hi! Ang sungit talaga ng lalaking 'to.
"Mamili na kayo ng kanya kanya niyong weapon. Weapon na alam nyong gusto nyo at alam nyo kung ano 'yon" sabi ni Ms. Waver na nasa stage. Pati ba naman dito may stage pa.
Madaming weapon dito nilibot ko lang ang paningin ko at nakita ko ang wand. Agad ko itong kinuha at bumalik na uli sa harapan.
"Uyy crush ano kinuha mong weapon?"
"Chain gusto mo try ko sa'yo?"
"Wag sakin baka ihampas ko sayo wand ko hahaha"
Joke nya ba yon? Buti na lang tumawa ko kaso seryoso ng mukha nya. Joke ba yon?
"Maglalaban laban kayo kahit na hindi nyo pa alam ang tamang paggamit ng inyong kinuha na weapon" -Ms. Waver.
"Kailangan namin malaman kung sino ang pinaka matatag at may konting kaalaman sa kanyang weapon" dugtong niya.
Naghanda na ko para sa makakalaban ko buti na lang at hindi si fafa crush yung kalaban ko! Kung hindi omg talaga to the highest level duh.
Ang kalaban ko ngayon ay isang babae na nasobrahan sa puti. Maputi lang sya pero ba't ganun? Hahaha.
Inihagis nya ang mga pako. Hindi maliit ang pako na hawak nya ibang iba sa pako na nakikita ko sa buong buhay ko.
Itinapat ko sa pako nya ang wand ko kaya nakontrol ko ang galaw ng pako at ibinalik sa kanya. Natamaan sya ng isang pako at ang iba ay naiwasan nya.
Tsssk tsssk. Slow man ako sa ibang bagay pero wag lang sa pag gamit ng wand. Pinag aralan ko kaya dati yung wand d u h!
Umatake sya ng pako pailalim dahilan para tumama sa bandang paa ko buti na lang at binuka ko ang dalawang paa ko kaya hindi tumama ang pako sa'kin.
Winasiwas ko ang wand ko sa kanya at sa isang iglap lang ay nakalutang na sya. Binaba ko sya ng biglaan kaya ayun umaaray sya. Hihi
"Arayyy! Suko na ako ayoko na!"
"Goodgirl! Muahhh!" wow natalo ko ang isang 'to! Achievement?! Hahaha.
Pinanood ko na lang makipaglaban yung crush ko at nakita ko kung paano sya kaseryoso. Omaygash! I like it!
Natapos ang laban nila at nanalo ang crush ko. Pinigilan lang ang laban nila ng makitang konti na lang maaari ng mawalan ng malay ang lalaki dahil sa ginagawa ng crush ko.
"Kayong dalawa ang natirang matibay kaya dumikit na kayo dito sa dalawang babae" paliwanag ni Ms. Waver at tinuro pa ang dalawang babae na nakaupo lang.
"Congrats! Ano name mo? Pwede makuha number mo? Hihi picture tayo want mo?"
"Blaike" tipid nyang sagot.
"Yun lang? Yun na yun? What?" tinalikuran nya na ako at nagpunta na sya sa harapan.
Omgggggg. Ang mahalaga nalaman ko name nya fafaaa Blaikeeeeee.
Lumapit na 'ko sa harapan at naupo na lang hawak hawak ang wand ko na kulay pink bagay na bagay sa akin. Nag aral ako ng wand noon pero hindi naman gumagana iyon ngayon hindi ako makapaniwala na ang hawak na wand ko ay gumagana na.
Blaike's POV
Napakakulit ng babaeng ito. Nakakairita hindi sya yung tipo ko. Ang daldal dikit ng dikit higad be like? I'm being harsh again. Bullsh*t.
Hindi manlang nakakapagod yung laban na nangyari kanina. Iba parin yung laban na nilabanan ko na noon. Masyado pang mababaw ang laban na naka harap ko ngayon.
Nasa harapan na lang ako ngayon at di makapaniwala sa mga weapons na nakikita ko sa paligid ko napakarami nito. Mabuti at napili ko ang chain na ito kahit alam kong hindi ko alam kung paano gamitin ito ng tama.
May panibagong dating na estudyante kasama nila si Ms. Wolfhord ang babaeng ubod ng ganda kahit alam kong mas matanda pa ito sa amin.
"Good morning Ms. Wolfhord!" bati ni Mr. Dextroneous. Ngumiti lang si Ms. Wolfhord sa kanya.
Ang mga kapwa ko estudyante ay nasa gitna nitong room at nakatayo lang. Maya maya din ay namili na sila ng weapon at naglaban laban na.
-------
Matagal tagal na rin ang laban ng bawat estudyante nakakatamad maghintay sa dalawang nasa gitna na matapos sa laban. Wala bang ibang pwedeng gawin dito?
Friel's POV
Fvck. Di na ba susuko ang lalaking 'to? Kanina pa kami naglalaban at hanggang ngayon lumalaban pa rin sya.
Kanina pa ko sa pag atake gamit ang weapon ko pero naiiwasan nya o di kaya naman ay naiilagan niya.
"Arrgghhhhh!" ansakit ng pagkakasugat nya sakin gamit ang espada nya. Sa tuhod ako natamaan at saktong tinapat nya na rin ito sa leeg ko. Hindi na ko nagkamali ng galaw di na nga ko makagalaw e!
"Itigil nyo na iyan bago pa maubusan ng dugo ang lalaki na iyan" pagpapatigil sa amin ni Ms. Wolfhord.
Tinulungan ako ng fairy na makatayo at makaalis. Ang lalaking yellow ang buhok ang cool ng buhok nya dahil karamihan na aking nakikita ay gray at black lang na buhok dito.
Devina's POV
"Kayong dalawa ay maiiwan dito dahil sa taglay n'yong galing sa pakikipaglaban"
Oh? Seriously? Naiwan kami ng lalaking yellow ang buhok dito sa stage may nakasama kaming apat na estudyante dito. Nadagdag kaming dalawa kaya anim na kami.
"Try mo mag ayos ng buhok miss baka may magkagusto pa sayo" banggit ng lalaking yellow ang buhok pagkatapos nyang dumikit sakin
We are not friends. This boy is feeling close i guess? Lmao.
"I dont care shit"
Wala syang pake kung anong style ang gawin ko sa buhok ko. Buhok ko ito and gustong gusto ko na nasa isang side ng face ko ang buhok ko.
Nanahimik na ko dito sa stage dahil may dumating na naman. Si Mr. Gemstrinx kasama ang mga estudyante.
"Yellizeus Xainder Colonie"
"Devina Bleu Xaximus"
"Panibagong laban" rinig kong banggit ng babaeng pula ang buhok.
BINABASA MO ANG
Xutheria Academy
FantasySa pagdating ng tamang panahon Magbubukas muli ang pintuan Pintuan na kung saan may mga taong hindi pangkaraniwan Mga taong may kakaibang kakayahan Sa kanilang pag dating Ang laban ay magsisimula narin Ang mga pag subok ay kanilang haharapin Ang...