King Hary's POV
"Nagawa mo ba yung inutos ko?"
"Opo, Sa katunayan po ay halos hindi sila naniniwala na nage-exist talaga ang magic"
"Hayaan mo alam ko namang mapupunta rin sila dito"
"Hintayin na lang natin"
Umalis na yung inutusan ko kanina. Inutusan ko syang pumunta sa mundo ng mga tao para imbitahan ang mga bata na alam kong karapat dapat dito sa Xutheria.
Siya si Cleinxien ang aking kaisa isang pinagkakatiwalaan na maninilbi sa'kin. Alam kong tapat sya sakin dahil ilang taon na rin syang naninilbihan dito at hanggang ngayon ay narito parin sya. Ipinanganak sya dito kaya dito rin sya lumaki.
Alam kong ordinaryo lang sila kahit ang mga magulang nila. Alam kong sa pagtungtong nila dito maaari na silang magkaroon ng power at kung sino ang makakakuha ng malalakas na kapangyarihan, Sila na ang itinakda.
Itinakda para lumaban. Itinakda para pumalit sa'kin pagdating ng panahon.
Matanda na rin naman ako ngunit kaya pang manungkulan, pero ang mga darating daw ang itinakdang mga papalit ayon sa isang fairy.
Si Fairy Litreous Nix Claine ang pinuno ng mga fairy. Siya ang tagapaghatid ng balita sa'kin, mga balita na maaaring mangyari sa future. Hindi pa sya pumalpak sa mga nasabi nya kaya malaki ang tiwala ko sa kanya.
Alam kong may asawa naman ako na nanunungkulan kasama ko, ngunit matanda na rin sya kaya kailangan din nya ng kapalit.
Ang pangalan niya ay Helentriue Sentreniux Maganda sya simple at malakas kaya ko sya nagustuhan. Tama na nga! Kinikilig ako.
♥♡♥
BINABASA MO ANG
Xutheria Academy
FantasySa pagdating ng tamang panahon Magbubukas muli ang pintuan Pintuan na kung saan may mga taong hindi pangkaraniwan Mga taong may kakaibang kakayahan Sa kanilang pag dating Ang laban ay magsisimula narin Ang mga pag subok ay kanilang haharapin Ang...