X. A. 7

72 5 1
                                    

Blaire's POV

Nagmulat ako ng mata at nasilaw sa liwanag na nanggagaling sa bintana. Nakalimutan ko pala isara yung bintana kagabi buti na lang at naka lock.

Tumayo kagad ako at dumiretso sa banyo ganto naman ang nakaugalian ko sa buhay simula pa nung bata pa ako.

"Lahat kayong mga estudyante ay pinapatawag. Magpunta lamang kayo sa "

Ansakit sa tenga pakinggan kahit na galing sa labas ng kwarto yon. May malaki pala ditong speaker sa building para kung may gusto silang ipahatid ay maririnig namin kagad.

Nagmadali na ko sa pagligo para makapunta sa .

Marami rami na ang nandito na mga estudyante mabuti na lang nakasabay ko si Pureplhey kaso may pagka tahimik kaya antahimik ko din. Nakakapanis ng laway! Madaldal naman ako kaso yung kasama ko ngayon antahimik. May pinagdadaanan siguro o kaya may problema?!

"Antahimik mo naman! May problema kaba? Ano kaba? Enjoy lang!!!" sabi ko sa kanya habang may pa taas taas pa ng kanang kamay ko.

"Uyy 'nukaba! Naaalala ko lang kasi yung kuya ko pati parents ko" napawi kagad yung tawa nya at napalitan ng lukot at pangamba.

Nakaisip kagad ako ng magpapasaya sa kanya kaya binatak ko sya. Tumakbo lang naman kami papunta sa unahan.

"Hoyy ano bang ginagawa mo?!"  tanong nya habang tumatakbo kami.

"Pupunta tayo sa harapan para mas makita natin yung stage kung asan ang mga dapat makita!"

Tumigil na kami sa pagtakbo dahil nasa harapan na kami at sakto naman na lumabas sa stage ang mga teachers.

Oo nga pala apat lang ang teachers dito. Hindi ko alam kung bakit apat hindi katulad sa'min walo.

"Magandang Umaga sa inyong lahat! Batid kong hindi nyo alam ang dahilan kung bakit kayo pinapunta dito." paninimula ni Mr. Dextroneous

"Kami ay lubos na humihingi ng tawad dahil ala syete palang naman ng umaga at kayo'y pinapunta namin dito." sabi ni Ms. Waver

"Magandang umaga!" bati ni Ms. Wolfhord sabay ngiti at kindat sa'ming mga estudyante na nasa harapan niya.

"Pinatawag namin kayo dahil may natanggap kami na balita galing kay Nurse Eley"

"Nakatanggap kami kay Nurse Eley ng isang poisonous feather" -Mr. Gemtrinx

"Ang poisonous feather ay galing sa mga kalaban. Ang sinuman na matusukan nito ay maaaring mamatay ngunit sa una ay manghihina pa lamang kayo dahil kumakalat pa lamang ang lason sa inyong katawan. Maaari itong agapan ngunit kung hindi maaagapan ay maaari ngang ikamatay" pagpapaliwanag ni Mr. Gemtrinx.

Nanatili parin ang katahimikan ng mga,kapwa ko estudyante.

"Sandaling katahimikan lamang po mga minamahal at tayo ay nasa isang pagpupulong na kung saan bawal ang sino man na magsalita" bulong ni Pureplhey sa'kin siraulo talaga 'tong babaeng ito!

Siniko ko lang naman sya para matahimik, pigil pigil nya ang kanyang tawa habang lahat kami ay naghihintay parin sa sasabihin ng mga teachers na nasa harapan.

"Kaya ngayon palang ay dapat na kayong sanayin sa paggamit ng weapon na nararapat sa inyo, pagdepensa at ang tamang pakikipaglaban sa kalaban" -Ms. Wolfhord

"Ang paglabas at paggamit niyo ng inyong kapangyarihan ang dapat din pagtuunan dahil nakapahalaga nito sa ating eskwelahan lalo na sa inyo para kayo ay may laban" seryosong sabi ni Ms. Waver.

Xutheria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon