X. A. 9

59 3 0
                                    

Riclone's POV

Kung alam ko lang na ganito lang naman sasabihin nila edi sana tinuloy ko na lang tulog ko. Kulang na kulang ang tulog ko!

Nandito na kami sa Weapons Room tapos pinapili na kami ng gusto naming weapons. Napili ko ang baril na nag iisa lang. Sa paglilibot ko sa lamesa nakita ko ang baril sa dulo ng mesa.

Naghanda na ang bawat isa sa laban. Naghanda din naman ako.

"Handa kana ba?" saad ng lalaking kalaban ko.

Siraulo 'to ah. As if may pake ako sa tanong nyang nonsense.

Isang atake nya lang at sinipa ko na ang weapon nya. Tinapat ko sa kanya ang baril at pinutok ito. Nakita kong hindi sya nakagalaw. Bago ko pa mandin iputok ang baril ay naitutok ko sa bandang kanan para hindi sya matamaan.

Naglaban kami ng suntukan lang dahil wala syang weapon. Tss

Agad nya kong sinuntok nailagan ko naman kaya naman syang pag atake ko dahilan na nasuntok ko sya sa mukha nya. Easy~

Sinuntok ko pa sya sa tiyan nya at mukha ng tig isang beses lang. Napaupo naman sya sa sahig. Ganun ka weak? Naaalala ko noon na binully ako at wala akong laban kaya nung napuno ako gumanti ako nasobrahan nga lang ako sa pag ganti. Guidance ang inabot ko.

"Kanina ka pa ah!" pikon?

Tumayo sya muli at inambangan ako ng isa pang suntok. Umilag ako sa kanan at sinapak ko sya uli sa mukha.

Hindi ko hahayaang masira nya ang handsome face ko. Ang suntok ko ang nagpa atras sa kanya kaya tinulungan na sya ng fairy.

Tapos na ang aming laban kaya ako'y nakatayo na lang at nanonood sa laban ng iba.

Antagal ng laban nila. Nakakaboring dito wala bang ibang gagawin dito. Buti na lang at nakita ko si Yell. Lumapit ako kay Yell dami nyang chicks.

"Babaero mo naman"

"Tumigil ka nga Riclone! Kami lang naman yung pinaiiwan dito kaya andito din ako"

"Hi nice hair ha" singit nung babaeng kulay pula din ang buhok sa usapan namin ni Yell.

"Your hair is nice too" Am i wrong? Dont know.

"Oh? Tha-thank you so you are?" nautal pa sya don.

"Riclone" inabot ko ang kamay ko para sa shakehands.

"Blaire" nagshakehands kami at nginitian nya ko.

Medyo natagalan ang shakehands namin.

"Nasarapan ka sa shakehands? Happy?"

Bwisit talaga 'tong si Yellizeus. Sinamaan ko lang sya ng tingin at binawi ko na ang kamay ko kay Blaire.

Wala naman masama sa shakehands. S'ya lang itong mapag bigay malisya. 'Lang hiya.

Nakakabagot man maghintay na matapos ang laban ng dalawang kalalakihan na nasa harapan, Wala pa rin kaming magagawa kundi maghintay.

Gusto ko na kasi malaman kung anong next na ipapagawa sa'min.

Gruenriux POV

Kanina pa ang aming laban ng lalaking katapat ko pero hanggang ngayon ay parin matapos tapos. Kanina pa sya laban ng laban habang ako pa-ilag ilag lang.

Itinuro sa'kin noong bata ako ang tamang paglaban ng patas at paglaban gamit ang espada.

Nakuha kong weapon ay Bow and Arrow. Gusto ko man ang espada pero masyado na syang pangkaraniwan.

Xutheria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon