X. A. 6

110 6 0
                                    

Cleinxien's POV

"Mahal na hari!"

"Bakit?"

"Ang lalaking may pulang buhok!"

"Ano meron?"

"Hindi nyo ba natatandaan?"

"Hindi"

"Sige po maaari na po kayong bumalik sa inyong trono"

Umalis na rin ako at bumalik sa aking kwarto. Bakit hindi nya natatandaan ang lalaking pula ang buhok?

Dibale makakain na nga lang nagugutom na muli ako.

"Balang araw siguro ay makikilala nya narin ang lalaking may pulang buhok"

Devina's POV

This Academy is so big~ Nilibot ko pa ang paningin ko napakalaki at napakaganda.

Ibang iba sa school na mga nakita ko na noon.

Paano ba yan? Wala akong dalang damit. Paano ko magpapalit o maliligo?

Hinahanap ko pa rin yung room ko ng bigla kong makabanggaan ang lalaking 'to.

"Ohh fuck" banggit nya.

"Sorry?"

Umalis na ko sa harapan nya tapos nilingon ko na lang sya pero pag lingon ko muli ay nakita kong nahihirapan syang maglakad.

Bumalik ako at kinausap na sya.

"Are you okay?" hinawakan ko pa sya sa balikat nya.

"Yeah yeah i'm okay" naglakad na uli sya pero nakahawak sya sa gilid.

"Really? Ehh? Bakit ganyan ka maglakad?"

Mukha naman syang hindi talaga okay but he's too OA. Nagkabanggaan lang naman kami pero bakit ganyan na sya maglakad.

"None of your business you can go"

Banggit nya kaya hinayaan ko na. Medyo may pagkamasungit sya ako na nga 'tong nagmamagandang loob kahit wala naman akong pake kahit kanino.

Tsss.

Nahanap ko na ang room ko pero hindi doon sa building na sinabi sa'min ni Fairy Lex.

Sa kabilang building ako pero may tulay para makapunta doon sa building na sinabi sa'min.

Dito na kaya ang kwarto ko? Ang laki nito kung titignan palang ang pintuan. Kulay black ang pintuan ko.

Pumasok ako sa loob at nakitang black din ang kulay nito. Naglibot pa ako sa loob kaya nakita ko kagad ang sala, kusina at bathroom at ang huli ay ang kwarto ko.

Napakalaki ng bago kong kwarto kumpara sa kwarto ko sa Hong Kong. May bintana dito at matatanaw ang ibang building.

Gusto ko man maglibot pero inaantok pa ko at tinatamad akong maglakad. Pumasok kagad ako sa kwarto ko at humiga. Nagearphone ako at nakinig sa kanta ni Avril.

Yellizeus POV

Katabi ko ng kwarto si Riclone ang angas tignan ng kwarto nya dahil kulay pula. Pulang pula pa nga ito. Ewan ko ba bakit pula paborito nya. Ang weird kaya.

Samantalang ang akin ay kulay yellow. Masaya na ko sa gantong kwarto mas malaki.

Pumasok ako sa kwarto ko nakita kong kulay yellow ang kama ko. Natawag ng pansin ko ang kwintas na nasa table na nasa gilid lang ng kama ko.

Xutheria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon