Rose POV
Nakauwi naman ako sa bahay nung kina umagahan buti na lang at may nakita kong paro paro sa harapan ko nung una pinapaalis ko sya tapos ayaw naman umalis.
Stalker ko paro paro? Wow. Wala kong ka-alam alam pwede na palang stalker ang paro paro.
Palakad lakad ako at sinusundan parin ako ng paro paro. Susundan nya siguro ko hanggang bahay namin! Hihi sasama yung stalker ko.
Pagkauwi ko nagulat pa sakin si mama dahil umaga na ko nakauwi at hindi nung gabi.
Buti nga nakauwi pa eh. Hanggang bahay sinundan ako ng paro paro pero hanggang labas lang sya ng bahay namin ewan ko bakit di sya pumasok dito sa loob ng bahay.
Pumunta kagad ako sa kusina para kumain! Gutom na ko sobra! Ikaw ba naman di kumain ng buong gabi duh!
Nandiri pa ko kagabi sa hihigaan ko kaso no choice ako dahil na stock na ko doon at gabi na para hanapin pa ang lugar papalabas sa gubat na iyon.
Naaalala ko parin yung matanda at yung binigay nyang papel.
Kung maghihintay kaya ko sa tapat ng bahay namin dadating yung matanda? Malay ko ba.
Hmmm. Di ko nga alam kung maniniwala ko sa Xutheria Academy na 'yon. Natakot pa mandin ako kasi nawala yung matanda. Malay ko ba kung multo yun? Duh.
Gabi na at andito pa rin ako sa labas. Nilalamok na ko dito. Nadidikitan nila ko yuckkkk! Omaygash.
Kasalukuyan akong nagfe-facebook ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko.
"Roseeeee~"
Nagulat ako kaya napatalon ako! Omaygash wala naman akong nakikitang tao sa harapan kaya pumikit ako ng mariin.
"Kung sino man po ang tumatawag sa pangalan ko! Wag mo ko tawagin. Iiyak na 'ko!"
Di naman talaga ko iiyak baka kasi multo yon?
"Ano kaba! Mama mo to! Anong iiyak iiyak ka dyan?!"
Bakit ba di ko naisip na pwedeng mama ko yung tumatawag sakin? Tsss. Ang tanga ko naman.
"Bakit ma? Sorry hehe"
"Joke lang 'di to mama mo!"
Si mama biniro pa ko! Tatawa ba ko? Duh di naman nakakatawa.
"Ma wag mo ko biruin di naman nakakatawa e"
Tumingin ako sa harapan uli ng bahay namin at nagulat akong may bus dito na rainbow kulay at mas malaki sa mga bus na nasakyan ko na!
Kakaiba naman yung bus. Pwede bang sumabit dito? Di naman ako mamamatay e.
Bumukas yung pintuan ng bus at nakita ko ang driver na di naman ganun katandaan.
"Ano pa hinihintay mo dyan? Sumakay kana dito. Aalis na"
Saan kami pupunta sa labas ng Earth? Bus lang gamit namin pero labas ng Earth. Ansaya naman.
Tumakbo na ko papuntang bus at nakita kong may dalawang nakasakay.
Bus ba ito o kaya jeep na pina level up?
Sumilip ako sa bintana at nakitang lumabas ang mama ko mula sa pintuan ng bahay namin. May bintana naman kaso di nakabukas kaya sa pintuan sya lumabas.
"Roseeeee!!"
Tinawag ako ni mama kaya kinatok ko yung bintana nitong bus para matawag ko ang pansin nya.
Binuksan ko pa ang bintana nito tsaka sya tinawag.
"Mama andito ako! Helloooooo! Mygashh maaa you're not blind naman!"
Patingin tingin lang si mama sa paligid. Hinahanap nya ko. Di nya ba ko narinig? Nasa tapat nya lang naman ako bakit ganun? Sumigaw pa 'ko nung tinawag sya pero parang wala syang narinig. Tsssk.
Sinarado ko na ang bus dahil sabi ng driver ay aalis na daw kami.
San kaya kami pupunta? Gubat? Kweba? Hmmm mukhang maglalakbay nanaman ako!
Bakit feel ko may ibang amoy itong bus na 'to? Amoy...
"Amoy tae! Sino may tae dyan sa inyo o kaya'y natatae? Naka-apak?" sabi ng driver.
Oo nga amoy tae. Sino naman ang may dinalang tae dito?! Ambaho yucks. Kung alam ko lang di ako sasakay dito kung ganto amoy.
"Manong request ko lang ipacheck nyo sa kanilang sarili yung self nila dahil baka may natapakan sila" sabi nung babaeng nasa gilid na kulay pula ang buhok.
Tinignan ko ang sarili ko para malaman kung nakaapak ba'ko.
Omaygashhhh!!!! Pleaseeeee send help to all. Joke lang. Ako pala ang nakatapak ng tae. Omaygashhh yuck! Nandidiri na tuloy ako di ko alam gagawin ko.
"Ooopppsss, ako pala nakatapak sarreh hihi"
Mag evaporate sana ko bigla. Nakakahiya! Alam ko namang 'di ko sadya na natapakan ko yung tae, kaya pala kanina bago ko makasakay nafeel kong may naapakan ako na medyo madulas dulas.
"Kadiri naman sa susunod siguraduhin nyong wala kayong natapakan na tae. Naka aircon itong bus amoy na amoy" sabi ng babaeng nasa gilid.
Ang arte nya naman di ko naman sadya 'yon! Akala nya maganda sya pero maganda naman talaga yung buhok nya kasi kulay pula at halatang pulang pula ito. Halata namang mas maganda ako sa kanya!
Maganda ang kulay ng buhok ko kulay brown pati mga mata ko ay kulay brown rin, maputi ang katawan ko at sabi nila ang perfect nga ng body ko.
Itinapon ko ang tsinelas ko sa bintana para mawala na ang amoy.
"Aray! Yuck! Kanino naman galing ang tsinelas na ito?"
May natamaan pala ko sa pagpukol ng tsinelas ko. Sorry hihi! Di ko sadya 'yon.
Hinahanap nya pa kung saan galing kaso di nya rin ako nakikita. Wow invisible ako! Ansaya naman.
Blaire's POV
Andito ako nakasilip sa bintana at naghihintay parin.
"Blaire tara na baba kana dyan!"
Andito na ba ang magsusundo sa'kin? Bumaba na ako ng bahay dala dala ang bag ko at dumiretso sa bus na nakita kong nasa tapat ng bahay namin.
Mabuti na lang 'di ako nakita ng yaya tapos yung guard sa labas natutulog. Tsssk!
----
Ambaho! Umamoy tae bigla. Pagkatapos sumakay nung babaeng brown ang buhok.
Bakit ganun? Di kaya nakatapak sya ng tae? Ambaho lang tsssk. Di ko matiis ang amoy.
"Amoy tae! Sino may tae dyan sa inyo o kaya'y natatae? Naka-apak?" sabi ng driver.
Buti na lang at nagsalita ang driver na nakaamoy na din. Naka-amoy ng tae.
"Manong request ko lang ipacheck nyo sa kanilang sarili yung self nila dahil baka may natapakan sila" nirequest ko sa driver para mawala na ang amoy kung kanino man 'yon.
Sobrang linis kasi ng bahay kaya mabango tapos makaka amoy ako ng tae dito? Di lang ako sanay.
"Ooopppsss, ako pala nakatapak sarreh hihi" sabi nung babaeng brown ang buhok.
Sabi na nga ba at sya yun dahil pagpasok nya ay bigla ng nangamoy tae.
"Kadiri naman sa susunod siguraduhin nyong wala kayong natapakan na tae. Naka aircon itong bus amoy na amoy" ani ko.
Hinayaan ko na lang nagsoundtrip na lang ako at umidlip.
♥♡♥
Thank you sa pag vote at sa pag read. Huehue muahhh.
BINABASA MO ANG
Xutheria Academy
FantasySa pagdating ng tamang panahon Magbubukas muli ang pintuan Pintuan na kung saan may mga taong hindi pangkaraniwan Mga taong may kakaibang kakayahan Sa kanilang pag dating Ang laban ay magsisimula narin Ang mga pag subok ay kanilang haharapin Ang...