CHAPTER ONE: THE NEWS

45 10 29
                                    

Anne's Point of View

Nagwawalis ako ng bakuran ng marinig kong tumunog ang cellphone ko na ngayo'y nasa bulsa ko kaya kinuha ko ito roon.

'One notification from twitter.'

Ha?! Notification? Bago 'to ha? Ilang buwan na rin kasi simula noong magkaroon ako ng notification sa twitter. Ano kaya 'to?

Pinindot ko ang notification na agad namang nag-lead sa twitter at nagulat ako sa nakita ko na halos pwede na akong mamatay! Nag-tweet ang BTS!

"See you soon Philippine ARMYs!
Love Yourself Tour 2019"

'Yan lang naman ang caption na nakalagay! Wahh! Excited na ako!

At dahil sa sobrang saya ko ay tinawagan ko ang isa kaibigan ko.

"Ryzelle, Did you see the news?" Sabi ko sa kaniya ng english. May pagka-englishera kasi itong babaitang ito mayaman kasi.

Siya si Ryleen Zellain Elaise Campos mahaba masyado 'no? Kaya iksian natin Ryzelle Campos ang 'Rich kid' ng grupo namin. Sobrang yaman nila na isa sa malaking kompanya sa Pilipinas ang pagmamay-ari nila. Hindi namin siya naging kaibigan dahil sa yaman o sa mga pera nila naging mag-kaibigan kami dahil sa meron kaming parehong kahiligan na gustong-gusto namin. Ang bias niyan si Jeon Jungkook. Alam niyo bang noong elementary days palang namin ay nagkaroon ng show and tell at ang shinow and tell niya walang ibang kundi ang naka-picture frame este-- naka-picture frame but golden frame na picture ni Jungkook at tumayo kaming tatlo para suportahan siya pero pinatigil rin kami nung teacher namin at ayon binigyan si Ryzelle ng F na grade umiyak pagdating sa bahay hahaha!

"Ha! May news? What kind namang news 'yun?" Pa-conyo niyang sabi. Sanay narin ako sa ganyan niyang pag-sasalita kaya oks lang sa'kin.

At hindi pa ba niya alam? Napaka-late naman nito sa mga balita!

"Pumunta ka sa Twitter mo tapos tignan mo yung account ng BTS." Sabi ko sa kaniya at naghintay. Siguro mahigit limang minuto na pero di parin siya kumikibo sa kabilang linya pero ilang sandali lang ng marinig ko siyang sumigaw ng napakalakas na naging dahilan para ihiwalay ko ang cellphone ko sa tenga ko. Sumigaw kasi siya ng napakalakas na halos mabingi na ako.

"Waaahhh! O.M.G! We have to punta to the concert of them!" sabi niya na parang ewan dahil sa kanina pa siya sigaw ng sigaw. Haysss 'to talagang babae na'to! Paano ko kaya 'to naging kaibigan? Hahahaha bahala na.

"Wait!" Sabi niya sa akin. Ano na naman 'to?

"Alam na ba nung dalawa the news, Anne?" Tanong niya sa akin at agad naman nanlaki ang mata ko.

Oo nga! Di ko pa sinasabi sa dalawa. Tawagan ko na lang.

"Ryzelle i-hung ko muna 'to ha, tawagan ko lang sina Bianca at Lara." Sabi ko sa kanya at sinabihan niya na lang ako ng 'okay' at nagba-bye na kami sa isa't isa.

Tawagan ko muna si Bianca. Ilang ring rin ng sumagot siya at sigaw kagad ang nakuha ko.

"Ano bang kailangan mo?!" Sigaw niya, ano bang problema nito?

Tumingin ako sa screen ng cellphone ko para malaman kung anong oras na.

Shocks! 9am na pala!

"Sorry Bianca nagising kita ha!" Sabi ko sa kaniya nang medyo awkward.

Siya si Beatrice Illañes Alcantara Nikolaine Cathrina Arrevallo Hermoso inshort Bianca Hermoso. Ang boyish type ng grupo namin. Siya yung maypagka-moody at isa sa mga ayaw niya at kinagagalitan niya ay ang pag-gising sa kaniya. Ayaw na ayaw niya ito dahil sabi niya "Kama is Life" hahaha kakatawa rin minsan! Pero mabait 'yan lalo na pag nakilala mo na siya at isa pang fact sa kaniya. Indenial si ate. Means indenial siya sa pagiging ARMY kahit na alam na niya ang profile ng bawat grupo ng BTS pati na rin ang kanta at choreography ng bawat kanta. Diba napaka-indenial e kitang-kita naman na? Si Kim Seokjin ang bias niyan, alam niyo ba noon nagsulat siya ng 'I LOVE YOU KIM SEOKJIN' sa pader pero nung nalaman ng office ay hindi niya sinabi ang totoo at kaming apat ang naipit kaya ayon pinaglinis kami nung sulat at sa CR pa halos limang oras kami noon doon at puro reklamo pero masaya naman bonding daw sabi ni Bianca.

The Forever Fangirls (BTS Ver.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon