CHAPTER FIVE: IPON TIME PT. 1 (MERCHANDISE SELLING)

21 7 14
                                    

HAPPY BDAY SA AUTHOR!

Third Person's POV

Kaming mga fangirls pagdating sa aming mga oppa o asawa ay gagawin ang lahat. Mahirap man yan o madali. Para kasi sa amin itong ginagawa namin ay ang aming happiness. At sabi nga diba, if that's what make you happy edi go! Do it!

Kaya kaming magka-kaibigan sama-sama naming gagawin ang mga bagay para maging masaya kami. No matter what happens will be stronger! Basta magkakasama lang kami.

Forever for Eternity!

Ngayon ang simula ng pagta-trabaho ng magkakaibigan para sa concert.

Maagang nagising si Anne para tumungo sa kaniyang special room. Oo, special room dahil dito nakatambak lahat ng mga BTS Merch na hindi na niya masyado ginagamit at mga bagong Merch. Ang iba'y bigay sa kanya, regalo o di kaya'y bili niya gamit ang napag-ipunan niyang pera. Naghalungkat siya ng mga gamit na maaaring ibenta mamaya.

Makalipas ang mahigit tatlong oras dahil nga sa nag-iisip siya kung ibebenta ba niya yung iba o hindi, ay nakatapos na niya. Mayroon tatlo na box kung saan naglalaman ng mga Merchandise.

Tinignan niya ang room at nakita ang dalawang lightstick ng Bangtan. Isang Version One na nakalagay sa pinakatuktok at Version Two na nasa gilid ng unang lightstick naalala niya noong unang binili niya yung version one na lightstick.

Dahil gustong-gusto na niyang makahawak ng lightstick ay nagpasya si Anne na bumili nito sa isang online shop na nagkakahalaga ng P800.00 noong una'y medyo nagaalinlangan pa siya dahil masasayang lang doon ang isang taon niyang pagiipon. Pero dahil sa kaniyang pagka-determinado ay bumili siya nito nang hindi nalalaman ng magulang niya. Isang buwan bago makuha iyon ni Anne at sa araw na iyon ay nagkaroon pa siya ng bulutong, isang sakit na nakakahawa kaya nasa loob lamang siya ng bahay niya. Kinakabahan siya dahil hindi siya maaaring makalabas dahil sa may bulutong siya. Kaya humingi siya ng tulong sa lola niya na siya na lang ang kumuha nito at tinanong naman ng kaniyang lola kung ano ba ang pina-deliver niya. Nahihiya noon sabihin ni Anne na ang binili niya ay isang KPop merch dahil ayaw na ayaw pa noon ng pamilya niya sa Kpop at baka mapagalitan pa siya. Pero kalaunay pumayag naman ang lola niya. 2:00 pm ng makuha niya ang delivery, sobrang saya niya ng makita ito. Paguwi naman ng nanay niya ay napagsabihan siyang huwag bumili ng kung ano-ano pero masisisi niyo ba si Anne eh hindi naman daw kung ano-ano ang Bangtan para sa kaniya.

Napangiti na lamang si Anne ng maalala iyong araw na 'yon isa iyon sa masayang araw ko dahil nakabili ako ng merchandise gamit ang aking ipon at ngayo'y magiipon ulit siya hindi dahil sa merchandise kundi para naman sa concert ng BTS.

Ibinaba niya ang tatlong  boxes.

Ang unang box ay laman ng mga pinaglumaang t-shirt ng BTS at mga hindi na kasyang BTS t-shirts. Marami kasi siyang damit dahil ang iba'y regalo o bigay o dika ay bili rin pero alangan naman itambak lang niya diyan sa special room niya e hindi naman na kasya. Kaya minabuti na niyang ipamigay sa ibang mga Kpop Lover specially mga ARMYs.

Ang pangalawang box naman ay puro poster nila. Halos maging pagawaan na ng poster ng bts ang room niya dahil sa dami nito mayroon siyang 1,000 plus na poster nila simula debut hanggang ngayon kaya minabuti na lamang niyang ibenta ang kalahati ng poster.

Ang pangatlo naman ay mga iba't-ibang merchandise na talaga. Mga fans, stickers, bracelets, dolls ng BTS,  photocards, banner, keychain at marami pang iba.

Lumabas siya sa bahay habang buhat ang isang mahabang lamesa kung saan niya ilalagay ang mga merchandise.
Kinuha niya ang bawat boxes at inilagay sa lamesa. Kumuha siya ng cartolina at sinulat ang mga katagang 'BTS Merch For Sale!' Yan ang nakalagay.

Balak niyang ibenta ang t-shirts ng P150.00, ang posters ng 50 to 100 Pesos at ang iba pang merchandise ng 50 pataas depende kung anong klase ito.

Lumabas ang mama ni Anne upang tignan kung ano ang ginagawa nito ng makita kanina ang mga nilalabas na gamit.

" 'Nak ano bang ginagawa mo at inilabas mo lahat yang BTS merch mo?" Tanong niya sa dalaga.

"Ma, ibebenta ko na yung iba, sasama kasi diba ako sa concert nila." Paliwanag naman ni Anne sa kanyang nanay.

"Ahhh okay 'nak good luck ha! Support ka ni mudra" sabi ng mama ni Anne at agad napatawa silang dalawa.

Nagsimulang magumpisa si Anne ng 9:00am at natapos mahigit walong oras, 3:00pm ay naibenta na niya ang lahat ang lakas pala ng benta.

Ganyan ang araw-araw na routine ni Anne.

Hanggang sa mag-limang buwan na at nakaipon na siya.

=======================

AUTHOR'S NOTE:

Solo muna, sa susunod na yung iba.

Special Chapter ba?

Happy Birthday sa akin!

At readers some part po dito sa story ay nangyari po sa totoong buhay. Sa buhay ko. So yun lang!

Gift nyo na lang sakin readers ang inyong suporta sa akin, at ang mga votes ninyo!

Thank you sa Support!

Forever For Eternity...Thank you sa pagsupport sa akin. I Love You Guys!

And I Love You Too Readers!

Best Gift na'to sa akin ang makapagsulat ng story not just a story but a story of life.

The Forever Fangirls (BTS Ver.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon