Bianca's Point Of View
"Oh! Beatrice ano ba? Gumising ka na dyan kanina pa sumikat ang araw!" Tawag sa akin ni mama mula sa baba. Mas gusto pa niya akong tawaging Beatrice kaysa Bianca. Hayyysss...maaga pa naman eh!
"Oy! Beatrice! Akala ko ba pupunta ka sa palengke?" Ani ni mama. 'Oo ma! Pupunta ako pero mamaya na lang!' Sabi ko sa isipan ko. Ang lakas naman kasing magsalita ni mama at dahil dito itinalikod ko ang katawan ko sa kaniya. Ingay kasi ni mama, umagang-umaga parang may kalaban!
Pupunta na sana ulit ako sa dream land ko pero....
"A-aray!"
"Ma anuba!"
Yan ang patuloy kong sigaw paano ba naman hinila ni mama ang paa ko at eto ako ngayon nasa lapag.
"Beatrice! Umaga na! Pupunta pa kayo ni Cath sa palengke diba! 10 o'clock na!"
At dahil diyan sa sinabi ni mama ay naalala ko pa lang pupunta ako sa palengke kasama si Cath. Si Catherine ay pinsan ko, may pagka-boyish na katulad ko pero slight lang!
"Oh ano gising na ba?" Tanong ni mama sa akin.
"Opo, ito na po!" Sabi ko habang kinakamot ko ang kaliwa kong mata.
"Oh sige bumaba ka na lang at nandun na ang pagkain mo, aalis na ako at magpapa-manicure pa ako ngayon, sunduin mo na lang si Cath ha!" Ang haba naman ng sinabi ni mama. Makikita ko naman yung pagkain pagbaba ko at malamang susunduin ko si Cath dahil siya magbibitbit hahaha!
"Yes ma! Bye!" Sabi ko bago nagpunta sa C.R. para maligo.
Bumaba na ako nang nakaligo na ako. Suot ko? Edi Black na T-shirt, Jeans at Tsinelas. Kung nagtatanong kayo kung bakit lang ako naka-tsinelas ay dahil sa palengke ang punta namin hindi sa mall 'no! Duh! Pero tsinelas talaga dahil baka pag-sinuot ko ang rubber shoes ko ay madumihan.
Nakita ko ang hotdog, itlog at ang specialty ni mama ang sinangag na kanin sa lamesa. Wahhh mapapadami kain ko nito ha!
At nang natapos na ay hinugasan ko ang aking ginamit na plato tsaka kinuha ang mga eco-bag nalalagyan ng mga karne, isaw, bato, tenga, hotdog, dugo, atay at iba pang pwedeng ihawin.
Ini-lock ko na ang pinto at pumunta sa kabilang bahay kung saan nakatira si Cath.
"Oy! Catherine lika na!" Sigaw ko mula sa labas ng bahay nila at mahigit dalawang minuto akong nag-hintay ng makalabas na siya.
At sumakay na kami ng tricycle para makapunta sa palengke ng makapunta kami ay bumili muna kami ng mga laman, bituka ng manok, bato ng baboy, paa ng manok, tenga ng baboy, dugo ng baboy at atay ng manok pagkatapos nito ay bumili narin ako ng hotdog at sticks para dito, at ng sauce para sa marinate at sauce para sa inihaw. Binuhat ko ang kalahati ng mga gamit at ang kalahati ay kay Cath.
"Bianca bili muna tayo ng siomai nagugutom na ako e!" Reklamo ni Cath at dahil sa gutom narin naman na ako ay nagpasya kaming kumain ng siomai at palamig.
"Ate! Dalawa pong siomai at dalawa pong palamig" sabi ko sa nagtitinda. Binigay niya sa akin ang siomai at palamig.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa bahay. Nag-thank you ako kay Cath tsaka pumasok sa bahay. Pagdating ko pa lang ay napansin ko ng tahimik kaya siguro'y wala pa si mama.
Kaya inilabas ko muna ang mga pinamalengke namin at inilagay sa iba't-ibang plato ang mga laman at iba pang iihawin.
Nagpalit na muna ako sa taas at pagkatapos ay pumunta sa kusina para asikasuhin ang iihawin mamaya. Tinignan ko ang orasan at napagtantong ala-una na pala ng hapon.
Kaya mas dinalian ko pa ang pag-gawa. Gumawa ako ng sauce para sa iihawin.
Pagkatapos gawin ang sauce ay ibinabad ko ito sa mga iihawin nilagay ko sa ref at pagkalipas ng mahigit isang oras ay inilagay ko ito sa mga sticks. Gumawa narin ako ng sauce, isang mahanghang at matamis na sauce.
Nang matapos ko na ito ay inilagay ko ito sa lamesa ng may plastik para hindi mapasukan ng mga lamok.
Lumabas ako para ilatag ang place na gagawin ko, inilagay ko na ang mga iihawin at sauce sa lamesa. Kinuha ko naman ang ihawan at ang mga uling na nakalagay sa sako.
Nang okay na at naka-pwesto na ang lahat ay pinainit ko na ang ihawan gamit ang uling.
Makalipas ang kalahating oras ay isa-isang nagpuntahan ang mga bibili. Kada-tatlong araw sa isang linggo ko ito ginagawa. Masaya ako sa gingawa ko dahil nilalaan ko amg aking Blood, Sweat ang Tears dito.
Oo! Hindi na ako magiging indenial. Isa na akong taong nagmamahal ng buong puso sa Bangtan.
Kung para ito sa Bangtan, gagawin ko!
_______________
Third Person's POV:
Natapos ang apat buwan na ito ang ginagawa ni Bianca kada-tatlong araw sa isang linggo. Nakaipon narin si Bianca para sa concert ng BTS.
____________________
A/N:
Hello guys ang nagbabalik! Nagpapasalamat ako sa patuloy na pag-suporta ng readers sa storing ito.
Rank #46 in Fangirl
#45 in BTS Fanfic
#393 in bestfriends
#7 in fans
#100 im friendsThank you very much po you made me happy at dahil dyan eto ang update!
Hindi ko po inaasahan na makakasama tayo! Thank you po talaga sa readers na nagbabasa nito ngayon! Salamat po!I will do my very best in this Book!
You made me happy!
Enjoy reading!
And Thank you readers!QUEENYANNA_AC!💝
BINABASA MO ANG
The Forever Fangirls (BTS Ver.)
Nonfiksi"Kaming magkakaibigan iba-iba man ang aming katangian isa lang ang common saamin. Kami ay mga die-hard fans." -The Forever 4 Eternity Update days: Wednesday, Saturday and Monday