Anne's Point of View
"Any suggestion guys?" Muli niyang tanong sa amin kaya isa-isa na kaming nag-isip kung anong mga pwedeng i-suggest sa kaniya.
Kung pupunta ka sa isang concert anong plano at steps ang kailangan?
Actually wala talaga akong alam na pwede namin maging plano.
"Hmm alam ko na!" Sigaw ni Lara na ikina-tingin namin sa kaniya.
"Ano?" Sabi naming tatlo na curious na curious na malaman kung ano ang sasabihin ni Lara.
"Ganto na lang pumunta na lang tayo sa bahay nila Ryzelle mamaya at sasabihin ko sa inyo kung ano talaga ang plano ko." Nang sinasabi ito ni Lara ay nadismaya kaming tatlo dahil akala namin ay sasabihin na niya yung talagang plano niya.
"Sige/Okay" pagsang-ayon namin kay Lara. Well, mas maganda kasi pag-personal kaming magkikita-kita para mapagdesisyunan na namin.
"Okay so what time will you punta? Para i'll ask yaya to prepare something." Conyong sabi ni Ryzelle. At oo may yaya yan syempre mayaman e.
"Ayy!" Tumingin kaming dalawa ni Bianca sa isa't-isa at ngumiti na parang naguusap gamit ang mga mata.
"Bananaque!" Sabay naming sabi tsaka tumawa. Simula kasi bata, kami lang dalawa ni Bianca ang may paborito ng Bananaque habang sila Lara at Ryzelle ay turon na may maraming asukal.
Yan ang lagi naming kinakain o meryenda saan man kami pumunta lalo na kapag magkakasama.Nagkatinginan naman sa screen sila Lara at Ryzelle at...
"Turon!" At may paturo-turo pa talaga silang nalalaman ha. Tumawa rin sila katulad ng ginawa namin kanina ni Bianca.
"Oh sige, Ryzelle maghanda ka ng limang turon at bananaque." Sabi ko kay Ryzelle pero sumingit sina Lara at Bianca.
"Ha?! Lima lang?!" Sigaw nila sa akin. Wow ha grabe talaga sila di na nahiya. Hay nako kung sabagay wala naman na kaming hiya-hiya lalo na kung kami-kami lang din naman.
"Okay na di na kailangang sumigaw pa, Zelle sampung turon nalang at bananaque ha!" Sabi ko, kung sasabihin niyong masyado kaming spoiled kay Ryzelle e bata pa kami ganyan na kami. Sabi niya sa amin na kung anong gusto namin pwede naming sabihin sa kaniya hindi naman daw big deal dahil kilala naman na kami ng mga magulang niya at bestfriend na niya kami. Ewan ko kung may sense yungbsinabi ko pero nagets niyo naman diba?
"Okay i'll just tell na lang to yaya. So what time nga?" Tanong niya sa amin.
"It's 9:38 siguro after lunch na lang mga 1:30 sa bahay ni Zelle, ano?" Tanong niya sa amin ni Bianca. Tumango na lang si Bianca at nag-yes naman ako.
"Okay so it's final. Mamaya 1:30, sa bahay ni Zelle." Sabi ni Lara at tumango na lamang kami bilang sagot.
"Sige na guys nagugutom na ako e! Kakain pa ako. Bye!" Sabi ni Bianca.
Kaya nag-bye na lamang kami sa kaniya."Byee na guys magaayos pa ako e!" Sabi ko sa kanila.
"Okay see you na lang mamaya! Bye!" Sabi naman ni Ryzelle at nagpaalam na sa amin.
"Byee!" Sabi ni Lara at in-off ko na ang video call namin at ibinulsa ang cellphone ko.
Well tapos naman na ako kumain ng umagahan, at tapos na rin nama na akong maligo. Maaga pa naman e...9:47 palang at mamaya pang 1:30 kami magkikita kaya matutulog na muna na ako. Wala naman ng gagawin e kaya good mornight!
DING DONG!
May narinig akong nagbukas ng pintuan ngunit hindi ko parin ito pinansin ng may maramdaman akong umupo sa kama ko sa gawing kaliwa ko. Sino naman 'to? Tanong ko sa sarili ko nang hindi binubuksan ang mga mata.
May narinig akong mga bulong....pero ipinagpabaya ko na almg ang sarap kasing matulog.
SPLAASSHH!
"Ahhhhh!" Agad akong napabangon at nagyo'y nakabukas na ang dalawang mata nakita kong tumatawa sina Bianca at Lara.
Shemay! Basa na tuloy ako! Paano ba naman, binuhusan ako ng tubig!
Tinignan ko sila ng masama dahil rito pero anong ginawa nila?
Tawa parin ng tawa.
"Problema niyo?" Tanong ko sa kanila.
"Anne alam mo ba kung anong oras na?" Natatawa paring tanong sa'kin ni Bianca.
Nakita ko namang kinuha ni Lara ang cellphone niya at itinutok sa akin. Hala siya! May gana pa talaga akong picturan ha! Basang-basa na nga ako e..kaya binatuhan ko siya ng unan papunta sa cellphone niya kay itinigil naman niya ang ginagawa niya. Ang di ngalang nila matugil ay ang patawa.
Hayyss... kakalaba lang ng bedsgeet na'to e, maglalaba pa tuloy ako. Kasi naman 'tong dalawang iti eh.
Buti nalang nasa side table ang cellphone ko kundi nabasa narin siguro 'to.
Tinignan ko kung anong oras na at doon ko napagalaman ang maraming missed calls at text na galing sa kanila. At 2:11 na pala.
"Hintayin niyo ako! Bwiset!" Sabi ko sa kanila at pumunta sa CR para maligo dahil basa narin naman ako e.
Pagkalipas ng mahigit sampung minuto ay nakabihis na ako. At dahil kayla Ryzelle lang naman ay plain white t-shirt at ripped jeans with snickers. Oh diba! Pak na pak!
Bumaba na ako at nakita kong nakahiga sa sofa namin si Bianca habang nagbabasa naman ng Nicolas Spark na libro si Lara. Wow! Talagang feeling at home sila ha. Pero wag kayo ganyan talaga kami at matagal naman na kaming pumupunta sa kaniya-kaniyang bahay. Tito at Tita narin ang tawag namin sa mga ng isa't-isa kaya makapal na talaga ang mukha namin. Hahaha! Sorry sa harsh but true word.
Nakita ko si mama na nakaupo sa table na naka-tingin sa kaniyang laptop habang naka-earphone kaya pinuntahan ko siya. Habang naglalakad ako ay naririnig ko si mama na humihikbi. Ano bang ginagawa ni mama?
Paglapit ko sa kaniya nakita ko siyang umiiyak kaya tinapik ko siya na naglead naman para tumingin siya sa akin.
"Ma aalis na pala kami ha, kayla Zelle lang kami. Siguro maya-maya na ako uuwi." Sabi ko sa kaniya.
"Si-sige mag-iingat ka-kayo ha." Nagpipigil ng hikbi si mama habang sinasabi niya ito.
"Ma ba't ka ba umiiyak?" Tanong ko sa kaniyang at hindi niya ako sinagot kundi pinatingin niya ako sa kaniyang laptop.
"Ma! 'Yan lang!" Natatawa kong tanong sa kaniya.
Paano ba naman nanonood si mama ng K-drama na Hwarang yung part na pinatingin niya, ay yung part na mamamatay na si Taehyung. Hayss naalala ko pa noong pinanood ko 'yan muntikan ko ng hindi matuloy dahil pinatay nila si Taehyung ko. Huhuhu.
"Ka-kasi na-naman....wala naman siyang ginawang masama pa-para mamatay siya.." sabi niya habang humihikbi parin. Hayysss siguro nagmana talaga ako kay mama.
"Hayys... bahala ka na nga dyan ma, bye ma!" Sabi ko habang tinawag ko sila Lara at Bianca na nasa sala.
"Bye Tita!" Sabay na sabi ng dalawa. Habang pinatay naman ni Bianca ang saksakan ng TV at tumayo sa kinauupuan si Lara.
"Mag-ingat kayo! Lara, Bianca kayo na bahala dyan kay Anne!" Sabi ni mama sa dalawa.
"Opo tita!" Sambit nila.
At habang naglalakad dahil malapit-lapit lang naman ay narinig kong nagtatawanan sila. Napatingin ako sa dalawa at binigyan sila ng isang confuse na tingin.
"Magina talaga kayo ni tita!" Sambit ni Lara habang pareho silang natawa.
Duhh, anak niya ako, nanay ko siya. Talagang mag-ina kami. Hahahaha!
==========================
Guys siguro Monday na ako maguupdate kasi pupunta kami sa Worlwide Walk kaya matatagalan at wala pang wifi doon so....stay tuned na lang for the nest chapter at sa mga BPIYA na binabasa ito ay sowweee di muna magchat si acoeh for about 2 days😂
Pabitin lang ako e! Well mostly po sa storing ito may mga totoo rin po in real life.....at totoo pong adik yung nanay ko sa kdrama hahaha😂😂
Yun lang po! Thank you!
Please Vote ang Comment ng kahit ano man🤣!Fr: Authir-nim with LOVE!
BINABASA MO ANG
The Forever Fangirls (BTS Ver.)
Saggistica"Kaming magkakaibigan iba-iba man ang aming katangian isa lang ang common saamin. Kami ay mga die-hard fans." -The Forever 4 Eternity Update days: Wednesday, Saturday and Monday