CHAPTER SIX: IPON TIME PT. 2 (BOOKSTORE)

18 8 17
                                    

DEDICATED TO:

THE_ AMAZING_ERZA_10

Lara's POV

TOOOT! TOOOTT!

Nagising ako ng dahil sa alarm clock. Anong oras na ba?

"Hala shet!" Sigaw ko kaya napahawak ako sa bibig ko at nanlaki ang mga mata ko. Oh my! Nagmura nanaman ako?!

Oo! na naman! Nagmumura kasi ako pero minsan lang ha. Hindi alam nila na nagmumura ako pero kahit naman nagmumura ako minsan ay hindi ibig sabihin na masamang tao na ako, at sa lahat ng nagmumura sa buong mundo dahil ine-express lang namin ang feeling namin. Oh diba! Fact yan ha!

Balik sa realidad, oh my! 8:00 na pala.

Babangon na sana ako pero may nakalimutan pa pala akong gawin, kaya umupo ulit ako, pumikit at pinagdikit ang kaliwa at kanan kong kamay.

Lord,

Thank you po at pinagising niyo po ako. Sa buhay at lakas na araw-araw po naming tinataglay. Lord, sana'y gabayan niyo po ako sa darating na araw na ito. Wala po sanang masamang manyari sa akin. Sorry po kasi nagmura ako. Lord, meron lang po sana akong isang hiling sa inyo. Sana po ay mahiling niyo po ito. Lord please, please, please sana po makita ko na po ang Bangtan syempre po ang aking pinakamamahal na asawa na si Park Jimin kahit na LDR ang relationship po namin. Lord isa pa po sanang hiling. Last na po talaga ito sana po maging strong po ang relationship namin nila Anne, Ryzelle at Bianca. Wala po sanang maging hadlang sa aming pagkakaibigan.

Amen.

Pagkatapos kong magdasal ay nagpunta ako sa CR para maghilamos at magtoothbrush. Bumaba ako para kumain ng umagahan.

"Eomma!" Tawag ko kay mama habang pababa ako sa hagdan.

"Oh anak,  nandito ako sa kusina!" Sigaw niya sa akin kaya agad-agad akong nagpunta sa kusina.

Habang naglalakad ako ay naamoy ko ang niluluto ni mama. Wahh! Ang bango!

"Eomma, ano pong ulam?" Tanong ko sa kaniya ng makapasok na ako at makaupo sa lamesa.

Hinarap naman ako ni mama dahil nakatalikod siya kanina.

"You're favorite!" Sambit niya kaya nagkaroon ng dalawang puso ang dalawa kong mata. Joke lang! Hahaha!

"Waahhh! Ang faaaavorite ko!" Sigaw ko nang makita ko ang pancake.

Favorite ko ito, minsan pa nga nilalagyan ko pa ng ice cream!

Nilapag ni Eomma ang pagkain at sinunggaban ko naman kagad ito.

Pagkatapos kong kumain ay umakyat ako para maligo at magbihis dahil pupunta ako ngayon kayla tita.

Dalawang minuto na ang nakakalipas ng maligo at magbihis ako. Nagsuot ako ng floral t-shirt at skinny jeans habang naka-rubber shoes naman ako.

Bumaba na ako galing sa kwarto para magpaalam kay mama.

"Eomma! Aalis na po ako!" Sigaw ko dahil baka nasa CR siya ngayon at naliligo.

"Anak sa'n ang punta!" Sigaw rin niya pabalik sa akin.

"Kayla tita Maricel po! Pupunta po ako sa Book Store niya!" Sambit ko habang naglalagay ng pulbo sa mukha.

"Oh sige mag-ingat ka ha!" Sabi niya at nagba-bye na ako tsaka kuha ng bag ko.

Pagkalabas ko ng bahay ay tumawag ako ng tricycle para makapunta sa kalsada. Naglakad ako ng kaunti hanggang sa bus stop malayo-layo pa kasi ang book store ni tita.

The Forever Fangirls (BTS Ver.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon