DEDICATED TO THEM: The_Amazing_Erza_10💞
NiniKim9605💞
bianca_wolfhard💞Thanks sa support! Saranghae! At kay Bianca basahin mo 'to pramis di ka magsisisi😂 Labyou guys!
Anne's Point Of View
"Mag-ina talaga kayo ni tita!" Sambit ni Lara habang pareho silang natawa.
Duhh, anak niya ako, nanay ko siya. Talagang mag-ina kami. Hahahaha!
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa bahay-- este sa mansion nila Ryzelle. Yes you heared it Mansion nila. Yung bahay namin times five pa. Gets? Kung hindi basta malaki at maraming espasyo.
Pagpasok namin ay nasalubong namin papaalis na sina Tito at Tita na mama at papa ni Zelle.
"Good afternoon po 'to, 'ta" sambit naming tatlo nang makarating kami sa loob.
"Oh good afternoon din, aalis muna kami ng tita niyo at magde-date kami. Kayo muna bahala kay buds ha." Sabi ni tito sa amin. Buds kasi ang tawag ng mga magulang ni Ryzelle sa kaniya. Hahahaha cute 'no?
"Opo tito, bye!" Sabay-sabay naming sabi nika Lara at Bianca nang tuluyan ng umalis sila tito at tita.
Pag-alis nila tito at tita ay nagpunta na kami sa kwarto ni Zelle. Ganyan naman lagi siya pag pumupunta kami sa bahay niya kami dapat ang maga-adjust. Pero sanay naman na eh, kaya push lang! Hahaha!
Pag-akyat namin sa kwarto niya ay nakita namin siyang nagla-laptop. Ano
k-drama na naman ba yan?"Oy Zelle ano bang ginagawa mo?" Tanong ni Lara kay Zelle na ngayo'y hindi na nakatutok sa laptop kung hindi sa amin.
"Ha? I just saw the ticket price..." sabi niya sa'min at dahil na-curious na kami ay lumapit kami sa kaniya. At umupo sa kama niya na katabi siya.
"Magkano naman?" Tanong naman ni Bianca kay Zelle. May feeling ako na maraming pera ang magagastos namin.
Ipinakita niya sa amin yung sinearch niya.
==============================
(A/N: Correction lang po hindi po talaga ito yung ticket price of 2019 concert nila. This ticket price ay noong 2016 yata or 2017 kaya hindi po ito yung talagang price para sa concert nila. Sana po maintindihan ninyo. Thank you!")BTS 2019 Concert In Manila
VIP Standing- P 12,000
VIP Seated- P 10,000
Lower Box A- P 8,500
Lower Box B- P 6,500
Upper Box A- P 4,500
Upper Box B- P 3,500
Upper Box- P 1,500
General Admission- P 1,000===============================
What?! VIP 12,000?! Saan naman kami kukuha? Syempre naman 'no, minsan lang sila pumunta rito kaya dapat sagad-sagad na at kailangn namin silang makita. Like every fangirl or fanboy dream nga diba? Ang makita sila, makaharap, at mahawakan.
Tinignan ko silang tatlo na kitang-kita sa mata ang pagka-dismaya sa presyo ng ticket plus yung general admission pa.
"Ha?! 12,000 pesos?!" Gulat na tanong ni Bianca sa amin kaya tumango na lang si Zelle.
"And don't forget the General admission that cost 1,000 per person." Mahinahong sabi ni Zelle na mas ikinagulat ni Bianca.
"Paano na yan wala pa akong pera!" Malungkot na sabi ni Bianca.
"Ehem!" Pekeng ubo ni Lara para mabigyan siya ng pansin.
"Guys! May plano na ako" sambit ni Lara na ikinatuwa namin lalong lalo na ni Bianca.
BINABASA MO ANG
The Forever Fangirls (BTS Ver.)
Non-Fiction"Kaming magkakaibigan iba-iba man ang aming katangian isa lang ang common saamin. Kami ay mga die-hard fans." -The Forever 4 Eternity Update days: Wednesday, Saturday and Monday