Chapter 1

294 9 0
                                    

**********

Ni minsan hindi ako naniwala sa mga pantasya na akala mo'y totoo? Pero hindi pala. At isa ako roon.

Nakatingin lang ako sa bintana ng van namin. Napaka aga nang pag alis namin mula Cavite to Nueva ecija. Hindi lang talaga ako makapaniwala na, na gano'n nalang kabilis ang desisyon ni papa na ipatapon ako sa probinsya kasama ang mga 'di ko pa kilalang mga pinsan ko o pinsang malayo.

Masakit isipin na ako lang. Ako lang ang ipinatapon n'ya dahil ayaw n'ya raw muna akong makita. Hindi sa ayaw n'ya akong makita bilang anak n'ya, kundi, baka mag away na naman sila ni mama. Bale, broken family ako. That explains a lot. Hindi ko maintindihan kung ba't nagka-ganoon. Ang alam ko lang, 'yung nag summer class ako sa mga madre't para na rin matuto ako sa mga gawing bahay.

Mag 10am palang kaya napahikab ako habang nakasalpak ang mga earphones ko sa tenga. Medyo mahaba pa ang byahe papuntang probinsya. Dama ko pa no'n nung kabataan ko, ang makatapak sa palayan ng bukid. At ang mala fiestang pagkain sa tuwing pupunta kami sa bahay nila lola, kapag desperas ng pasko.

Kinuha ko sa mini shoulder bag ko 'yung maliit nguni't bilog na salamin. Napanguso nalang ako bigla nung nakita kong may bagong tubo na namang tigyawat sa parte ng mukha ko.

Titirisin ko ba o hindi?

Bahala na nga!

*******

Bandang hapon na nung nakarating kami sa bahay nila lola. Pinag buksan ako ni manong driver ng pintuan para makababa na 'ko mula sa van.

Pagkababa ko'y tumama sa'kin ang sinag ng araw, kasabay na malamig na hanging humahalik sa'king balat. Ganitong ganito sa probinsya. Malamig ang simoy ng hangin at tahimik ang paligid.

"Señora! Andito na 'yung apo n'yo, ay jusko! Asa'n na ba si madam?" Sambit ni Yaya Delta.

Kaya napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang buong itsura ng hacienda. Hanggang ngayon? Gano'n pa rin 'yung itsura. Ayaw lang talaga ni lola na palitan 'yung decorations at ayos ng hacienda na 'to. Ito kasi 'yung iniwang ala-ala ni lolo kay lola.

"Naku, ang apo ko! Halika nga ritong' bata ka!" Masayang bungad ni Lola Glo, kaya napangiti naman ako saka niyakap s'ya pabalik, nung niyakap n'ya ako bigla. Amoy na amoy ko pa 'yung mamahaling pabango ni lola. Nakasanayan na siguro ng ilong ko sa pabangong 'yon.

"Halika't ipinagluto kita ng paborito mong sinigang na baboy." Masayang sabi ni lola saka naman ako tumango.

"Ay, ilalagay ko po muna 'to sa itaas--"

"Hindi na, apo." Tumingin s'ya sa isang katulong na papunta na rito. "Sa'n ka ba galing, Daisy?"

"Sorry po, madam. Nag pakain pa po kasi ako ng mga alaga n'yo sa labas, e."

"Hay, naku, osya-sya. Paki-akyat nalang 'yung mga bagahe ng apo ko sa itaas ng kwarto n'ya. Alam mo naman kung saan, 'di ba?" Tumango naman 'yung maid saka dali daling kinuha 'yung mga bagahe ko. "Hayaan mo na s'ya r'yan, apo. Sumunod ka sa'kin sa may hapag kainan."

Hindi na 'ko nag atubiling sumunod kay lola at simula nu'n'? Nagtanong s'ya kung kumusta na 'ko. Kung nakakakain na naman ba ako nang maayos at kung ano 'yung mga gawain sa puder ng mga madre no'ng nando'n ako.

Kaso, 'di ko lang masabi 'yung tungkol sa pagitan ng pangalawa kong pamilya. 'Yung kaila papa. Ayoko lang naman na magkagulo at ma-istress si lola kapag nangyari 'yon. E, 'di kasalanan ko pa, 'di ba? Mas mabuti pa sigurong sa'kin nalang muna 'yun.

"Kung nababahala ka sa mga ipapasa mong papeles sa eskwelang papasukan mo? Nakausap ko na 'yung kaibigan kong may ari ng international school. Papasok ka nalang, bukas na bukas." Medyo nanlaki pa nga 'yung mga mata ko sa sinabi ni lola.

Malay Mo (On- Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon