Chapter 9

80 3 0
                                    

***

Medyo naging lutang ako matapos ang dalawang subjects namin, well, nakatatak pa rin sa isipan ko yung nangyari simula kaninang umaga. I don't know why nabobother pa rin ako, imbes na ipagsawalang bahala nalang? 'di ba?

Napahikab ako't nag unat unat, naramdaman ko yung pag lapit sa'kin ni Desiree, baka may ichichismis na naman sa'kin.

"Hindi muna ko makakasabay sayo, kasi tumawag yung isang friend ko. Needed ko muna mag excuse ng isang subject para mamaya, Ate Aleyn." Seryosong sabi nito sa'kin kaya napabaling naman ang paningin ko rito.

"May nangyari ba?"

"Basta, saka ko na sasabihin. Mauuna na muna ko sayo." Sabay tayo nya mula sa pagkaka upo. Pilit syang ngumiti sa'kin.

"Mag iingat ka nalang, Des." Aniya ko. Bago sya naglakad paalis ng classroom dala yung bag nya.

Napabuntong hininga ako, mukhang mag isa akong kakain ngayon. Tiningnan ko yung ibang kaklase ko na konti lang yung lumabas para mag break time. Saka na ko tumayo para lumabas na rin.

Sa lawak ng school na 'to, parang   maliligaw ka kapag hindi mo kabisado yung pasikot sikot dito sa campus. You know, kawawa ka pag naligaw ka talaga. Pero para sa'kin? Mga ilang araw palang, nakakabisa ko na yung bawat daan dito, kaya medyo hindi na ko namomoblema.

Nag stop by muna ko sa may vending machine, nag hulog ng 10php para kumuha ng bearbrand drink. Nag bend down ako para kunin yon saka ako naglakad ulit. Naisipan ko munang lumabas ng building para mag libot libot.

I feel at peace kapag ganitong mag isa ako. Ever since naman noong bata ako, hanggang nag elementary ako. Mag isa na talaga ako. It's just that, I like being alone. Hindi naman malungkot o ano, mas gusto ko lang talaga yung tahimik, yung walang mangengealam sayo, yung walang manggugulo sayo.

Nakarating ako sa soccer field at doon ako tumambay sa may ilalim ng puno. Umupo ako ron sa may damuhan habang umiinom ng gatas.

Well, being alone helps you to fix your problems by yourself. Hindi mo need ng iba, as usual, sarili mo lang ang makakatulong sayo.

Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa malayo. Napapikit ako at dinamdam ang hangin na tumatama sa'kin.

"Can I join?" Agad akong napamulat at nagulat dahil kilala ko kaagad ang boses na yon.

"Y-yohan.." nakangiti ito sa'kin ng bahagya habang pinagmamasdan ang kabuoan ko. Para syang naaaliw sa nakikita nya sa'kin.

Kumakalabog na naman yung dibdib ko dahil sa kanya.

"Ikaw bahala." Tipid na sagot ko habang hindi nakatingin sa kanya. Naramdaman ko naman na umupo sya sa tabi ko habang hawak hawak nya yung Gatorade.

"I just noticed.. you like distancing yourself from others. I always watching you silently." Aniya.

"Hindi lang talaga ako sanay na makisalamuha o makisama sa iba," sagot ko habang nakatingin sa malayo at niyakap ang mga tuhod ko habang hawak hawak ang drink ko. "Mas nagiging payapa yung isipan ko pag mag isa ako.."

"Well.. you won't feel at peace right now, coz I'm here," napatigil ako sa sinabi nya, at parang malalagutan ako ng hininga dahil sa sunod nyang sinabi, "I wanna tear down those walls you build..for you to see me, not anyone else, but me.."

*Dug-dug-dug-dug*

Nagtama ang paningin naming dalawa, at mukhang kanina pa sya nakatitig sa'kin. Parang naghuhuramentado lalo ang pakiramdam ko, na parang lalong lumala. Parang mawawalan ako ng hininga. Nagwawala yung hawla na nasa dibdib ko na parang gusto nang lumabas.

Malay Mo (On- Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon