*****
.
.
Nagising ako sa alarm clock ko kaya kinapa kapa ko iyon sa may ibabaw ng drawer para patayin. Napahikab ako't saka nag unat unat. Naalala kong may lakad pala kami ni Troy this morning. Kaya napaisip ako if anong susuotin ko this Saturday.Bumangon ako't chineck yung phone ko. May message agad. Kaya tiningnan ko.
Troy:
Goodmorning, Miss Pajama girl~ mga bandang 9am, I'll fetch you there. May pinuntahan lang ako saglit hehe..
Bahagya akong napangiti bago nag reply kay Troy.
Me:
Magandang araw din, Troy. Kakagising ko lang. Kaya ayos lang sa'kin na medyo matagalan ka, hindi naman ako nagmamadali.
Kumuha na ko ng twalya sa may drawer at dumiretso na sa CR para maligo. Baka mayamaya andyan na si Troy, then hindi pa 'ko nakakapag ayos. First time ko lang may nag aya sa'kin ng ganito. Kaya napapaisip ako kung anong mas okay na suotin pag may ganitong lakad.
Nang matapos kong ayusin yung sarili ko sa salamin habang nag titirintas ng buhok. One braided nalang muna, then napatingin ako sa potter glasses ko. Hindi ko nalang muna susuotin. Nag suot ako ng jogger gray pants with oversized white T-shirt na may tatak na "positive mindset is the key to success". Sinuot ko rin yung rubber shoes kong world balance na kulay gray white matching black.
Chineck ko muna sarili ko bago kunin yung one strap small body bag ko na kulay black. Nandito na sa loob yung phone and etc. Then nag pabango bago lumabas ng kwarto. Bumaba na ko ng hagdan at nagpaalam kaila Lola na may lakad ako with a friend.
"Basta apo, pakisabi sa kasama mo na 'wag kayong gagabihin masyado, ah? Mag iingat kayo." Ani ni Lola sa'kin kaya napatango at kumiss sa pisngi n'ya bago na ko naglakad papalabas ng bahay.
Nang makalabas ako ng bahay ay kitang kita kaagad mula rito yung sasakyan ni Troy na kulay asul. Nang maisarado ko yung gate ay nakita ko syang nakasandal sa kotse at tumitingin sa paligid, bago mabaling ang paningin nito sa'kin.
Nakasuot sya ng polo shirt na kulay gray with dark blue pants. Aaminin kong gwapo si Troy. Kahit sino'y mapapatingin sa kanya. Pwede nga syang maging modelo kung tutuusin.
Napatitig ito sa'kin habang sinusuri ang buong itsura ko. Ngumiti ito.
"Simple but cute, I like your style.." parang out of the blue nyang sabi habang nakatitig pa rin sa'kin. Medyo nailang ako.
"A-ahh.. kararating mo lang ba?"
"Kanina pa 'ko nandito, hinihintay ka." Sagot naman nito kaya naglakad ako para lumapit na.
"Hala, ba't hindi ka man lang nag text sa'kin? Para papasukin agad kita sa bahay namin." Ani ko rito kaya umiling naman sya habang nakangiti.
"Kung papasok man ako, baka malapa ako ng alaga mong aso if meron ka," natatawa nyang sabi. Napangiwi naman ako.
"Baliw, wala naman kaming aso." Sagot ko at umalis naman sya mula sa pagkaka sandal mula sa kotse nya, agad nya akong pinagbuksan ng car door.
"Kidding, anyways. Sakay na." Bahagya akong napangiti bago sumakay sa may passenger seat saka n'ya 'yon isinarado bago pumunta sa kabila para sumakay sa may driver's seat.
"By the way," napabaling naman ang paningin ko sa kanya. Habang sya naman e, nag da-drive. "Kumain ka na ba?"
"Hmmm.. hindi pa, ikaw?"
"Great, same lang din. Tara muna sa may--- saan mo ba gustong kumain first?" Tanong nya habang nakatutok ang paningin nya sa kalagitnaan ng kalsada.
"Kyoto ramen nalang. Ang alam ko, may buy 1 take 1 sila this week." Sagot ko naman habang nakatingin din sa daan. Kitang kita sa peripheral vision ko na sumulyap pa sya sa'kin bago magsalita.
BINABASA MO ANG
Malay Mo (On- Going)
Romance••••••••••••••••••••••••••••••••••• ●[Darkwolves Series #2]● ••••••••••••••••••••••••••••••••••• ○ Yohan Winchester ○ *********************************** Nangarap ang isang dalagita na magkaroon ng isang masaya at maayos na buhay. Simple lan...