Chapter 3

194 6 0
                                    

****
Sa paglapit n'ya palang dito sa direksyon namin ay ang unti unting pagkabilis ng tibok ng puso ko, nalilito kung bakit ganito ang aking nararamdaman. Sapagkat, ngayon ko lang 'to naramdaman sa buong buhay ko. 'Di ko alam kung saan ako titingin, kung kaya't napatingin nalang ako sa ibaba, sa mga pares ng sapatos ko.

"What's up? And who's this girl?" Unti unti ko namang na-recognize ang kanyang boses. Parang kaboses n'ya yung lalakeng nakasuot ng dark blue na hoodie. At kung s'ya nga? Bakit.. bakit sobrang gwapo n'ya? Nakakailang, nakakakaba masyado.

"Oh, she's the one who saved my life kanina, kuya, and her name is Aleyn, hehe." Masayang sagot ni Desiree kay Yohan. Napatingin ako sa mga pares ng sapatos n'ya. Makinis, maayos at mukhang bagong bago.

"Really? Haha, that's nice, I already seen her lately," batid kong nakangisi s'ya habang nararamdaman ko ang kanyang paningin sa'kin. Pero, mabalik tayo, nakita n'ya na raw ako? Jusko po. Eh, hindi ko nga s'ya nakita o nakilala.

"Weh, kuya? Ito? Nakita mo na?"

"Haha, oo nga, kanina sa may walter, 'di ba?" Sabay baling n'ya sa'kin kaya kinabahan ako lalo, dahil ramdam na ramdam ko ang mga paningin n'ya sa'kin.

"H-ha? Ehh..ngayon lamang kita..nakita." kabadong sagot ko habang hindi nakatingin sa kanya.

"Hmm..I'm the one who's wearing the dark blue hoodie. We already seen each other at the music store." Na dahilan para mapatingin ako sa kanya. Pero agad 'yon binawi at napatingin ulit sa mga pares ng sapatos ko. "Pfft, cute but, weird." Sambit n'ya.

"Oh, well, I have to go," dagdag n'ya pero hindi itinuloy, kaya unti unti akong napaangat ng tingin sa kanya, na akala ko'y hindi na s'ya nakatingin sa'kin, pero nagkamali ako. "And see you later, Aleyn." Na ikinalunok ko, at higit pa roon ay ang pagbanggit n'ya ng aking ngalan.

Nang makaalis na s'ya, ay tinadtad naman ako ng mga tanong ni Desiree. Kaya napatingin naman ako sa magiging schedule ko na kanina ko pa hawak-hawak. Nasa second floor ang magiging classroom ko, kaya napabuntong hininga ako. Kung kaya't doon din ang classroom ni Desiree. Bahagya naman akong napangiti.

Pero, hindi ko masyadong natitigan nang mabuti ang kanyang mukha, dala na rin siguro ng sobrang kaba't hiya. At higit pa roon, yung nararamdaman ko na kanina ko lang naramdaman. Para bang hinahabol habol ko ang aking hininga nung papalapit na s'ya sa'min. 'Di ko naman alam kung bakit. Para nga akong aatakihin sa puso sa sobrang bilis nang pagtibok.

"Ate Aleyn?"

"H-huh? Bakit?" Nahihiya kong tanong, kaya naman napangisi s'ya.

Bale, magkatabi kaming dalawa ng upuan dito sa silid aralan. Nakakahiya dahil kanina pa pala ako lutang mula sa kakaisip kanina, lalong lalo na sa lalakeng iyon. Masyado akong na-distract.

"Ang gwapo ng Kuya Yohan ko, 'no? Aminin mo." Mapang asar na tanong n'ya sa'kin na ikinainit ng magkabilang pisngi ko.

"Hala ka, ba-ba't ganyan ang tanong mo?" Nahihiyang pabalik ko namang tanong sa kanya. Humalumbaba pa s'ya sa kanyang desk habang nakangising nakatingin sa'kin.

"Halata kasing..natulala ka kanina nung nakita mo s'ya, ayieee~"

"Nako, tumigil ka nga," naiilang na sagot ko't napatingin pa nga ako sa paligid saka tiningnan ulit s'ya pabalik, "hindi totoo 'yon, nag iilusyon ka lang, Desiree."

"Hmm..sige, sabi mo e." Nakangisi pa rin n'yang sagot kaya napailing nalang ako, at maya maya pa'y dumating na ang prof namin kung kaya't napaayos na 'ko mula sa pag kakaupo.

Ang kinuha ko kasing kurso ay BADM, basta tungkol ito sa digital arts at kung anu ano pa about sa pag guhit. Mahilig din kasi akong gumuhit noong bata pa 'ko. May magbigay lang sa'kin ng sketch pad at pang kulay? Tuwang tuwa na 'ko. Maski noong elementary palamang ako, noong mga oras na 'yon, kapag may ipapaguhit sa'min ang aming guro? Maraming nag aangalan, kesyo hindi raw sila marunong gumuhit, pero ako? Natutuwa ako sa loob loob ko.

Malay Mo (On- Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon