Chapter 6

265 6 0
                                    

*****

Ilang segundo pa'y nauna na akong umiwas ng tingin mula sa kanya. 'Di ko maintindihan, pero tila natutuwa ako sa mga binitawan n'yang salita. Napatingin na lamang ako sa bintana habang hinihintay namin ang dalawa.

Sa pagkakataong 'yon, may mga ideya na 'kong ita-type mamaya sa laptop ko. I guess, ia-attouch ko nalang ang mga nararamdaman ko, 'yun bang sa isang tao ko lang talaga nararamdaman. Babalik na siguro ako sa pagsusulat ng kwento.

Maya-maya pa'y dumating na silang dalawa na mukhang nagkakachikahan pa't nagtatawanan, habang naglalakad papunta sa kotse. Bahagya akong napangiti dahil silang dalawa palang ang kaibigan ko na babae, ay hindi, tatlo pala. Kasama si Tiffany. Bibihira lamang akong pumayag na makipag kaibigan sa'kin ang mga babae.

Pagkapasok nila sa loob ng kotse, "Oh, Ate Aleyn," sabay may iniabot sa'kin si Desiree na box of donuts, kaya medyo nakaramdam ako ng hiya kung tatanggapin ko ba o hindi.

"Para sa'kin ba 'to? N-nakakahiya." Sabi ko saka dahan dahan kong inangat ang mga kamay ko para tanggapin 'yon. Ngumiti naman s'ya ng malapad habang nakatingin sa'kin.

"'Wag ka nang mahiya pa sa'kin, Ate Aleyn, hehe. You deserve it naman e." Sagot ni Desiree habang nakangiti pa rin at saka ko naman binuksan ito. Napangiti ako dahil ngayon lang ako nakatanggap ng ganito. Bale, majority, ako yung bumibili para sa sarili ko. Minsan pa nga tumatanggi ako na gusto nila akong ilibre. Ayoko lang naman na gumastos sila.

"Salamat.." tanging sagot ko matapos kong isara ang box ng donuts.

Nauna nilang ihatid si Cindy sa isang exclusive village, tutal medyo malapit lang naman s'ya sa school. Masasabi kong mansion ang tinitirhan n'ya dahil sa sobrang laki ng bahay. Kumaway pa s'ya sa'min ni Desiree bago buksan ang kanilang gate.

"So, Ate Aleyn. Saang village ka ba nakatira? Maraming alam si Kuya Yohan, hehe." Ani Desiree kaya napatingin naman ako kay Yohan na abala sa pagmamaneho.

Medyo nahihiya ako magsalita, pero sa totoo lang gusto ko na rin umuwi e. 'Di ko talaga kayang tagalan ang presensya ni Yohan until now. Naiilang at kinakabahan ako.

"Sa..  s-sa ano, sa may tabi lang ng Lucky Hardware. High way kasi kung saan ako nakatira." Sagot ko kaya kitang kita ko naman ang pagtango ni Yohan nung napatingin ulit ako sa kanya.

Agad kaming tumigil sa may kabilang kalsada at kitang kita ko na hinihintay ni Yohan na makadaan muna yung ibang sasakyan bago n'ya imaneho sa kaliwang kalsada. Matapos 'yon ay minaneho n'ya na yung kotse papunta sa tapat ng gate namin.

"Ang laki rin ng house n'yo, Ate Aleyn. It looks like a touch of a spanish era style." Sabi ni Desiree kaya bahagya akong napangiti bago magsalita.

"Matagal na ang bahay na 'yan. Kay lola at lolo 'yan, it was build from 1880." Sabi ko naman, saka isinukbit ang bag ko pero bahagya akong napatigil nung naramdaman ko yung titig. Napatingin ako kay Yohan na ngayo'y nakatitig sa'kin sa rear mirror, agad akong napaiwas ng tingin. Nakakahalina ang pagtitig n'ya. 'Di ko maintindihan.

Nang makababa na 'ko mula sa kotse, "mag.. mag iingat kayo sa pag uwi." Bahagyang ngiti ko habang nakatingin kay Desiree.

"Ikaw rin, Ate Aleyn." Sagot ni Desiree at napatingin naman ako kay Yohan na ngayo'y nahuli kong sumulyap sa'kin, o baka namamalik mata lang ako.

"Sa-salamat ulit." Sabi ko at para kay Yohan 'yon dahil hinatid n'ya talaga ako papunta rito. Agad na 'kong tumalikod saka nagmartsa para buksan ang gate at saka ako pumasok at isinara 'yon. Sinulyapan ko pa sila na mukhang hinintay lamang akong makapasok.

Nang hawakan ko na ang doorknob ay narinig ko mula sa aking likuran ang pag harurot ng kotse paalis. Napabuntong hininga ako saka binuksan ang pinto upang makapasok na sa loob. Nang makapasok naman ako ay naririnig ko ang tunog ng television mula sa sala. Batid kong si Grace o kaya si lola ang nanonood.

Malay Mo (On- Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon