******
'Di maalis sa aking isipan ang mga pangyayaring iyon. Hindi lang talaga ako makapaniwala na ngumiti't tumitig muna s'ya sa akin bago i-shoot ang bola sa ring. Halos kiligin naman si Desiree dahil sa nasaksihan n'ya ngayon. At ako? Hindi makapagsalita at nanatiling nakatingin lamang kay Yohan na ngayo'y nag papahinga sa may upuan katabi ng isa n'ya pang kasamahan.
Napahawak ako sa aking dibdib. Masyadong mabilis ang pagtibok ng puso ko, 'di ko maintindihan pero, sa loob loob ko'y lubos akong natutuwa. 'Di ko alam kung saan o kung paano ko maipapaliwanag, basta dahil ata sa naidinulot ni Yohan. Masyadong mabilis ang mga pangyayari, parang bumagal ang takbo ng oras.
'Di ko lang maiwasan na pag masdan si Yohan mula rito. Bahagya akong napangiti, kung mag isa lang siguro ako? Baka nagsisisigaw na 'ko sa aking unan habang may kilig na nararamdaman. Gusto ko man na tanungin si Yohan, kaso nahihiya ako.
"Uyyy~ si ate--" siko sa'kin ni Desiree pero sinaway ko 'to.
"'wag ka nga," saway ko pero palihim akong bahagyang nakangiti.
"Tara, lapitan natin si Kuya sa baba." Pag aaya ni Desiree, kaso umiling ako at binaling ang tingin kay Yohan na nag aayos ng gamit sa bag.
"Ikaw nalang."
"Hala, bakit? Dali na." Sabay hila pa nito sa'kin kaya napabuntong hininga ako at walang nagawa.
Habang naglalakad kami ay iniiwasan kong mapabaling yung tingin ko kay Yohan, baka manlambot yung mga tuhod ko pag nagkatinginan kami. Ewan ko ba sa sarili ko't nagkakaganoon ako.
Hindi ko namalayang nasa harapan na namin si Yohan at naramdaman kong napatingin din ito sa'kin, habang ako naman ang nakatingin sa may bleachers.
"Ang galing mo kanina, Kuya! Nako, kung alam mo lang na napahanga mo--" agad kong tinakpan yung bibig ni Desiree at napakunot noo naman itong napatingin sa'kin. Ang daldal talaga ng kapatid ni Yohan, jusko.
Napatingin naman ako kay Yohan na napangisi at napailing bago pa man ito mapatingin ulit sa'kin. "Thanks for watching our mini game practice, Aleyn, I didn't know na pupunta ka." Bahagyang nakangiting sabi ni Yohan sa'kin.
Napayukom yung isang kamay ko na nasa likuran, at hindi alam kung saan ibabaling yung paningin ko, kung sa mga sapatos ko ba, o sa court.
"Wa...wala 'yon, sinamahan ko lang si Desiree para manood ng practice n'yo." Sagot ko na hindi pinahahalatang kinakabahan habang kaharap sya ngayon. Para bang naghuhuramentado yung pakiramdam ko when it comes to him.
"Tutal, mag brebreak time naman, sasama na rin ako sa inyo." Pasimpleng ngiti nyang sabi habang nakatingin pa rin ito sa'kin.
"Pre, mamaya may meeting sabi ni Papi Ryle," singit nung lalakeng mukhang hapon at saka ito napabaling sa'min. "Hi! Adrian nga pala." Nakangiting pakilala nito sa'kin.
Ginatihan ko rin ng ngiting hindi umabot sa mga mata ko, "Aleyn." Tanging sagot ko.
Napa "ohh" naman yung expression ng lalakeng 'to saka binaling yung tingin nito sa isang nakaupo habang nakangisi.. si Troy?
Napansin din kami ni Troy at ngumiti rin ito sa'kin. Pero sinamaan naman nito ng tingin si Adrian na kanina pa nakangisi.
Nawala ang atensyon ko sa kanila nung bigla nalang akong hinila ni Desiree, at hindi ko alam kung anong pinag usapan nila ni Yohan dahil na preoccupied yung isip ko kaila Adrian at Troy.
"It seems you know each other.." napabaling naman yung paningin ko kay Yohan na ngayo'y katabi ko lang na pinagigitnaan ako ng dalawang magkapatid.
"H-ha? Sya kasi yung tumulong sa'king makapasok sa gate nung nakaraang araw." Hindi makatinging sagot ko habang naglalakad kami papuntang cafeteria. Narinig ko syang napabuntong hininga.
BINABASA MO ANG
Malay Mo (On- Going)
Romance••••••••••••••••••••••••••••••••••• ●[Darkwolves Series #2]● ••••••••••••••••••••••••••••••••••• ○ Yohan Winchester ○ *********************************** Nangarap ang isang dalagita na magkaroon ng isang masaya at maayos na buhay. Simple lan...