*****
After kong makapag review about sa last na tackled namin bago mag uwian, nakababad pa rin ang tingin ko sa kisame habang yakap yakap ang unan. Tiningnan ko yung isang kamay ko kung saan hinawakan ni Yohan nung nasa cafeteria kami. Nakagat ko ang ibabang labi ko habang inaalala pa rin 'yon, at mukhang matatagalan bago ako makatulog.
Ano ba yan..
Siguro maraming magagandang babaeng aattend sa mansion nila, panigurado, ako yung pinaka least at hindi maganda ang susuotin. Ayoko rin naman na mag abala pa sila lola na pag suotin ako ng magandang dress para sa party. I hate catching their attentions. Malabo akong pamansin, unless, kapag kapatid na ni Yohan yung kasama ko.
Nag ooverthink na naman ako, ito yung ayaw ko. Sumasakit lalo ulo ko pag iniisip ko lalo yung mga negatibong mangyayari. 'wag nalang kaya ako pumunta? Kaso nakakahiya naman if hindi ako magpapakita roon, worst, baka magtampo sa'kin si Desiree. Hayss.. pa'no ba 'to?
Naisipan kong bumangon, tutal mag aalas otso palang naman ng gabi. Still on my pajamas with sleeping suit na color black. Nag suot ako ng tsinelas at nag face mask dahil hindi pa ko nakakapag skin care. Nag tali na rin muna ko ng buhok ko't kinuha yung phone at wallet ko bago lumabas ng kwarto.
Pag kababa ko ng hagdan ay mukhang tahimik ang sala at kusina, as usual maagang natutulog sila lola. Ewan ko lang kay Grace baka gising pa yon.
Nang makalabas ako ng bahay ay tumingin muna ko sa paligid bago buksan yung gate. May ilang nakabukas pang ilaw sa mga poste saka ako naglakad papuntang 7/11 para bumili ng Mi-goreng canton at Ramyun spicy noodles. Dahil nagce-crave na naman ako.
Tumingin muna ko sa kalsada bago tumawid, dahil nasa kabilang kalsada pa 'yon.
Nang nakarating ako ng 7/11 ay agad akong pumasok dahil malamig sa labas. May ilan pang tao rito sa loob kaya pumunta agad ako sa noodles area.
Nakita kong da-dalawa nalang yung Mi-goreng sa baba ng shelves kaya dali dali ko yung kinuha kaso may isang kamay din ang kukuha non, kaya agad akong napaangat ng tingin.
"T-troy?! / Ikaw?" Sabay pa naming sambit. Habang ako naman ay gulat na gulat nung makita sya na nandito rin.
Agad akong bahagyang lumayo sa kanya at nahiya. Napakamot naman sya sa kanyang batok, naka baba ang face mask nito na kulay itim at naka hoodie itong gray with matching cap na black.
Bahagya syang natawa bago magsalita, "malapit ka lang ata dito, I guess?"
"Ahhh.. Oo, dyan sa kabilang highway yung bahay ko." Napagtanto kong bibilhin nya rin ata yung Mi-goreng, "kunin mo na kaya yung Mi-goreng, da-dalawa nalang yan, oh." Ani ko rito.
"Nah, I changed my mind, tig isa nalang tayo nyan. Favorite ko yan pag midnight snack, ikaw din siguro, 'no?" Nakangiting tanong nya sa'kin, kaya napabaling naman yung tingin ko sa kawalan.
"Hmm.. Oo, malapit ka lang ba rito?" Saka kinuha yung dalawang Mi-goreng, tas inabot sa kanya yung isa. Napangiti syang tinanggap 'yon.
"Yup, basically, I didn't expect na dito ka rin, what a small world seeing a beautiful girl in here." Medyo nabingi ako sa sinabi nya, beautiful girl? Asan? Imposible naman ako, hindi ako maganda.
"Sinong bang beautiful girl? Tayo lang naman nandito,"
"Ikaw."
"H-ha?"
"Hahaha, nevermind, let's go." Natatawang sabi nya. Kaya umiskwat ako para kuhanin yung dalawang ramyun na nasa babang shelves bago tumayo. "Wait, you eat that?" Kunot noo nyang tanong.
BINABASA MO ANG
Malay Mo (On- Going)
Romance••••••••••••••••••••••••••••••••••• ●[Darkwolves Series #2]● ••••••••••••••••••••••••••••••••••• ○ Yohan Winchester ○ *********************************** Nangarap ang isang dalagita na magkaroon ng isang masaya at maayos na buhay. Simple lan...