******
.
."Ohh.. she's your partner, Yohan?" Bahagyang ngising tanong ng chinitong 'to sa kanya. Habang ako? Natameme, worst? Hindi pa rin nagsisink sa utak ko na hinawakan ako ni Yohan sa mismong bewang ko.
"So, is there any problem with that, Ryan?" Pinanliitan ni Yohan ng mga mata saka umiling naman yung Ryan.
"Nothing. Masyado ka namang seryoso. Masama bang nagandahan ako sa kasama mo?" Tanong naman nito habang nakangisi. Magsasalita na sana ako nang dumating si Desiree.
"Huy! Ate Aleyn!" Masayang bungad sa'kin ni Desiree at saka ako hinila mula kay Yohan. "You're so beautiful! Muntik na kitang hindi makilala, ah?" Nakangisi nyang saad at napatingin ito kay Yohan na kanina pa ko pinagmamasdan.
"Uy, grabe ka naman.." medyo nahihiya kong sabi sa kanya.
"Right, Kuya Yohan? Ang ganda nya, 'no?" Ani pa nito kay Yohan at ako naman ay napalunok bigla na hindi makatingin kay Yohan.
"She's literally gorgeous.."
Namula ang buong mukha ko dahil sa sinabi nya, na halos nag huhuramentado yung sistema ko. Imagine that, sabihan ka ng taong gusto mo na maganda ka? Parang kulang nalang mahimatay na ko at mapatili sa loob loob ko.
"Ayieeee!! Ano ba 'yan! Kinikilig ako sa inyo, ano ba?!" Tuwang tuwang marahang pag alog sa'kin ni Desiree saka ko sya sinaway habang pulang pula ang buong mukha ko.
"Shhh!! Jusko, tumigil ka nga!" Mahinang sambit ko at napangisi lalo ang loka. Saka ako hinila para maglakad.
"Mom! Mom!" Tawag ni Desiree nung napatigil kami sa may area ng ibang nagkukwentuhan, tabi no'n ang catering.
Napalingon ang isang babaeng maganda na nasa edad 30s ata kung titingnan. Naka baby blue dress ito na may hawak hawak na glass of wine. Ngumiti ito sa'min saka kami nilapitan.
Wait.. mommy nila 'to? Ang ganda nya!
"Mom, this is my best friend, Aleyn. She was the one I'm talking about. You know? She saved me from the bullies." Pagpapakilala sa'kin ni Desiree sa mommy nya. Kaya medyo nahiya ako dahil nginitian nya ako.
"I'm Erina Jade Winchester, nice meeting you. Aleyn." Nakangiting pakilala sa'kin ng mommy ni Desiree.
"Nice meeting you too po, Ma'am."
"Don't call me, Ma'am. Tita nalang instead." Medyo nagulat ako nung hinawakan nya ang mga kamay ko. "You're such a beautiful girl." Saad pa nito habang nakangiti sa'kin. Bahagya akong napangiti rin dahil sa sinabi ng mommy ni Desiree.
Mukhang namana ni Yohan sa mommy nya ang gilas at pagiging approachable nito. Ewan ko nalang sa ama nila, if anong namana ni Yohan doon.
"S-salamat po.. Tita Erina."
"By the way, where's your kuya?" Tanong ni Tita Erina kay Desiree.
"Andon po sa mga friends nya." Sagot naman nya. Napatango si Tita Erina bago ibaling ang paningin sa'kin saka ito ngumiti. "Let's have seat sa may dining area, hija."
.
.Kinakabahan ako lalo at hindi makatingin ng diretso sa kanila habang nakaupo ako sa harapan ng dining table. Katabi si Tita Erina at Desiree.
"Uy! Kuya Yohan! Here!" Tawag ni Desiree si Yohan kaya napahigpit ang pagkakahawak ko sa dress ko.
"Kanina pa ba kayo nandito?" Tanong nito.
"Yup, kanina ka pa nga hinihintay ni Mommy e." Nakangusong sabi ni Desiree.
Napaangat ang tingin ko at nagtama ang paningin namin ni Yohan na dahilan para kumabog ang dibdib ko. Parang gusto ko nalang magpakain sa lupa, ngayon mismo. Napaiwas ako ng tingin at nakagat ko ang ibabang labi ko nung sa tapat ko sya umupo.
BINABASA MO ANG
Malay Mo (On- Going)
Romance••••••••••••••••••••••••••••••••••• ●[Darkwolves Series #2]● ••••••••••••••••••••••••••••••••••• ○ Yohan Winchester ○ *********************************** Nangarap ang isang dalagita na magkaroon ng isang masaya at maayos na buhay. Simple lan...