Unending Love

2K 17 1
                                    

Tutol pati Titulo

Mahal, tanda ko pa no'ng hiningi ko ang matamis mong "oo".
Tandang tanda ko pa, dahil kaarawan ko noong naging tayo.
Iyon na siguro mula sa 'yo ang pinakamagandang regalo.
Araw na doble ang saya, ipinagdiwang nating pareho.

Matatapos ka na sa kolehiyo noon no'ng sinagot mo 'ko.
Evening class ka at sinusundo ka namin nang sabay ng tatay mo.
Nagpanggap pa nga akong bakla para 'di niya mahalatang tayo.
Natatawa pa rin nga ako 'pag naaalala ko 'yong sinabi kong, "Hi tiytow, ako po si Eve, bes ng anak niyo".

Naalala mo pa ba, no'ng graduation mo, ako 'yong naging dakilang photographer.
Click doon, click dito, makuhanan ko lang kayo ng magandang litrato ng 'yong mother.
Medyo nainis lang ako no'n mahal, kasi isa lang ang picture natin, blurred pa ang kuha ng 'yong brother.
Pero it doesn't matter, ang mahalaga'y unti-unti na nating natutupad ang ating pangarap together.

Mahal naaalala mo pa ba, no'ng nagkaroon na tayo ng trabaho.
Sabay tayong pumapasok, hatid, sundo kita sa bahay niyo.
Nguni't mahal biglang gumuho ang aking mundo.
INIWAN mo ako sa ika-pitong anibersaryo natin, sakto.

Sakto mahal, tiyempo nga naman ng kapalaran.
Anibersaryo natin, birthday ko, tsaka ka pa lumisan.
Mahal naman, bakit gan'yan? Ang dali mo akong sinukuan.
Hindi ko alam pa'no magpapatuloy sa iniwang laban.

Gabi-gabing umiiyak, araw-araw tuliro.
Hindi ko tiyak kung kailan ako hihinto.
Para akong sinasaksak nguni't ayaw dumanak ng dugo.
Para akong mabibiyak nguni't ayaw ko namang sumuko.

Ngayon, ako na lang ang nakaka-alala ng lahat.
Lahat ng ating paghihirap, kasiyahan, ligaya at mga sugat.
Mag-isa na lang akong tumitingin sa mga litrato't mga sulat,
Na ating sinisikap na dumami at umabot hanggang kulubot na ang balat.

Ayaw kong ilagay ang pangalan mo sa nilalaman ng tulang ito.
Tutol ang puso ko, TUTOL PATI TITULO.
Dahil pinangako kong di ko na sasambitin ang pangalan mo.
Sapat na sigurong alam mong inaalay ko ang tulang 'to para sa 'yo.

Ika-walong anibersaryo na natin ngayon mahal, ika-unang anibersaryo rin ng iyong pagkamatay.
Hindi ko pa rin matanggap na sa piling ko, permanente na ang pagkawalan mo ng malay.
Hindi ako bumagal, sa pag-aasam na sa tamang oras kita maihahatid sa inyong bahay.
Hindi ko inisip na sa pagbilis ko'y may mawawalan pala ng buhay.

Minsan naiisip ko, tapusin na rin ang buhay ko para magsama na tayo sa paraisong walang lumbay.
Kaso naisip ko rin na kasalanan ang magpakamatay at sa baba ang paghihirap ay walang humpay, 
Baka rason pa 'yan na pati sa kabilang buhay, tayo pa'y magkahiwalay.
Kaya ngayon, ako na lang ay naghihintay, naghihintay ng araw na ako naman ang mahimlay.

Sa bawat pagbisita ko sa 'yong puntod, ang luha'y tumatagaktak.
Siguro mahal tinatawanan mo ako diyan sa langit 'no, ang pangit ko kasing umiyak.
Hindi ko kasi mapigilan mahal ang walang humpay na pagpatak,
Ng luhang patuloy sa pag-agos, naalala ang masayang araw na sandamakmak.
Pinipilit mabuo ang puso, pero paano kung wala na ang aking kabiyak?

Tutol ang pagkakataon, nawala ka, iniwan ako kaagad.
Tutol ang mga pangyayari, sinaktan ako nang sagad.
TUTOL PATI TITULO na ang pangalan mo ang s'yang bubungad,
Sa paulit-ulit kong pagbabasa ng talambuhay ng pag-iibigan nating sa lahat ay inilahad at inilantad.

Masakit mahal, pero alam kong may plano ang Dios.
Nagkakalakip-lakip ang mga bagay upang ang lahat ay maayos.
Kaya 'wag kang mag-alala mahal, magiging malakas ako't sasabay pa rin sa agos.
Alam kong darating din ang araw, na ang pangungulila ko'y matatapos.
At magsasama rin tayo, sa paraisong sa pag-iibigan nati'y tutubos.

Hintayin mo 'ko mahal, malapit na, hintayin mo ako! 
Wala nang tututol kahit ano, sino, kahit man titulo.
Sa pagsambit ko nang muli sa pangalan mo nang walang tinik sa puso.
Kasama ka diyan sa langit at sa wakas matupad na ang pangarap mong maikasal tayo sa harap na ni Kristo.

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon