#SpokenForTheManWhoBrokeMyHeart

1.6K 30 9
                                    

"Ito na siguro ang huling beses na gagawan kita ng tula.

Siguro hindi pa ako handa na kalimutan ka, pero kailangan na talaga.
Siguro nga siya talaga ay mahal mo pa at ako'y ginawa mo lang panakip butas sa ala-ala nyong dalawa.
Siguro nga wala akong halaga dahil hindi mo makita kung sino ang nandyan noong siya nwala.

Oo nga pala. 
Panakip-butas lang pala ako. Ewan ko rin kung bakit ako nagdradrama ng ganito.
Panakip-butas lang pala ako. Kaya bakit ko kailangan na iyakan at gawan ng tula ang taong kahit kelan hindi ako binigyan ng halaga?
Panakip-butas lang pala ako. Kaya dapat alam ko na, na lahat ng ito ay mapupunta sa wala.
Panakip butas mo nga lang pala ako.

Hindi na ako magtataka kung bakit hindi mo kayang gawin sakin lahat ng ginagawa mo para sakanya dahil unang una palang alam ko na, alam ko na wala talaga akong halaga.
Unang una palang alam ko na, na lahat ng ito ay mapupunta sa wala.
Unang una palang alam ko na, na hindi mo ako magagawang mahalin katulad ng pagmamahal mo sakanya.
Unang una palang alam ko na, na hindi ako magiging sya.

Haha! Ang saya diba?
Ang saya na makita kang masaya na sakanya.
Ang saya na makita kang nakangiti habang kasama mo siya.
Ang saya na makita na kumikislap na ulit ang mga mata dahil katabi mo na siya.
Ang saya na makita kang masaya na sa piling nya.

Pero lahat ng saya sa mga mata mo na nakikita ko sayo ngayon ay kabaliktaran naman dito sa mga luha na tumutulo sa mga mata ko ngayon.
Lahat ng ngiti ko noon habang kausap ka ay kabaliktaran naman kung bakit ako nalulungkot ngayon.

Kahit panandalian lang tayo, alam mo na minahal kita ng totoo.
Kahit panandalian lang tayo, alam mo na lagi parin akong nandito para sayo.
Kahit panandalian lang tayo, iniyakan kita ng todo dahil akala ko ako ay iyong sineryoso pero mali ata ang hinala ko dahil panakip butas mo lang nga pala ako.

Masakit na malaman na kayo na pala ulit
Inantay mo lang pala ako lumisan, para sabihin mo sakanya na ikaw ay aking iniwan.
Inantay mo lang pala ako mapagod, mapagod kakaantay sayo dahil sya pa pala ang gusto mo at hindi ako.
Inantay mo lang pala ako umayaw para ika'y bumalik sakanya ng walang alinlangan at sabihin sakanya na ikaw ay aking sinaktan.

Ang masakit lang bakit hindi mo sinabi ng maaga para sana ako'y nakapaghanda.
Sana nakapaghanda akong kalimutan ka habang tayo pa.
Sana nakapagdala ako ng panyo para mapunasan ko man lang ang mga luha na tumutulo sa mga mata ko ngayon.
Sana nakapaghanda ako sa sakit na nadarama ko ngayon.

Siguro nga ito na ang huli.
Pipilitin ko ng kalimutan ka pati ang ala ala nating dalawa
Pipilitin ko na hindi ka isipin tuwing nagigising ako sa gitna ng gabi at sana ang tanging iisipin ko lang hindi kita dapat kita iyakan dahil hindi ka naman kawalan.
Pipilitin ko ang sarili ko na hindi na alalahanin kung pano mo napasaya ang tulad ko.
Pipilitin ko na hindi ka na mahalin at antayin dahil alam ko sinasayang ko lang ang oras ko sayo.

Hays, nakakapagod na.
Nakakapagod na umiyak tuwing nagigising ako sa gitna ng gabi at iniisip kung san ba ako nagkamali at kung bakit hindi ako ang iyong pinili.
Nakakapagod na umasa sayo dahil alam ko naman na hindi ako ang iyong gusto dahil naalala ko sino ba namang magkakagusto sa isang tulad ko? 
Ginawa nga lang akong panakip butas ng taong sineryoso ko.
Ginawa nga lang akong pampalipas oras ng taong pinahalagahan ko.
Kaya sabihin nyo nararapat ba sakin to?

Nararapat ba sakin na masaktan ng ganito?
Nararapat ba sakin na umiyak gabi gabi dahil sa kakaalala sayo?
Nararapat ba sakin mag-antay sa taong walang iba ginawa kundi itulak ako palayo?
Nararapat ba na umasa pa ako sayo?

Alam ko ang mga sagot sa tanong ko.
Alam ko naman na wala akong halaga sayo.
Alam ko naman na hindi ako ang pipiliin mo.
Lahat ng yon alam ko, pero nanahimik lang ako.

Dahil ayoko pang gumising sa katotohanan na hindi talaga ako ang gusto mo
Pero ewan ko ba kung huli na to.
Pagod na rin naman kasi ako.
Hindi ko alam kung ito na ba talaga ang huling tulang gagawin ko para sayo.

Kahit hindi mo nakikita ang mga tula ko para sayo asahan mo balang araw mababasa mo rin ito ng wala na akong pake sayo."

..😩😰😩😩😩😩😩😩😩

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon