Babalikan ko
Kung magkakaroon lang ako ng tsansang bumalik sa nakaraan,
Kung maaari ko lang ibalik ang naumpisahan,
Kung hahayaan lang ako ng Diyos na baguhin ang mga bagay na pinagsisihan,
Babalik ako, babaguhin ko, itatama ko lahat ng dahilan kung bakit ngayon ay nasasaktan.Babalikan ko yung oras na nagtiwala ako,
Yung oras na magiging dahilan pala ng pagiging miserable ng buhay ko.
Yung dahilan sa palaging pagkadurog ng puso ko,
Babalikan ko yung oras na minahal kita at babawian ko yung mundo na naibigay ko.Babalikan ko yung araw na ngumiti ako pabalik sayo,
Yung araw na nagumpisa sa kahibangan ko,
At nagtapos sa mga pinapangarap ko,
Yung sitwasyong pinasukan ko,
Babalikan ko yung araw na hinayaan kitang pumasok sa puso at buhay ko.Akala ko sa pagtitiwala ko ay bibigyan ako ng halaga,
Akala ko ang luha ay hindi man magkakaroon ng pagkakataong bumuhos sa aking mata,
Akala ko siya na,
Akala ko lang pala.Kung kailan iwinaksi ko lahat ng kamangmangan,
Kung kailan hinayaan kong lamunin ako ng pagiibigan,
Yun pala ang siyang magiging dahilan,
Ng paghikbi gabi gabi, na ako lang ang may alam dahil ako lang ang nasasaktan.Kahit ako ay may pagkamuhi ako pa din ang may kasalanan,
Hindi dapat ako nagdesisyon at ang sitwasyong ito ay hindi ko pinasukan.
Hindi mo nga ako iniiwan ako pa din ay nagdurusa at nasasaktan,
Sa mga kasinungalingang hindi mo kayang talikuran dahil ito ang iyong nakasanayan.Kung mababago ko lang ang nangyari na, hindi na sana kita nakilala,
Kung kaya ko lamang burahin ang aking memorya ikaw ay limot ko na.
Sinubukan ko naman, sinubukan kong baguhin ang nakaugalian mo na,
Subalit hindi ko pala kaya at araw araw ko lang nararamdaman ang pagkadismaya.Babalikan ko ang segundo
minuto,
oras,
araw,
linggo,
buwan,
taon,
Na sinayang at pinagkaabalahan sayo,
Babalikan ko ang lahat ng mga ito,
Upang hindi na ko nasaktan, upang di na ako ang naging talunan,
Upang sa gabi ay di na magpigil ng impit na hikbi at di na maging luhaan,
Upang ang tiwalang binuo ko ay di na nasira ng tuluyan......
Ang Paborito kong Pawnshop"
Babe? Mahal? Pautang naman ng iyong Atensyon.
Huwag kang mag-alala ,ang takbuhan ka,ay di ko intensyon.
Babayaran kita ng Sobra-Sobra.
Kahit MAPAMAHAL pa ko ng Sobra.
Gipit na Gipit lang talaga ako na masilayan ang iyong mga ngiti.
Sa Sobrang pangangailangan ko, kailangan kong magnakaw ng sandali.
Sinubukan ko na ring maging isang tulisan.
Tulisan na hinahabol ng Kapulisan.
Tulisan na may kasong sobrang magmahal.
Kaya pinili kong magpakulong sayong pagmamahal.
Mahal, di ko nagawang manlaban saking nararamdaman para sayo.
Handa kong harapin ang habangbuhay na pagkakakulong dyan sa puso mo.
Dahil ako lang yung preso na takot lumaya sa rehas ng mga yakap mo.
Ako yung Preso na hinding hindi tatakas sa buhay mo.
Kahit pa may sumubok magpiyansa.
Kahit na sa pagtakas, ako ay may tiyansa.
Hindi ko magagawang lisanin, Ang kulungang para sa akin.Mahal, Alam mo bang ikaw ang paborito kong pawnshop kung tutuusin.
Isasanla ko ang puso ko sayo,ngunit di ko tutubusin.
Mahal, Huwag mo sanang iremata ang puso kong tapat sayo.
Dahil walang alahas na makakatumbas sayo.
Mahal ang ginintuang oras ko ay handa kong isanla.
Huwag ka lang malugi at mawala.
Mas matimbang ka pa mahal sa anumang uri ng dyamante.
Handa akong magtrabaho sa puso mo, huwag mo sana akong isesante.
Alam kong marami na akong utang na pagmamahal sayo.
Handa akong mabaon sa utang para sayo.
Hayaan mo, makakabayad din ako sa tulong ng PAG-IBIG.
Dahil ikaw lang ang Sanlaan na may PAG-IBIG.
Sasaluhin ko lahat ang benepisyo mula sayo.
Basta ba ipapautang mo rin ang matamis na Oo mo.
Mahal, Sayo na yang puso ko
Basta akin na rin ang puso mo.
Para pag muli akong nagipit , Di na ako magsusumiksik sa maduming Junkshop.
Isasanla ko na lang ang puso ko,Sa Paborito kong pawnshop.