VLOG #2

15 2 0
                                    


CRESCENT STAR

"If you disobey me, Crescent, alam mo kung anong mangyayari sa'yo... sa inyo."

All of a sudden, bigla kong naalala yung specific time na yun when Dad warned me about having a romantic relationship. Parang tinutusuk-tusok yung puso ko nung nadinig ko yon dahil bigla ko nalang na-imagine yung pwedeng mangyari samin ni Icareus, in case na may makarating na news kay Dad at sa family. OA na kung OA, pero iba magalit si Dad.

"Star! D'you hear me?"

Napatingin ako bigla kay Mamoru habang nagda-drive sya. Pagkasakay ko palang kasi sa sasakyan nya, bigla nalang lumalim na naman ang pag-iisip ko.

Ano bang meron sayo at pabor na pabor ang buong pamilya ko sa'yo? Pera? Hitsura? Pamilya? Estado? Hindi naman nalalayo si Icareus sa'yo ha, sabi ko sa sarili ko.

"Why? Are you alright?" pag-aalalang tanong nya ulit sabay tapon ng tingin sa kin.

"Yup." I nodded and smiled.

"I made a reservation. Let's have some dinner."

"W-what? I thought ihahatid mo lang ako?" I surprisingly asked. "You should've asked me first before making that reservation!"

"I'm sorry. Actually your dad's idea." He simply said.

"Pssshh. Again!"

"Sorry, if you're not free tonight, pwede ko namang icancel nalang and then I'll just ask you first next time." He said, smiling. "Okay lang."

I admit, nakaka-guilty yung ngiti nya na yun. Ramdam na ramdam ko ang disappointment nya sa boses nya. For sure, pinaghandaan nyang mabuti ang gabi na to. Remember na may malaking bouquet pa sa back seat!

"Okay, Mamoru, pero bilisan nalang natin kumain ha."

"What? You mean payag ka na?"

I just smiled faintly.

"Yes! Thanks, Star!" Naningkit sandali ang mga mata nya dahil sa tuwa.

Unti-unting bumagal ang sasakyan dahil sa traffic. Well, alam nyo naman yan, diba? Gets nyo na'yan. Haha In-expect ko na to kaya ayoko talagang sunduin nya ko, dahil it means mas matagal kaming magkakasama dito sa car nya.

"By the way Star, the guy I met earlier..."

Parang may biglang kumabog sa puso ko. OMG. 'Guy' palang ang sinabi nya ang lakas na agad ng effect sakin. May nahalata ba sya? Or napansin?

"Ah yes? What about him?

"Is he your blockmate? Well, he kinda seems familiar."

Napansin kong parang napaisip sya sandali.

"Icareus Alonzo." I shortly said.

"Alonzo? Wait, is he somewhat related with those celebrities?!"

"Exactly."

"Oh, that's why. Uhm... If you're close with him, then I'd say I should be threatened." Pagbibiro nya sabay tawa.

Ayokong isipin nya na may "karibal" sya. Apparently not because I like him, ayoko lang magkaroon sya ng idea about samin ni Wolf.

Just then, umandar na ulit ang sasakyan at mabilis na kaming nakarating sa restau.

---

Wolf's disappointed look this evening suddenly bothered me as Mamoru and I took our seats in the restaurant. What am I doing here? I should be talking and comforting him right now that everything's gonna be alright! Mukha akong cheater sa lagay ko ngayon. Pano ko naman sasabihin sa kanyang wag syang mag-aalala, kung nakikipag-date ako ngayon sa taong sineset-up sakin ng pamilya ko? If I were him, baka magalit ako sa sarili ko. Wolf should not know about this.

"You seem occupied, Star. I apologize. Dapat talaga tinanong muna kita kung free ka tonight, para naman mabigyan mo ko ngayon kahit papano ng, y'know, kahit konting attention." He blushed and looked down. Seriously, that was so cute. But no, no! "So, let's enjoy our meal?"

I just gave him my sweet smile. Hindi ako masyadong nakipag-usap sa kanya para hindi naman nya ma-feel na super ine-entertain ko sya. In fact, mas iniisip ko pa si Wolf kaysa sa dinner date namin tonight ni Mamoru. Pano pag nalaman nya to? Ayokong masira kami ng dahil lang dito. I'll hold my Dad responsible for this. Bigla akong nagsisi. Dapat pala hinayaan ko nalang icancel ni Moru ang reservation.

"Uhm, Star, I'm aware that you don't like our set up. But..." Napatigil sya sa pagkain at seryosong tumingin sa akin. Kinabahan na naman ako nung time na yon. "I want you to know na seryoso ako sa'yo."

Gusto kong maiyak. Pakiramdam ko talaga nagtataksil ako kay Wolf. May boyfriend na ko. At sobrang nakakaguilty yung eksena na to na may nagcoconfess sayo

"I don't believe in love at first sight, but not until I met you, Star." He tried to reach my hand.

Hindi ko kinaya, mga bes.

"I'm sorry, Moru." I quickly stood up. Tumingin ako sa mga mata nya para maramdaman nya how sorry I am. Napansin kong lumungkot ang mukha nya, pero ngumiti rin sya agad. Ngiting nakakaguilty for somehow breaking his heart.

"It's okay, Star. Hindi ko naman inaasahan na magiging mutual agad ang feelings natin. What I'm trying to clarify is that I'm serious and I'd do everything to have you."

I'd do everything to have you.

Wait, is that a warning?

---

Back at home, I immediately dialed Wolf's number.

Please sumagot ka. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko ngayon. Gusto ko syang makita, yakapin, at mag-sorry sa kanya. Hindi ko alam kung bakit, basta nafi-feel ko lang. I tried to call him five times, pero baka tulog na sya or maybe busy.

"Twinkaly! Hi, it's Twinkle Star! I have good news, mga besh! I'll make a collaboration with your favorite youtubers soon! YAASS!! Seriously, I'm freaking excited about this guys! So of course, as requested, we'll do the spicy noodle challenge, we'll prepare mini games and challenges and maybe truth or dare! Basta, abangan nalang natin kung kailan ha. And may giveaways, yun talaga!"

Nagkwento pa ko ng konti about sa happenings this day. But of course, I never mentioned Wolf or Moru in the video. As I ended my recordings, nahiga na agad ako at nagtalukbong.

Kung wala lang sana kaming dapat itago ni Wolf, aaraw-arawin ko sigurong ipagmalaki sa mga vlog ko how much I love him. Ang dami kong gustong itry na challenges kasama sya. Ang dami kong gustong puntahan na lugar habang hawak ang kamay nya. But due to series of events that happened in the past, lahat ng mga gusto ko, ng mga gusto namin, kailangan naming i-give up para lang maitago ang lahat.

That night, I cried myself to sleep.

BEHIND HER VLOGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon