CRESCENT STAR
A-anong ginagawa nya dito? This can't be real.
Mabilis akong napatingin kila Carmela at Nella para makita ang reaksyon nila, or disappointment rather, since nabitin ang recording namin.
"Sorry guys." Sabay peace sign sa kanila bago ko sundan si Ate Alicia sa living room. "Just feel at home muna kayo dito ah?"
Nakangiting sumagot agad sa'kin si Nella. "Sure, Star. Take your time."
Paglabas ko ng room ko, napansin kong nakaabang lang sakin si Ate Alicia at hindi maganda ang ekspresyon ng mukha nya. In fact, alam nyang ayaw ko kay Moru at suportado ni ate ang pag-ayaw ko sa kanya. Hehe
"Pasensya ka na, Star. Hindi ko alam kung pano, pero parang alam nya kasing nandito ka. Pinapasok ko na tuloy sa bahay."
"Okay lang po. You're not to blame." Ngumiti ako sa kanya. Pagdating ko sa sala, bukod sa "kagwapuhang" taglay ni Mamoru, napansin ko rin ang boxes ng pizza and chocolates na dala nya.
Dude, this guy is serious.
"Star!" abot-batok(!) agad ang ngiti ni Moru nang makita ko sabay tayo nya. "You look great, as always."
I smiled back at him and motioned him to sit.
"S-so... what brings you here?"
"Ahm... wala naman. I just wanted to visit you here. B-busy ka ba?"
"Uhmm... actually may bisita ako right now. Nandun sa room ko yung vlogger friends ko for, you know... vlogs."
"Really? Cool! In fact, gusto ko nga sila ma-meet, every time na nanonood ako ng vlogs mo."
OMG. Mali yatang sinabi ko yon sa kanya. I got his interest! Baka lalong magtagal sya dito samin.
Umupo nalang muna ko malapit sa kanya.
"By the way, here's your favorite." Sabay turo nya sa chocolates at pizza. "Perfect timing, you can share it with your friends."
"Ah- hehe, right. Thanks."
"Uhm, well, since nandito na rin naman ako at yung friends mo, uhm, ano-, c-can I meet them? I mean, syempre, gusto ko rin maka-close ang friends mo."
SERIOUSLY? Nakakainis talagang tao na 'to. Feeling close! Bakit ba pilit syang pumapasok sa life ko? Ngayon naman pati sa vlogger-side ko.
Crescent, mag-isip ka ng palusot, dali!
"Uhm, Mamoru—"
Narinig naming lumabas ng room ko sila Carmela at Nella. Seconds later, nakatayo na sila sa harap namin.
"A-Ay, sorry bessy." Gulat na sabi ni Carmela.
Napatayo si Moru at ngumiti sa kanila.
"Hi."
"Uhm, ano." Medyo nataranta ako. Ang bilis naman ng pangyayari! Napatayo rin ako at medyo pumagitna sa kanila. "Moru, sila yung youtuber na friends ko. She's Carmela Pwing and That'sNella. Carm, Nella, he's Mamoru."
"Nice to meet you." Masayang sabi ni Moru. Anyway, lagi namang masaya ang bukas ng mukha nya. "Really happy to see you both in person. I've watched some of your vlogs and really enjoyed it."
"Oh, Thanks. Happy to see you, too. Star did not tell us you're coming. So, ikaw ba ang special guest for the vlog?"
"Ah, haha. No, Nella. In fact, I'm surprised, too. Sorry for interrupting you all."
BINABASA MO ANG
BEHIND HER VLOGS
RomanceCrescent Star AKA "Twinkle Star", is a youtuber/vlogger who has a secret relationship with the rising actor Icareus Wolf. But since the public started to become interested in their career paths as individuals, it was becoming more difficult then f...