VLOG #8

7 1 1
                                    

ICAREUS WOLF

At exactly 8pm, naghihintay na ko kay Crescent sa isang medyo tagong puno malapit sa school field. Tulad ng napag usapan namin, medyo kailangan naming mag disguise ng konti para hindi naman kami makilala agad ng mga taong makakasalubong namin. Right now, I'm just wearing a jacket to hide my uniform, a cap, and my clear eyeglasses. Well, I guess pwede na to.

Truth is, I'm so excited for this unexpected date. Sa totoo lang, hindi naman kasi talaga kami nakakapag date ni Crescent ng madalas. Since strict nga ang parents nya, especially her dad, sa mga secret place lang namin kami nakakapagkita at kumakain. If we want some adventure, kailangan talaga naming lumayo sa city. But we have to be careful pa rin sa STARians at sa ilang nakakakilala sakin as model.

At 08:11 nakita kong may tumatakbo na palapit sakin. Hindi lang ako sigurado kung si Star nga yun dahil madilim.

"Wolf?" mahina nyang tanong. Tumayo ako at nag wave sa kanya. "Kanina ka pa?"

"Not exa—" napahinto ako bigla ng medyo nakalapit na sya sakin at may tumama ng liwanag sa kanya. "C-Crescent?"

Napatingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa.

Naka jogging pants nya, naka sweat jacket, pinaloob nya lahat ng buhok nya sa bonnet at may fake mustache pa sya.

"A-ang gwapo mo, Star ah." Nangingiti kong sabi at napapakamot sa ulo. "A-are you sure about... this getup?"

"Hahahahaha! Threatened ka na ba sa ka-'gwapuhan' ko?"

Nangiti nalang ako sa trip nya.

"Joke lang! Baka mabad trip ka. Haha." Inalis nya ang fake mustache at tinanggal ang bonnet nya. Nakita ko kung pano nalaglag ang maganda nyang buhok sa balikat nya. Inalis din nya ang sweat jacket nya at suot pala nya ang shirt na bigay ko sa kanya nung Christmas. How funny na suot ko yung shirt na bigay nya kaninang umaga at suot naman nya ngayon ang bigay ko.

"Well, I think mas bagay sayo yung may mustache."

Hinampas nya sakin ang jacket nya.

"Just kidding. Haha." Hinubad ko ang cap na suot ko at isinuot sa kanya. "Ikaw ng magsuot nyan."

"Thanks. Suot mo nalang yung hood ng jacket mo para hindi masyadong halata na si Icareus Alonzo ang kasama ko."

"Tara na?" Hinawakan ko ang kamay nya at naglakad na kami palabas sa university.

"Pasensya na, Wolf." Napatingin ako sa kanya. "Minsan na nga lang tayo lumabas, may ganitong pakulo pa."

"Hey! It's fine, Cres. This is actually exciting. Magdidinner na nga tayo, may adventure pa. See?"

Hinigpitan ko ang hawak sa kanya sabay yuko, dahil may mga nakatingin na samin.

CRESCENT STAR

Nakakatawa talaga yung facial expression kanina ni Icareus nung makita nya ang outfit ko. Sabi nga sakin ni Allison kanina habang nagbibihis ako, "Gwapo mo besh. Kabahan na si Apollo at Icareus." Haha baliw talaga yung best friend ko na yun. Anyway, wala naman talaga kong balak makipag date kay Wolf na naka-ganung attire. Medyo gusto ko lang pagtrip-an o magpa cute sa kanya. I wore my favorite shirt na bigay sakin ni Wolf before, para kahit di ko man lang sya maipagsigawan sa mundo, at least may suot ako na isang bagay na galing sa kanya, habang rumarampa ang ate gurl nyo sa public.

"Tara na?" aya sakin ni Icareus sabay hawak sa kamay ko. Sinuot na nya ang hood ng jacket nya at medyo payukong nag lakad.

Nakakaguilty na makita syang nagtatago sa mga tao habang kasama ako, na medyo naka yuko ring naglalakad. Nag-sorry ako sa kanya. I feel responsible for this! Kung hindi lang sana strict ang parents ako, lalo na si Dad, malaya siguro kami ngayon. Anyway, hindi naman talaga in born ang paka strict ng daddy ko. In fact, super supportive nila before, kahit pa sa mga crush-crush lang namin ng ate ko. Yes, may ate ako. I remember that time, nabalitaan nya kung sino yung HS crush ko. You know what, dahil kilala pala nya ang parents ni crush, ininvite nya kaming lahat para mag dinner at para magkamoment pa kami ni crush! How cool, right? But... iba na ang sitwsyon ngayon. Because of that incident, everything changed.

BEHIND HER VLOGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon