VLOG #6

16 2 4
                                    



CRESCENT STAR

"How about this? You like this, right?" sabay abot sakin ni Moru ng kung ano mang menu yon. Lutang ako. Kaya hindi talaga ko nagbibigay ng kahit anong atensyon..

Right now, we're having a family dinner with Moru. Idea to ni Dad, since nasa bahay naman na sila. This is just like the worst day of this week.

"Oh, anak. Asikasuhin mo naman si Moru." Pangungumbisi ni daddy.

"Ah, no, uncle. I'm okay po."

"Okay, just enjoy your meal. Mukhang mas madalas yata kayo magkasama ni Star lately ha." Kalmado pero nakangiting sabi ng mommy ko. She knows, as well na hindi ko trip tong si Moru. As she looked at me, alam ko na parang tinatanong nya kung okay na ko sa set up namin. Bahagya akong umiling sa kanya para medyo "ipagtanggol" nya ko kay Dad.

"Ah, haha. Medyo lang, tita." Lumingon sakin si Moru para maghintay ng response ko.

"Not really, Mom. Medyo busy sa school and extracurricular."

"I see."

"By the way, have you heard about the concert next month for, you know, Valentines? I can easily get you tickets if you want." Proposal ni dad. Ano na naman bang kalokohan to? Tumingin agad ako kay mom para idefend ako.

"Honey, wag mo namang pangunahan yung mga bata. Let them decide on their own."

"Haha. Apologies. So, how was your business meeting with the Chinese investors, Mamoru? Your dad mentioned it to me last day."

At ayun na. Nag-usap na ulit sila about sa business, usapang pang-matalino. haha. Anyway, mas okay naman yun kesa sa una nyang topic na ino-open up. Hindi ako masyadong nakinig dahil iniisip ko kung pano ko ieexplain ang sarili ko kay Icareus. Pano ko ba sya makakampante na loyal ako sa kanya, despite this situation I have? Nakakainis talaga. Mag rebelde na kaya ako? Like umalis nalang sa bahay o mag drop out sa school? No, no. That's not very cool. Baka masira ko lang ang image ni Icareus at i-tag pa syang bad influence. Besides, may sarili rin naman akong pangalan na masisira. Kilala ko online at ginagawang role model ng ilang STARians.

Umayos ka nga, Star!

Ito na yata ang pinaka matagal na dinner sa buhay ko.

---

After attending church service this Sunday morning, I tried to contact Icareus for like XX times. Hindi sya sumasagot. Nai-stress na ko mga besh. Ni hindi ko nga alam kung san sya pwedeng puntahan. Wala rin akong ibang macontact. Since nung Friday ganito ang eksena. Nakausap ko lang si Icareus kahapon pero super cold nya. Busy din daw sya so hindi kami nakapag-usap ng maayos kahapon.

Natatakot ako.

What if masawa na sya sa ganito?

What if may makilala syang iba dun?

What if yung makilala nyang iba, mas may time sa kanya?

What if... ma fall out nalang sya bigla?

Napa-paranoid na ko.

Automatic akong napatawag sa best friend kong si Allison

"Oh, beshibels, what's up?"

"Bess~~ red alert."

"OMG. Ano na namang nangyari? Wanna meet up today?"

"Yes, please."

"Okay, same time, same place. "

Nakakaguilty yung ganito. Ako lang ba yung tipong nagka lovelife lang, medyo nakalimot na sa friends? Then maaalala nalang ulit sila, pag may konting problem na? Ahehe. Sorry na. Bawi nalang next time.

BEHIND HER VLOGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon