VLOG #7

10 2 1
                                    


ICAREUS WOLF

Nai-stress na ko. Though alam ko naman na magiging super busy ako pag pinagpatuloy ko pa ang career na to, sinubukan ko pa rin. At yun ang nakakapagtaka. Siguro, ayaw mo man o gusto sa isang bagay, kung iyon talaga ang kapalaran mo, wala ka ng kawala.

Inaamin ko na nagtatampo ako kay Crescent. Wait, let me rephrase that. Naiingit ako kay Momorung hilaw dahil sya, malaya nyang mae-express ang feelings nya para kay Crescent kahit sino pang kaharap nila. Her family likes him, too! Anong laban ko don? Gustung-gusto ko ng ipagsigawan sa public, sabihin sa harap ng camera, o icomment sa posts and vlogs nya na ako, si Icareus Alonzo, ang boyfriend nya. Pero nangako ako kay Crescent na pahahalagahan at irerespeto ko ang mga kondisyon nya, including the secrecy of this relationship we have. I must admit na medyo nahihirapan ako. But so what, I love her that much.

Halos buong weekend kaming hindi nakapag usap ng maayos ni Crescent after what happened that Friday night. Gusto ko namang magkausap kami ng maayos, pero talagang may conflict lang sa schedule ko. Pero siguro, dapat ko ring aminin na medyo sinadya kong magpaka-cold sa kanya. After ko malamang nakipag date sya kay Moru that day nung sinundo sya at matapos kong malaman na magkasama sila sa bahay during her vlogger duties, anong ine-expect nyong mararamdaman ko?

This Sunday afternoon ilang beses ulit akong kinontak ni Crescent. No one knew how much I wanted to take her calls and reply to her messages. But my new manager, Mrs. Janet Santiago, kept telling me to focus my attention sa work. Kasama ko ang MarJo, Mari and Jonas loveteam sa new movie nilang Revenge. Since lagi raw romance comeday and romance drama ang line ng movies nila, this time, medyo dark ang theme and with action scenes. Nagkaron ulit kami ng discussion with directors and writers this afternoon kaya medyo nahirapan akong kumuha ng free time.

After that, sa sobrang miss ko kay Crescent, naisipan kong pumunta sa secret place namin malapit sa bahay nila. I don't know, but whenever I'm there, I feel safe and comfortable. Lalo na pag naaalala ko ang memories namin don ni Star.

Pagdating ko sa abandoned playground, napansin ko agad na may tao sa swing, kaya dahan-dahan akong lumapit para hindi nya ko maramdaman. Thought may kaagaw na kami ni Crescent sa hideout namin, but I was wrong.

Narinig ko ang paghikbi at pag-iyak ni Crescent. Napahawak ako sa dibdib ko dahil pakiramdam ko, parang may tumutusok-tusok sa puso ko. I hate to see her crying and lonely.

"Icareus, n-nasan ka na ba?"

Nadoble yata ang pagsikip ng didbdib ko. She's looking for me! Meaning, I am the reason behind her tears.

"Crescent?"

Napansin kong nagulat sya pero mabilis syang napalingon sa kin.

"WOLF!"

Umiiyak syang nagtatakbo papalit sakin.

"ICAREUS, I'M SORRY!" paglapit nya sakin, mabilis syang yumakap sakin habang patuloy pa rin na umiiyak at nagso-sorry.

Seeing her like this is more than painful.

"Please, stop. It's okay, Crescent. Tahan na, please."

Tumingin sya sakin at pinunasan ko ang luha nya. "Hey, cheer up! It's okay, Star. There's nothing to worry about."

"I-Icareus. S-s-Sorry."

"Cres, you didn't do anything wrong. Wag ka ng umiyak, please? Wala kang kasalanan."

"Pero Icareus, natatakot akong mawala ka sakin. Naiisip ko palang yun, parang hindi ko kakayanin. Natatakot akong may mahanap kang iba who is far better than me. Natatakot akong masawa ka sa ganitong klaseng relasyon. Natatakot akong bigla ka nalang fall out. Natatakot akong...."

BEHIND HER VLOGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon